Chapter 19

51 9 0
                                        


CHAPTER 19

Habang nasa labas ako kasi inutusan ako nila mama na bumili daw sa 7/11 ng tinapay and 1.5 na Mountain dew. Nung pauwi na ako napansin ko yung buwan. Namiss ko na makakita ng buwan.

Medyo malaki ang buwan ngayon. Full moon siya at medyo yellowish ang color niya.

"Ang ganda." Saad ko habang naglalakad at patuloy na nakatingin dun. Pero mainit parin sa labas hay nakoo.

Nang maka-uwi ako kinuha ko ang phone ko at as usual nagchat ako kay Kian ng 'evening'.

Nang tignan ko ang phone ko mga 7:45 pm nakita ko na sineen nya lang ako ulit. Nakalagay dun ay 'seen 7:34 pm'.

Nang nakita ko na 8:36 pm na napagdesisyonan ko na ichat ulit si Kian. Nag-aalala na kasi ako sa kanya.

Ako: Kian okay ka lng po ba po??

Nagreply naman siya.

Kian: Ok lang ako don't worry

Kahit sinabi niya iyan hindi ko parin maiwasan na mag-alala sa kanya.

Then nagchat ako ulit sa kanya.

Ako: okay po
Uhmm but if gusto mo po ng virtual hugs to andito lng po ako anytime
Plus ano po pala... Uhmm drinowing ko po yung Isa dun sa story mo. Yung Belladonna po. Ang ganda po kasi kasooo d ko sya nagawang kamukha

Sabi ko sa chat but hindi na niya ako nireplayan or sineen. Napabuntong hininga tuloy ako.
Nagbalik din kaninang hapon yung dati ni Kian na dp. Yung bago siya magpalit ng couple dp. I don't know bat bumalik sa dati yung dp niya kahit hindi naman siya nagpapalit.

Then nagreply ka na.

Kian: patingin ako

Kaya naman sinend ko sayo.
Tapos hinart react mo yung pic.

Kian: nice, wed
Galing mo pa rin magdrawing

Ako: kaso d po kamukha

Kian: Mas maganda yung drawing mo sa picture

Waaahhhhh! Pusooo kooooooooooo!

Ako: pano naman po?

Kian: Mas maganda lang siya

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! Lakas talaga ng impact mo sakin kaya ayun nagsend ako ng mga stickers na may sparkly eyes. Ehehehe

But sineen nya lang yung stickers but nothing can ruin this happiness I feel right now.

So sa sobrang saya ko dahil sa sinabi niya nakinig ako ng mga songs then nakisabay sa pagkanta.

Naalala ko tuloy yung nakita ko dun sa isang group page na ininvite niya ako.

"Marcute." Para akong tangang nakangiti habang sinasabi yun. Hanggkyuuut kasiii!

"Marcute, marcute, marcute, marcutiieee pie." Chaarr, paulit ulit kong sinasabi kasi naku-kyutan ako ng sobraaaaaa!

Then nag-usap ulit kami. May mga pagkakataon na matagal siya nagrereply o kaya naman naglo-log out.

Kian: Wow
Congrats
Proud ako na bestfriend ko yung nakasama jan

Aray ha, yan na naman yang salitang 'best friend' but okay na din naman yan diba kaysa wala. Pero... Pero sana magustuhan niya ako ng higit pa sa kaibigan. Saad ko sa sarili ko.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon