CHAPTER 4Malapit na mag alas dose pero wala ka paring chat sakin. Kanina pa kita hinihintay pero wala ka eh, ayaw mo ako kausapin, ayaw mo ako i-chat.
*Ting*
Biglang tumunog phone ko at sobrang saya ko ng nagreply ka na sakin pero lalakasan ko ang loob ko na itanong sayo ang kanina pa bumabagabag sakin.
Ako: may gusto po sana ako itanong
If oki lng po?Kian: ano?
Ako: napipilitan ka bang ichat ako?
Hindi muna niya sineen. Mga makalipas ang ilang minuto nagchat na rin siya.
Kian: ha? Di po
Magkaibigan tayo dibaSaad niya sa chat and reality hits me hard. So damn hard. Magkaibigan. MAGKAIBIGAN.
Damn! Ang sakit haha! Pero kahit na ganun pinilit ko parin na magreply sa kanya na hindi ko pinapakita na naiiyak na naman ako.
Ako: Yeesu but I mean okay lng naman kung sabihin mong napipilitan ka magchat sakin
Kian: Hindi wed
Ako: sure ka po?
Kian: oo nga
Hindi mo diba nahahalata. Haha!sanay na ako dyan kaya hindi mo nahahalata Kian. Hindi mo halata na ang sakit na.
Kian: hahaha
Ikaw talagaAko: kamusta ka na po?
Kian: okay naman
Ikaw? Kamusta
Nahulog ka dibaKamusta ako? Ito umiiyak haha dahil sa katangahan ko. Diba ang saya haha.
Ako: oki naman po ako, plus malakas naman po ako eh kaya di naman po masakit
Oo malakas ako, yun din ang pinapaniwala ko sa sarili ko.
Kian: okay lang naman maging mahina minsan
Natatakot akong ipakita sayo na mahina ako eh. Kasi, kasi aasa na naman ako.
Ako: Oki lng ako promise po mas malala pa dyan yung iba
Kian: iba na?
Ako: I mean po d naman po ganun kalala pagkakahulog ko po
Mas masakit yung dati kong pagkakahulog
Basta ganun poMas masakit yung nahulog ako sayo pero hindi mo ako sinalo. Sakit nun diba haha.
Sana kaya kong sabihin yan sayo sa chat kaso hindi eh. Duwag ako. Sorry...
Nagsimula na naman na pumatak ang aking mga luha.
Masaya na nakakausap kita but nasasaktan ako sa tuwing umaasa ako sayo.Hindi ko na alam gagawin ko.
Nang makita Kong sineen nya lang ako ay sinubukan kong mag-isip ulit ng topic. Ayoko mawala yung momentum ng pag-uusap natin please. Gusto pa kita kausap. Ngayon lang ulit tayo nakapag-usap ng ganito katagal.
Please...
Pagsusumamo ko habang inaabangan ko ang reply niya sakin kaso... Kaso wala eh.
Napabuntong hininga na naman ako habang pinapatahan ang sarili ko.
Sabihin mo kung may pag-asa pa ako sayo kasi ako nasasaktan na pero pilit na lumalaban para sa nararamdaman ko sayo.
Ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon. Tumahan na rin ako sa aking pag-iyak. Hindi makahinga ng maayos dahil sa pag-iyak ko na ginawa pero kahit na ganun iniisip parin kita. Kahit iba ang nasa isip mo.
Binati ko siya ng 'good afternoon' at nagreply naman siya ilang minuto ang nakalipas. Nagmessage ako ulit pero hindi na naman niya sineen. Baka nga busy siya... Busy sa ipopost niyang mga stories na sabik na sabik akong basahin. O kaya naman ay kausap niya ang dilag na nakakuha ng atensyon niya.
Ilang buwan ko hiniling na sana, sana ako na lang iyon. Na Sana pala hindi ko na lang ibinigay sa iba yung pagkakataon na pwedeng maging kami. Kaso tangina eh, bakit kasi ganito ako?!
Pano kung naging makasarili ako nuon at ginamit ko ang isang kahilingan na iyon samin? Pano kung hindi ko iyon ibinigay kay Nathaniel nung panahon na iyon? Mapapansin na ba ako ni Kian kung nagkataon na hindi ko iyon ibinigay?
Puno ng maraming katanungan ang aking isipan. Mga bagay na pinagsisihan ko kasi bakit ako naging ganun. Dapat ba naging makasarili ako nuon? Mali ba na ibinigay ko iyon sa iba? Mali ba na... Na hindi ako nagtapat sa kanya agad?
Unti-unti ay kinakain na ako ng kalungkutan.
Napansin ko na ito na naman ako, naghihintay na naman sa reply niya. Sabik na sabik makausap ang ginoong kahit kailan ay walang pagtingin sakin. Ginoong napakahirap abutin kahit anong pilit ko kasi mababa lang ako, hindi matalino, boring kausap, tahimik lang, napaka walang kwenta at kaiwan-iwan.
Patuloy lang ako sa paghihintay sa kanya.
Mag-iisang oras na naman ako na naghihintay sa kanya. Nakikinig na rin ako ng kanta para kumalma ang sistema ko. Buti tumahan na din ako pero may pagkakataon parin na kusa na lang ako napapa-iyak.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagkaroon ako ng panaginip. Nag-uusap daw kami. Kahit panaginip iyon ramdam ko Yung kaba at takot sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sa panaginip ko tinanong ko siya kung nilalayuan niya ba ako kasi alam niyang may nararamdaman ako sa kanya kaso hindi ko maalala sa panaginip na iyon ang kanyang sagot.Nagising na lang ako 5:37 na sa orasan. Tinignan ko naman ang chat namin dahil baka may new message siya pero active five hours ago siya.
Nagmessage ako sa kanya.Ako: kiaann
GinoooSabi ko sa chat ko sa kanya. Sinubukan ko ulit matulog pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Lumakas kabog ng puso ko. Tila para bang hinahabol ako pero nakahiga lang naman ako.
Napagdesisyonan ko na lang na gumising dahil kahit naaantok pa ako kung ganito pakiramdam ko wala rin. Hindi rin ako makakatulog.
Pinakalma ko puso ko. Napabuntong hininga ako.
Para akong kinakabahan, pero saan naman?
Ano bang nangyayari sakin? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame namin.Nag-aalala ako sa kanya. Ano kayang nangyari? Para na akong naloloka. Hindi ko alam kung bakit ganito pakiramdam ko. Okay naman ako kanina eh pero ngayon bakit ganito?
Dahil ba ito sa panaginip ko? Naalimpungatan lang ba ako? Puro na lang katanungan ang nasa isip ko kasi hindi ko alam ang nangyayari sakin sa mga oras na ito.
Namimiss kita kahit hindi mo ako miss. Gusto kitang kausap palagi pero bakit hindi mo iyon nakikita. Gustong gusto kita kausap kaya nga naghahanap ako ng pwedeng gawing topic or mapag-uusapan natin kahit minsan paulit ulit iyon. Pero hindi mo parin ako napapansin.
Alam mo yung hindi mo siya kausap pero nandyan parin Yung chat head niya ayaw mo alisin. Yung wala ka namang kachat pero Yung chat head niya nandyan lang hinihintay mo reply niya sayo na nagbibigay saya sa iyo.
Ginoo bakit hindi mo ako mapansin? Hindi naman kita lolokohin eh, hindi naman kita sasaktan tulad ng ginawa niya sayo eh.
Please Kian— please mapansin mo rin ako...
Sana may pag-asa paring maging tayo...
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...