Chapter 59

70 9 0
                                        


CHAPTER 59

Medyo okay na ako kahit papaano. Salamat sa music.

Then nagchat si Kian.

Kian: Wed

Ako: hmm

Kian: Nasasaktan ako

Ako: Bakit po?
Gusto mo ng hug?

Kian: Nasaktan si Maria sa inasal niyo
Si veen nagleft
Ikaw nasaktan

Ako: ok

Kian: Si Juts nagleft din at di ako kinakausap
Pakiramdam niya nasira niya mga besprens ko

Ako: ahhh
Okay
Tapos?

Kaloka, bat feel ko ang cold ko?

Kian: Di na niya ako pinapansin
Nasasaktan ako
Baka iwan na naman niya ako

Potek! Sakit nyo sa bangs. Come back tapos hindi nagpapansinan. Ano yan? Laruan ng feelings?

Kian: Tapos nasira ko pa relationship natin
Fuck
Ang tanga ko

Then inutusan ako na lumabas. Muntik na nga ako masagasaan ng van. Dun ko napagtanto na lutang at preoccupied ang isipan ko sa nangyari kanina.

Then ng makauwi ako ay sumama ako sa laro sa gc ng hoshino.

Pinagalitan mo pa ako kasi naligo ako sa ulan pero Kung dati takot akong magalit ka o kaya naman palagi kitang sinusunod ngayon ayaw ko muna.

Sino ka ba? Sino ka ba para sundin ko? Para idepende sayo ang kasiyahan ko— ang mga desisyon ko? Sino ka ba? Kaibigan lang naman diba?

Hindi kita tatay, Hindi kita kuya, kaibigan ka lang. Ramdam ko na nagbabago ako dahil sa sakit na pinaramdam mo sakin. I can feel na nagiging cold ako. Na nawawalan na ako ng pake at gana sa lahat.

Muli akong magtatayo ng harang sa puso ko para hindi mo na ito masira muli. Nakakapagod na masaktan, nakakapagod na umiyak ng dahil sayo. Nakakapagod na na magpakatanga sayo.

Okay na ako nuon eh. Moving on na ako. Pero Wala eh. Dahil dun sa nangyari sa gc nung June 9 ng Gabi, muling nasira ang harang na itinayo ko para sa puso ko.

Tapos before nung magpapa-surgery ka, na sinabi mo na ibabalik mo yung nararamdaman ko. Shit! Yung saya na naramdaman ko nuon napalitan ng sakit sa tuwing inaalala ko iyon.

Naaalala ko pa yung saya at kilig nuong sinabi mo yun. Yung saya na tanging ikaw lang yung nagparamdam sakin.

Alam kong unti unti mawawala rin Yun. Na hanggang ala-ala na lang yung nangyari ngayong buwan na ito. Isang masayang ala-ala na minsan gusto ko rin kalimutan dahil sa sakit na nadarama.

Alam ko namang kahit kailan Hindi kita napasaya. Na Wala akong naitutulong sa mga bigat na nararamdaman mo.

Lahat nung mga pangakong sinabi mo dati— kailangan ko ng ipasok sa kukote ko na Wala na ang mga iyon. Na hanggang ala-ala na Lang ng nakaraan.

Nakita ko mga post mo Kian sa Twitter. Yung sakit na naramdaman mo.
Yung time na umiyak ka sa live.
Yung bawat paghintay mo sa kanya tuwing gabi.

Alam mo, sabi nila Nathaniel at Leen na MU daw Tayo. Idk, di pa ako nagkakaroon nun eh. Ngayon pa lang.

Yung pagiging positive mindset ko— Wala na. Unti unti ng nawawala.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon