Chapter 14

69 6 0
                                    


CHAPTER 14

Mag-aalas quwatro na ako nakaramdam ng antok. Pinagod ko sarili ko, umagang umaga ay naglalaba ako.

Naalimpungatan ako mga 7:31 am na. As usual, kinuha ko phone ko para tignan ko kung online ka.

Pero hindi ka online. Si Nathaniel lang at yung girlfriend niya yung nakita kong online.
Mabigat pakiramdam ko as usual but gusto ko pa matulog kaya pinilit ko.

----------

8:57 na ng umaga. Hindi ka parin online. Nag-aalala na ako.

Nagkaroon din ako ng masamang panaginip. Hanggang panaginip frinend zone parin ako kahit nagsusumamo ako sa kanya.

Napapa-iyak ako. Hanggang sa panaginip ba naman iiwan niya din ako? Bakit ba ayaw mo sakin? Tangina naman eh nakakapagod na umasa. Palagi na lang kitang iniiyakan. Hanggang panaginip binabagabag ako na hanggang kaibigan lang tayo. Nasasaktan ako— nasasaktan ako sa katangahan ko.

Mali ba na minahal kita? Mali bang bumalik ako sa buhay mo? Mali bang ginagawa ko ito para malaman mo yung nararamdaman ko sayo?

9:27 am na. Hindi ka parin online. Sineen mo lang din yung mga chats ko sayo.

Ang sakit. Ang sakit sakit kasi unti-unting nawawala yung pag-asa ko sayo. Ayaw kita iwan pero hindi ko na kinakaya yung sakit eh.

*Ting*

9:33 am tumunog ang phone ko. Chinat ako ni Kian pero... Pero natatakot ako na tignan yung simpleng 'good morning wed' niya sakin. Natatakot ako.

"Ayan na yung hinihintay mo kanina pa oh bakit hindi mo sagutin?" Tanong ko sa sarili ko. Natatakot ako. Natatakot ako nakausapin siya. Kasi baka maulit yung panaginip ko kanina. Ayoko na... Basta natatakot ako. Naiiyak ako. Nasasaktan ako. Miss ko na siya agad pero— pero ang sakit eh.

Nagsimula na naman akong umiyak. "Ayoko na ng ganitong feeling." Naiiyak kong saad.

Natatakot ako. Nag-aalinlangan ako kung bubuksan ko ba yung chat niya o hindi ko na lang papansinin. 

Nagchat ka ulit.

Kian: wed
Uyy
Galit ka ba

Ako:hindi

Hindi, kasi masakit.

Nagchat ka ulit. Nagsend ng GIF sakin but bakit hindi ako maging masaya o hyper like always. Napapangiti lang ako then iiyak na naman.

Ayoko na, please ayoko na umasa sayo. Unti-unti na akong napapagod kung alam mo lang. Nakakapagod nang umiyak ng dahil sayo. Nakakapagod na na magpakatanga sayo. Nakakapagod na na mag-effort sayo, na sayo umiikot mundo ko, nakakapagod na ikaw yung inuuna ko, na ikaw yung priority ko.

Tangina! Ayoko na promise! Gusto na kita sukuan pero bakit hindi ko magawa? Kasi ba umaasa parin ako?

"Tangina mo self magising ka na sa katotohanang hindi ka niya kayang mahalin!" Napapa-iyak na naman ako.

Ayoko na ng ganitong feeling...

'Baliwala ang lahat ng sakit kung ikaw naman ang kapalit'

Pero... Pero may Mahal ka na eh! May magagawa ba ako  dun?! Mali ba na bumalik ako sa buhay mo? Kasi kung mali lalayo ako kahit masakit. Mas pipiliin ko na lang na maging masaya ka sa piling niya kaysa naman maging pabigat ako sayo.

Ako lang naman yung pabigat sating dalawa eh. Ako lang naman yung pilit na ipinagpipilitan ang sarili ko sayo.

Ako na lang din naman yung nagmamahal satin eh. It's just a one sided love. Yeah, ganun na nga.

"Friends...?" Isang salita na ang lakas ng impact sakin. Isang salita na nagsasabi sakin na tumigil na ako.

Baka kailangan ko na rin tanggapin na baka siya na nga yung taong papalit sakin. Yung taong papalit sa pwesto ko.

Baka nga may katangian siya na lamang sakin. I mean, bakit siya pipiliin mo diba kung ganun. Baka mas kaya ka niyang pasayahin. Baka mas magaling siya magcomfort. Baka mas magaling nga rin ata siya magdrawing sakin or gumawa ng stories. Baka mas maganda ang kalooban niya kaysa sakin. Baka mas mabait siya sakin kasi ako hindi na ako naniniwalang mabait na ako.
Baka mas may dating siya, mataas ang confidence, malakas ang loob.
Baka nga mas masaya siya kausap hindi tulad ko na boring at walang matopic.
Baka mas nabibigyan ka niya ng time.

Baka kasi mas naipaparamdam niya sayo na mahalaga ka kaya siya ang pinili mo imbis na ako. Kasi ako, mapaginipan ko man na nagkagusto ka rin sakin, bangungutin man ako araw-araw ng katotohanang may girlfriend ka na, na hanggang kaibigan lang talaga at hindi mo ako nakikita tulad ng pagtingin ko sayo— I did promise na hindi kita iiwan. Hindi naman kita iiwan. Aalisin lang kita sa sistema ko. Sa puso't isipan ko.

Sorry if I'm being cold towards you. It's just my defense mechanism para masanay ka na wala na muna yung masayahing Wednesday. Yung nagiging hyper kapag sinisendan mo ng mga GIF.

Unti-unti ko ng sinasanay na hindi lang sayo naikot ang puso at isipan ko.

N-natatakot na ako... Natatakot na ako na baka isang araw magising na lang ako na wala na pala yung pagmamahal ko sayo kasi pagod na ako.

Fourteen days na pala ang nakakalipas. Parang nung una lang tayo ulit na nagkausap napagkamalan mo akong lalaki.

Yung araw-araw nagsisend ka ng mga GIF tapos kapag hindi ako ako makagets ayun tinatawanan mo ako tapos sasabihin mo 'wala wala'.

Hayssttt nakakamiss yung mga araw na yun. Pero wala na eh. Di ko na mababalikan yun.

Baka nga mas deserve mo siya kaysa sakin. Baka nga tama lang na siya yung pinili mo kasi ako, puro send lang ng stickers, ng mga GIF, puro send lang ng virtual hugs.

Hayssttt... napabuntong hininga ako.

Stop being like that kasi nagiging marupok na naman ako sayo. Nagiging marupok na naman yung puso kong baliw na baliw sayo.

Sorry kung slow ako, ayaw ko naman talaga maging slow eh kaso yun ako.

Tapos ako ito kumakain kasi sabi ni Kian. Oo naaa, ako na marupok. Minsan lang ito kaya sinusulit ko na. At least yung kaninang lungkot na nararamdaman ko napalitan ng saya dahil sa kanya.

Wala eh, malakas ka sakin eh. Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na kalimutan ka, na may girlfriend ka na, na masaya ka na sa kanya, wala eh umaasa parin ako sa bagay na malabong nangyari.












71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon