Chapter 30

61 9 0
                                        


CHAPTER 30

Kinukulit ko si Kian. Then nagchat siya 'wed' hinintay ko ang reply niya pero wala... Wala ... Seen na naman ang natanggap ko sa kanya.

Please Kian.... Ang saya natin kanina diba...? Bakit ba palagi na lang na ako yung nagmumukhang tanga palagi...? Bakit ba ako na lang palagi yung nagbibigay lungkot sa mga taong nakikilala ko.

Nawawalan ako ng ganang kumain.

Bakit ba palagi akong kinukumpara sa iba? Wala bang unique sakin? Original? Yung ako lang talaga meron?

Kian...

Then nagchat ka rin.

Kian: wed
Sorry

Ako: okay lang
Wag ka na magsorryyy
Wala ka po kasalanan
Plss
Wag mo po sisihin sarili mo

Ayaw ko na ganyan ka. Na inaako mo yung mga kasalanan. Please, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi sana ako bumalik sana masaya kayo ngayon. Kung hindi sakin sana hindi ka naiipit sa sitwasyon. Kung sana tinikom ko na lang ang bibig ko at hindi nag confess sayo sana walang ganito.

Then gumawa ng gc si Kian. Isang gc kung nasaan nandun kami. Ako, si Anais, si Kian at Nathaniel.

Nag-uusap sila dun sa gc habang ako naman ay hindi komportable sa nagaganap sa mga oras na yun.

Nahihirapan ako ikalma sarili ko. Nahihirapan ako huminga. Nahihirapan ako na patahanin ang sarili ko.

Nahihilo ako. Naninikip ang dibdib ko sa mga oras na ito. Gusto ko na na umalis dun. Gusto ko na na matapos iyon kaya naman if sasabihin dun na magbabati na agad-agad akong papayag na kasi please hindi talaga ako comfortable sa sitwasyon ngayon.

Nang magka-ayos na... Nang maging okay na ang lahat medyo nakakahinga na ako ng maluwag.

Okay na, wala na, nagka ayos na rin sa wakas. Nag-usap usap dun. Then gawin daw na squad. Lahat sila pinapatulog na ako pero— pero ayoko pa...

Gusto ko muna na sulitin ang katahimikan. Gusto ko muna  umiyak... Iiyak itong sakit na nararamdaman ko.

Then nagchat yung isa sa mga kaibigan ko. Nag-usap usap lang kami ganun ganun then habang kausap ko sya namamapak ako ng palaman ng tinapay.

Then biglang may sinabi si Pula sakin.

Pula: may ipaparinig ako!
Pampasira ng araw mo.hahahaha

Kahit papaano natawa ako dun sa sinabi niya.

Nagsend lang siya ng mga limang voice mail sakin then sinabi niya na hindi na daw pwede dahil tulog na yung mga tao sa kanila.
Sinabi ko naman na oki lang naman yung pagkanta niya eh kaso sinagot ako ng...

Pula: Pero... Mas maganda ako

Then ayun nagsend ako sa kanya ng mga memes. Kahit fushigi yuugi memes din.

Then nung wala na ako na maisip na itopic, tinanong ko sya.

Ako: anong pwedeng itopic?

Then sumagot naman siya.

Pula: Ung hotness ko and kagwapuhan

Nahiya na lang ako sa kahanginan nya. Pero salamat sa sinend niyang mga voice mails sakin. Medyo okay na ako hindi tulad kanina.

Nang magfo-four na ng umaga dun ko na lang naisipan na matulog. Ewan ko parang feel ko pagurin sarili ko. Ako lang ata yung taong naghuhugas o naglalaba dis oras ng umaga. Yung mga parang mga two ng umaga or three or four ganun ganun.

--------

Nagising ako mga 5:54 am na. As usual kinuha ko phone ko at binati si Kian ng 'morning' then dahil antok pa ako at lutang hindi ko alam ang ginagawa ko.

Example hindi ko namalayan na nagstart pala ako ng video call don. Hindi ko napansin. Kaya agad-agad kong inend at nagsorry.

Kinuha ko earphones ko, tinodo ko ang volume ng phone ko just in case na may magchat and as usual pinakinggan ko na naman ang cover mo.

May mga pagkakataon na naalimpungatan ako.

Sa pangatlong beses ko na naalimpungatan ako ay ikaw na ang nagchat.

Kian: good morning

Ako: hewo

I'm sorry, I don't know how to respond right now. May part sakin na nagsasabi na 'gumising ka na' pero may part din sakin na nagsasabi na 'matulog ka na, kulang ka na nga sa halaga kulang ka pa sa tulog'.

Kahit naaantok pa ako ay may part sakin— may malaking part sakin na gustong gusto kang replayan agad.

Then nagsend ka ng GIF. "How long has it been since you last send me a GIF...? One day? Two days? Three days? Bakit parang feel ko napakatagal na nung huli kang nagsend sakin ng ganyan.

Kian: wed?
Bat ang cold mo sakin?

Sorry Kian... I'm still a mess.

Ako: Baka po naaantok pa po ako kaya ganun Po, sorry

Kian: Hindi ka ganyan dati

I know that...

Kian: Di ako natutuwa

Ako rin...

Ako: Baka naaantok lang Po talaga po

Baka nga ganun lang yun... Sana ganun lang kadali yung tipong itutulog mo Lang then TA-DA okay na ang lahat.

Kian: I miss you

Ako: I miss you too

Miss ko na yung dating tayo. Yung walang pinoproblema na kahit ano. Yung parang just go with the flow lang. Kaso ala-ala na lang ata iyon.

Nagsisimula na ako na magising sa katotohanan. Nagsisimula ko ng marealize yung kagagahan ko, mga katangahan ko, yung mga kahibangan ko...

A-ayoko ko pa... Please...

Then nalaman ko kay Nathaniel na dahil sa inaakto ko ay nawawalan na naman daw sa mood si Kian.

Kaya naman chinat ko siya.

Ako: Uhmmm sorry Kung nawawalan ka na naman sa mood ng dahil sakin

Makalipas ang halos kalahating oras ay sineen nya lang iyon. "Okay po... Nasasanay na rin naman na ako sa mga seen mo po eh. Sorry kung ganito lang ako. Sorry kung duwag ako." Saad ko sa sarili ko.

Nagsisimula na na sumakit muli ang tyan ko. Ganito din yung nafifeel ko kagabi. Sino ba naman kasing tao ang isang beses lang kung kumain kada araw.

"Hayssttt... Ano bang nangyayari sakin?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto namin.

Napansin ko na malapit na mag alas dose.

Nagkakahiyaan ba kami na mag-usap? Walang matopic? Hayssttt...

Nang mag alas dose na ay agad ko siyang chinat ng 'afternoon po Kian' then nagreply siya ng 'afternoon'.

Ginalit ko ata talaga siya. Huminga ako ng malalim at muling humingi ng sorry.

Pero wala na ata siyang balak na iseen pa iyon dahil nga kung hindi dahil sa inakto ko kanina sana— sana hindi siya nawala sa mood.

"Ang tanga tanga ko kasi eh..."

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon