Chapter 18

48 10 0
                                        


CHAPTER 18

Kaninang umaga, bago ako matulog— bahing ako ng bahing super. Sunod sunod. Kaya napa-isip ako. Baka may taong tinatawag or pinag-uusapan ako.

Parang yung katulad sa mga anime lang hahaha!

Nakatulog na ako mga magtu-two na ng umaga at nagising ako mga 7:34 na ng umaga.

Chinat ko si Kian ng 'good morning'. Kaso habang naghihintay sa reply niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Mga 8:41 am ka nagsabi ng 'good morning wed' sakin. Nagreply naman ako ng 'hewo po' kaso hindi ko na nabasa ang chat mo kasi nakatulog na naman ako.

Nakareply na lang ako mga 9:32 am na. Medyo naalimpungatan kasi ako. Hindi ko maalala ang nasa panaginip ko pero nandun ka.

Nagchat lang tayo. Ako hinihikab na naman. Nag-stretching ako pero hindi ko talaga mapigilan yung antok.

So as usual, tinodo ko ang sounds para marinig kita kapag nagchat ka sakin. At niyakap ko ang unan ko at inisip na ikaw yun. AYIIIIIEEEE haroot kaloka hahaha!

Pero promise parang ganun na nga hehehe.
Kaso nakita ko na sineen mo lang yung sinabi ko sa chat. I tried to sleep again but I'm still alert if you chatted me. Magiging alerto agad ako kapag nagreply ka. Kaya ayun, pinikit ko muna  ang mga mata ko.

"I miss you kian Soo much." Sabi ko habang kayakap ang unan ko, at nakapikit ang mata ko.

Nagising na ako mga 12:10 pm na. So as usual binati kita ng 'afternoon' kahit medyo naantok pa ako.

Nagreply ka naman makalipas ang dalawang minuto.

Kian: good afternoon wed

Tapos nagsend ako ng sticker tapos tinanong din kita kung kumain ka na ba.

Then after ng apat na minuto nagreply ka.

Kian: po? Di pa po
Ikaw?

Sinagot ko naman siya ng 'hindi rin' at nagtanong pa ako kung bakit hindi pa siya kumakain.

"Grabeeee inaantok pa ako superrr!" Sabi ko sasarili ko at nag-unat unat.

Hanggang ngayon medyo art block pa ako kalokaa sa Sunday na yung pasahan nung poster making contest na sinalihan ko!
Hayssttt wala akong maisip na idrawing dun. Huhuhu

Sa sobrang art block ko susubukan kong tanungin si Kian tungkol dun. Need inspiration este ideas pala haha.

Hinihikab parin ako. Tapos medyo inuubo ako nitong mga nakaraang araw. Nakakaloka na mag poster makinggg! Huli Kong sali dun is ang theme ay about sa effects ng drug sa isang tao eh. Kaso kinuha na nila yung gawa ko na yun huhuhu. Naalala ko tuloy yun. Grade 9 ako that time at pumunta ako ng library para tumakas sa flag ceremony that time at nung lumabas ako nalaman ko na sinasabi na nila yung nanalo.

Akala ko that time last place kami kasii may nakakuha na ng first place eh pero laking gulat ko nuon nung sinabi na champion yung place namin. Parang nagloading sa isip ko yun. Nung uwian ko na na-absorb yung nangyari.

Nung sumagot na siya sinabi niya 'isda' bigla naman akong nalito. Then nagchat siya ulit.

Kian: Nakatambay sa bahay
Quarantine e

Hindi ko naman nagets kaya sinagot ko ay 'huh?'.

Tapos sinagot niya sakin.

Kian: hahahahaha
Slow

Oo naaaa, ako na slowww. Kalokaa. Sinabihan kita nuon na slow talaga ako tapos sinabi mo nuon walang slow na tao inosente lang. Napaisip ako. Nasa gitna ata ako ng inosente at malawak isipan eh. Ewaannn! Nakakaloka.

Waaahhh! Mustaaa yung collab natin senpaii haha! Ilang araw na yun haha.

Balik ba ako sa pagsusulat ng smuts? Chaaarrr! Di naman ako ganun kasanay magsulat ng ganun eh.

Nagtry lang ako nun kaso blinock ni Facebook. Buti may isa pa akong copy nun.

I mean hindi naman ako ganun ka slow— I think. May mga words lang talaga or bagay na hindi ko gets. Ano ba itong pinagsasabi koooo?!

Malala na epekto ng quarantine sakin huhuhu. Miss ko na yung bahay na walang tao, yung ako lang.

1:35 pm na. Kakain na ako. Kakauwi ko lang din galing sa labas dahil inutusan ako.

----------

2:02 pm na ako nakatapos kumain. Habang kumakain kanina nanood na naman ako nung mga horror games tapos title nung laro is 'siren head'.

Hindi naman sya ganun na nakakatakot. Nakita ko rin na sineen lang ni Kian yung chat ko sa kanya kanina.

So chinat ko siya. Baka pansinin niya ako. Ipapakita ko na sana sa kanya yung drawing.

Nagandahan kasi ako dun sa itsura nung babae sa isa niyang story kaya gusto ko na idrawing yun. Kaso hindi ko naman magaya kasi nga hirap ako sa portrait but I'm practicing naman.

Plus feel ko rin para akong masusuka. Nararamdaman ko lang yan kapag kumain ako ng umaga like mga five or six ng umaga, ganyan ang nafifeel ko kaya hindi ako kumakain tuwing nasa school. Minsan if nandun fries, yung cookies and cream na shake dun or yung ice cream sa school or yung honey bar na nabibili sa mga tindahan. Yun! Favorite ko yun! Basta cookies and cream.

Plus if magpa-fries ako yoko ng ketchup. Mas gusto ko na minsan ididip ko iyong fries sa gravy or sa ice cream. Mas gusto ko yun. Plus hindi talaga ako umaano ng may ketchup. If spaghetti or pizza pwede pa but like yung ididip mo or sawsawan ganun nopeee, yoko nun.

Kasalanan ng quarantine kaya wala akong kita ehh. Hayssttt... Namomoblema din ako sa load. Hayssttt...

Wala naman ako magawa kaya naghalungkat ako nung mga gamit ko. Yung mga luma Kong drawings.

Sineen lang ulit ako ni Kian. Baka may nangyari? Ganito rin kasi kahapon eh.

Nagpatugtog muna ako ng mga kanta at naki sing along.

Sana’y maging maayos
lang sa lilipatan ko
Ang mata’y binaling sa nakaraan
Lahat ng ating pagkakabigo’y nilimot
ko, habang araw ay papalubog.
Kahit na ikutin ko,
ang oras ng papabalik.
Kahit sa nakaraan, ay tiyak
na walang ring magbabago
Dahil nga ang pusong
to’y, inaalay sa iyo.
Tunay bang magagawa’y, tumawa nalang ba?~

Isa ito sa mga gusto kong kanta. Hindi ko alam kung may anime ba ito or wala.
Basta yung title ay “San'nen Time Keeper [Tagalog Adaptation]”. Si Ehmz ang kumanta. Basta ang ganda ng boses niya. Pero mas maganda yung sayo  ayiiieeee

'Di ba nais mong awiting ‘to ay marinig
Kahit pa boses ko ay nanginginig
Nang una tayong magkita noon, pareha
lang ang kulay ng langit sa ngayon
Kahit na iba-iba, bilis ng pagtatagal
Darating pa rin naman,
pagtanda sa tiyak na oras
Dahil ang iyong kamay,
sa bukas ay nakakaway
Atin ay sisimulang paa ay ihakbang~

Napatingin ako sa head ni Kian. Wala paring reply. Alas kuwatro na. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pakikinig ng kanta.

Kahit saan pa man tayo magtungo
Pareho lang at iisa ang
langit na ating makikita
Gaano man, lumipas ang panahon
‘Di magbabago ang lugar
na ating kinalakihan...~

… Tumuloy ka sa pagtakbo… Panahon...~

At nung natapos na yung kanta na iyon ay nagpatuloy lang ako sa pakikinig ng mga musics habang hinihintay ang reply mo sakin.








71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon