Chapter 8

91 6 0
                                    


CHAPTER 8

Hirap ako makatulog. Hirap ako gumising. Ang bigat ng pakiramdam ko. Inon ko ang phone ko as usual, waiting for your message but wala...

Ang bigat sa pakiramdam yung ganito. Ang- ang awkward. Natatakot na akong ichat siya...

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Miss na kita... Miss na miss na kita sobra kahit hindi mo ako miss.

Hindi ko na alam. Nanghihina ako. Nawalan na ako ng gana sa lahat lahat.

*Ting*

Nagulat ako nang bigla kang magchat sakin. Damn! I miss it so much. Para akong tanga na naiiyak na naman. Kahit simpleng 'good morning' lamang iyon. Ang lakas ng impact sakin.

Nagsend ka rin ng GIF sakin ngunit napangiti lang ako dun. Ni hindi ko kayang maging hyper. Parang wala akong lakas.

Parang ang tamlay ko... Ang layo sa cheerful na ako. Hindi ko na kaya na itago yung sakit.

"Magiging okay din ako..." Saad ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Nag- online ako sa Facebook para mag deact. Siya lang naman yung dahilan kaya ako nag-oopen sa Facebook eh. Kaso wala na eh. Ayoko na mag-online baka makita ko lang kayo. Magseselos na naman ako.

Kian: Wed, kailangan mahalin mo sarili mo. Yan tinuro mo sakin diba?

Mahal ko sarili ko sadyang nawawala lang ako muli sa landas na aking tinatahak.

Kian: Nagaalala ako sayo
Kaibigan kita wed
Ayoko na may mangyare sayong masama

Oo na, kaibigan lang. Mas okay na rin yun diba kaysa wala diba?
Wala naman akong balak maglaslas o gumawa ng kalokohan kasi- kasi baka mamura na naman ako ng magulang ko.

Pero nawawalan talaga ako ng ganang kumain. Parang gusto ko na lang na humiga dito buong maghapon. Hindi kakain, o gagawa ng kahit ano. Pero kahit gusto ko gawin yan, kaso hindi pwede.

Magiging okay din ako but hindi pa ngayon. Masakit pa kasi. Sobrang sakit pa kasi...

Naging routine ko na na kausap ka palagi. Yung aantayin ko ang mga messages mo. Ang mga chats mo sakin.

Mabuti medyo kumalma na ako. Hindi na ganun kabigat dibdib ko.

Sinubukan ko matulog. Paulit-ulit kong pinakinggan ang cover niya. Nakatulog naman ako kaso nagising na naman ako na mabigat ang aking dibdib. Nahihirapang huminga.

Napansin ko na mag-aalas dose na pala. Kahit sabihin na nating nahihiya o naa-awkward-an ako na ichat ka hindi ko naman hahayaan na hindi ka batiin ng 'morning' , 'afternoon', o 'evening'.

Gusto ko pa sana matulog kasi wala akong gana na gumawa ng kahit ano kaso hindi na ako makakatulog ng ganito kapag mabigat ang pakiramdam ko, nahihirapan kasi ako makahinga. Mabilis at malakas ang kabog ng puso ko sa mga oras na ito kaya naman sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Nakinig ng musics, kahit ano basta mawala lang itong bigat na nararamdaman ko.

Nung nagreply ka rin sakin ng good afternoon hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko na alam...

Kay tagal kong sinusuyod
Ang buong mundo
Para hanapin
Para hanapin ka
Nilibot ang distrito
Ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka~

Habang pinapakinggan ko yung kanta ay napapakanta na rin ako. Kahit medyo namamaos at masakit lalamunan ko sige lang para mawala lang ang bigat na nararamdaman ko sa mga panahong ito.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon