Chapter 9

74 8 0
                                    


CHAPTER 9

Okay na sana eh. Hyper na ako at masaya kaso yung tinuturan ko magdrawing nagsend ba naman ng picture ng paru-paro.

Halos maitapon ko ang phone no dahil dun at agad-agad kong binura yung sinend niya.

Kainis, alam naman niya na takot ako dun eh tapos magsisend siya. Hayssttt...

Napabuntong hininga na lang ako.

Tinignan ko yung chat ko sa kanya, yung sinabi ko kay Kian na magaling din naman siya gumuhit eh.

Kaso hindi na niya ako sineen. Kaya yung pagkahyper at saya wala na naman. Sumasakit na rin yung mata ko. Yung parang napuwing ka ganun kaya yung right eye ko ay masakit at napapa-iyak dahil dun.

Hanggang ngayon pinapakinggan ko parin yung cover niya. Wala, parang relate ako eh...

"Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon." Sabi ko sa sarili ko at sumandal sa pader. Masakit parin iyong isa kong mata pero basta ipikit ko ay hindi na iyon ganun kasakit.

Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Dahil sa'yo~

Habang hinihintay ko ang reply niya ay napapakanta na rin ako sa cover niya na 'Binalewala'. Paulit-ulit lang, parang nagiging favorite song ko na nga ito eh.

Heto na'ng huling awit na kan'yang maririnig
Heto na'ng huling tingin na dati siyang kinikilig
Heto na'ng huling araw ng mga yakap ko't halik
Heto na, heto na~

Muli na namang sumakit ang mata ko. Shit!

Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan, woh-woh~

Patuloy lang ako sa pagkanta habang ang sakit parin ng mata ko. Tumingin ako sa kisame ng kwarto namin.

Ipinikit- pikit ko ang mga mata  ko para mawala yung sakit.
I'm here again, lost in my own thoughts.

Nagugutom na rin ako kaya bumaba na ako ng higaan ko at kumuha ng cookies.

Bumalik ako sa higaan ko pero hindi ko kinain. Hindi ko alam...

Napabuntong hininga ako. "Masasanay ka rin self na madalang mo na lang siya makaka-usap. Kasi may iba ng nagpapasaya sa kanya." Sabi ko sa sarili ko.

"Hay nako, mahal kita pero may mahal kang iba... Okay lang— at least hindi ako inaatake ng konsensya ko katulad nung nakaraan.

"Don't worry self, mawawala din yang nararamdaman mo sa kanya... Not now but soon." Saad ko sa sarili ko.

Ayaw ko mag Facebook kasi puro mga post mo, kay Clark at kay Leen ang nakikita ko kaya naman mas pinili ko na lang na magdeact.

"Okay lang ako..." Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Gagawin ko ba yung ginawa ko nuon na paglayo sa kanya? Gagawin ko ba ulit iyon? Tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa chat head niya na hindi ko maalis-alis kahit anong pilit ko.

"Gusto ko matulog. Gusto ko na makalimutan itong nararamdaman ko sa kanya." Kasi what's the used of my feelings towards him if hanggang kaibigan lang naman ako.

Nagsimula na namang bumigat ang pakiramdam ko tangna. Nahihirapan na naman ako makahinga. Ang sakit na naman.
Ang sakit na naman ng puso ko, nasasaktan na naman ako...

Hindi ko na rin matuloy yung comics na ginagawa ko kasi kahit... Kahit gusto ko na magkatuluyan tayo duon sa story na iyon. Hindi ko magawa kasi... May parang humahadlang sakin.

Nagchat siya ulit.

Kian: Natawa ako sa typo hahah

Sinadya ko talaga yun. Para at least mapatawa kita. Mukhang gumana naman ata.

"Na kay tagal ko ring binubuo..." Mahinang saad ko habang nakatitig lang sa phone ko.

For the first time, natatakot akong pindutin ang chat head mo. First time na kinakabahan akong replayan ka kaagad.

'musta na collab nyo? Nakalimutan na ba?' Sabi ng sarili ko sakin.

Nang nagreply na ako sa kanya...

Kian: oo hahaha

Ako: ohh
Okay po

Parang ang cold ko haha! Wala lang. Parang... Parang—

Ewan ko, hindi ko maipaliwanag ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko kaya nakausapin muna siya.

Nakakapagod din pala umiyak. Nakakapagod umiyak sa taong walang pagtingin sayo.
Masarap magmahal. Masarap yung feeling na gigising ka at makakachat o usap mo yung tao na iyon. Sarap sa feeling na may taong nakaka-appreciate ng efforts mo sa kanya. Sarap sa feeling nung may pinaglalaanan ka ng oras at panahon. Masarap lang sa feeling...

Ang masakit lang dun ay yung umasa ka, nagpakatanga ka,  nag-assume ka, nag-expect ka sa taong iyon. Masakit yung feeling na ayaw niya pala sayo. Masakit yung feeling na iniiwasan ka niya. Masakit sa feeling yung hindi ka niya sinalo kahit alam niya na may gusto ka sa kanya. Masakit sa feeling yung ikaw lang yung nakakaramdam ng feeling na iyon. Masakit sa feeling yung ayaw ka niyang kausap. Masakit sa feeling yung hindi ka na niya pinapansin kaya gusto mo na mawala.

Masakit yung feeling na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal mo sa kanya.

Napabuntong hininga ako, nagugutom ako pero ayaw ko naman kumain.

Marami naman akong naging crush. May crush nga ako nuon na crush ko siya for six years, nag-effort ako na mapalapit sa kanya, kahit teacher, mga staffs ng school at mga kaklase namin tinutulungan ako kaso wala, iniiwasan niya ako. Hindi ako gunagastos ng pera para sa isang tao, kuripot ako kasi nagiipon ako pero sa kanya, nag-effort ako kaso game over, wala parin.

Then ngayon, first time na hindi ako nilayuan ng crush ko. Naging close pa nga kami kaso iniiwasan niya din ako sa kadahilanang ayaw niya ako masaktan.

Peke tuloy akong natawa. Nasasaktan po ako nuon pa kasi ramdam ko na. Pero baliwala iyong sakit.

Hindi ko alam kung dapat ba ako na magsisi na pumasok ako sa mundong ito. Magsisisi ba ako o hindi sa mga naramdaman at naranasan ko sa mundong pinasok ko.

Dito ko naramdaman na paglaruan, dito ko naramdaman na gamitin para lamang mapaselos niya ang ex niya. Dito ko naranasan na paulit-ulit na lokohin. Naranasan kong ipagpalit sa malapit. Lahat sila sineryoso ko pero pinaglaruan lang ako ginamit na parang isang laruan.

Pero kahit na ganun ang karanasan ko sa mundong ito, naniniwala parin ako. Naniniwala parin ako na may taong hindi ako lolokohin. Na mamahalin ako, na seseryosohin at hindi ako iiwan.

Kaso ito na naman ako, muling nagmahal— nagmahal sa taong may iniibig na palang iba.




71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon