Chapter 20

63 6 0
                                    


CHAPTER 20

Nagising ako ng mga 6:11 ng umaga. Binati ko si Kian as usual.  Kaso ngayon ay medyo nananakit ang tyan ko.

Nagreply ka mga 6:57 am na. Patulog na ako that time eh hahaha. Nagsend ako ng sticker then nireply mo ay...

Kian: Hahahaha

Ako: Kakagising mo lng po ??

Hindi pa siya nagrereply Kay naman nagchat ako ulit.

Ako: Wag ka po papagutom

Nagreply naman siya makalipas ang ilang minuto.

Kian: oo e
okay po
Ikaw din

At nung sinabi ko na 'opoo' hindi na siya nagreply kaya naman naisipan ko na matulog muli.

-------

Nagising na lang ako mga mag i-eleven na. Wala parin siyang reply or chat. Plus sineen nya lang yung messages ko sa kanya nung 7: 39 am.

Medyo bumibigat din ang pakiramdam ko. Medyo nahihirapan ako huminga. Parang nalulungkot ako na ewan. Parang... Parang ang hirap i-explain iyong nararamdaman ko ngayon.

Ngayon ay ang pangatlong araw na hindi ko nakaka-usap  ng maayos si Kian.

Nawawalan ako ng ganang gumawa ng kahit ano. "Should I go with the flow like I always do?" Tanong ko sa sarili ko.

Ichachat ko ba siya? Namimiss ko na kasi yung pag-uusap namin but— but what's the used kung yung taong gusto mo makausap ay ayaw ka maka-usap. Like pilit lang na nirereplayan ka... Napabuntong hininga ako.

Hinintay ko na mag alas dose na lang. At least dun may dahilan ako na ichat ka.

Dalawang minuto na lang ang natitira.

-------

Nang mag alas dose na ay chinat kita ng 'afternoon po'. Hindi na ako mag-iexpect na rereplayan mo ako. Kasi masasaktan na naman ako kapag nagkataon. Mag-assume na naman ako o kaya naman aasa na naman sa bagay na imposible.

Nagreply ka makalipas ang tatlong minuto.

Kian: good afternoon

Nang mabasa ko yan, hindi ko alam pero kusa na lang na tumulo ang mga luha ko. Ewan ko...

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinapatahan ko ang sarili ko at gumana naman. Hirap nga lang ako huminga.

Huminga ko ng malalim.

*Ting*

Biglang may bagong notification sakin. Akala ko siya yun kaya naman dali Dali kong tinignan kaso— kaso hindi pala. Namamalik mata lang ata ako.

Akala ko kasi siya iyon kaya naman... Kaya naman excited ako kaso mali pala. Ganun ko ba siya kamiss? Ganun ko ba siya kamiss kaya yung nakikita ko puro siya na lang?

Nakakapagod... May araw na masaya. May araw na malungkot. Pero may araw din na mapapa-iyak ka na lang.

Baka nga masyado akong nag-assume dun sa sinabi niya. Baka nga wala talaga siyang nararamdaman sakin kundi kaibigan lang. Baka ako lang itong tangang nag-iexpect na may something special sa pagitan namin. Baka... Baka pansamantala lang ako sa buhay niya.

"I'm being negative again." Sabi ko sa sarili ko at pekeng natawa. Umiiyak na rin ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito.

I feel so lonely. Wala si Leen. Yung kuya kuyahan ko. Si Clark. Sina Nathaniel. Wala... Wala sila...

Bakit ba ang hirap... Ang sakit kapag magmahal ka ng isang tao? Bakit kailangan mong masaktan kapag nagmamahal ka? Bakit kailangan... Bakit kailangan na kapag nagmahal ka kailangan mo talaga masaktan? Hindi ba pwede na masaya na lang palagi?

Bakit siya pinili mo? Kasi mahal mo pa ba? Kasi mas lamang siya sakin? Kahit sinaktan ka na niya, siya parin?

Bakit hindi na lang ako pinili mo? Dahil ba napaka boring ko kausap? Walang matopic? Puro stickers at mga virtual hugs na sa chat lang nararamdaman? Dahil ba wala eh, pansamantala lang ako...
Baka nga pansamantala lang ako sa buhay ni Kian. Malay mo isang araw magising na lang ako hindi na niya ako kilala... Na hindi na niya ako kinakausap... Na tuluyan na niya akong iniwan at kinalimutan...

Mamimiss ko yung pagtawag niya sakin ng 'wed' o 'Wednesday'. Siya lang kasi ang tumatawag sakin ng ganyan... Kaya naman kapag may tumawag sakin nyan alam ko na siya iyon wala ng iba.

Nang minsan mo na ako sinabihan na 'ayos lang naman maging mahina wed eh' pero— pero natatakot ako na ipakita sa iyo yung duwag, yung malungkot, yung negative thinker at yung mahinang ako kasi baka iba na ang tingin mo sakin kapag nagkataon kaya naman mas pipiliin ko na ipakita na lang sayo ang masayahing ako.

1:05 pm na at wala ka paring reply o kaya naman ay seen sa mga chats ko sayo.

------

1:55 na. Tapos na rin ako kumain pero wala parin ang reply niya.
Ako lang ata ang excited na maka-usap siya...

Nakinig muna ako ng mga kanta sa phone ko at ang unang nagplay nung shinuffle ko ay 'akin ka na lang' at ang pangalawa ay ang kanta ni Taylor Swift na 'teardrops on my guitar'.

He's the reason for the teardrops on my guitar,
The only thing that keeps me wishing on a wishing star,
He's the song in the car I keep singing, don't know why I do~

Bakit ba ganito mga kanta ko? Naka shuffle na nga eh tapos parang pinapatamaan ata ako. Napabuntong hininga ako.

He doesn't need me, I know that. But still baka namimiss nya rin ako? B-baka nga...?

Nakita kong sineen nya lang yung my day ko. If he'll chat me... Thankful na lang ako if not then I don't know what to do actually... Nalilito na ako. It's like I'm once again trapped in an endless loop kung saan sa bandang huli ako mismo yung sisira sa sarili ko ng paunti-unti.

I don't know but... Parang mas gusto ko yung feeling na palagi akong umiiyak, yung parang naninikip ang dibdib mo sa sakit, yung ang bigat ng nararamdaman ko sa tuwing iiyak ako, kasi kahit papaano kapag umiiyak ako naaalala ko na tao parin pala ako na marunong umiyak at masaktan.

Parang may part sakin na gustong sanayin ang sarili ko dito para— para kapag nangyari ulit ito, wala ng dating sakin kasi sanay na ako eh. Hindi na ako iiyak ng dahil sa lalaki kapag nagkataon.

"Don't worry, I'm still okay... Kaya ko pa." Kaya ko pang tiisin ang lahat ng ito...

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon