CHAPTER 37
Tinadtad ko ng mga chats si Kian. Feel ko kasi na may nangyari eh at hindi ako mapakali.
Then makalipas ng ilang minuto ay nakapagreply ka na din.
Kian: Hmm?
Ako: ano pong nangyari??
Feel ko kasi kanina na sad ka po
Kian: Ok lang ako wed
Kaya ko to
Wag ka mag-alala
Halos maiyak ako ng mabasa ko na tinawag mo ako ulit na wed.
Kaso mas lalo akong nag-aalala sayo. Then nakita ko yung my day mo kaya agad ko iyong tinignan. One hour ago na pala.
'at pinagpalit na naman. Napakasad ng quarantine ko.'
At nakita ko na nasasaktan ka sa group chat. Nasasaktan ako na nakikita kang ganyan. Sinaktan ka na naman niya. TANGINA!
Kian ayokong nakikita kang ganyan. Naiiyak ako Kian. Kasi— kasi ako ayaw kita na makitang nasasaktan o naiiyak. Gusto ko masaya ka kaso sinaktan ka na naman ng babaeng yan.
Nanlalamig ang kamay ko. Medyo nanginginig na rin— buong katawan na actually.
Nanggigigil na ako. Naiiyak pa din ako. "Kian please wag ka na sad." Saad ko habang nag-iisip ng paraan para maging okay ka. Gusto kita tulungan kaso hindi ko alam kung pano.
Biglang nagchat yung babae. Sinasabi niyang hindi daw siya iyon. Then sumagot si Aki ng 'stupid answers'.
Ramdam ko ang pagtitimpi ng galit ng iba kasi halata talaga at ramdam namin yung sakit na pinagdadaanan ni Kian. Bawat katagang binibitawan niya mararamdaman mo ang sakit.
Kian please sana wag mo ulit gawin yung dati. Yung sinugatan mo ang sarili mo dahil sa babaeng iyon.
Kian... Please— nandito lang ako para sayo Kian. Hindi kita iiwan. Promise...
Kian, please buohin mo muna sarili mo, please kasi muli ka na namang nawasak ng dahil sa babaeng iyon.
Then nagchat ka ulit sa gc.
Kian: Guys good night na. Maaga ako matutulog nilagnat kase ako bigla
Good night Hoshinoooos
Kian... Kaya naman ng makita ko iyan ay agad kitang chinat ng 'good night' at 'pagaling ka po'.
Kaso hindi ako pinansin so ayun. Chinat ko ulit siya.
Buti nirereplayan na niya ako. Miss na miss ko na kasi sya eh.
Then hindi pa pala talaga siya matutulog. Hay nako, kapag napano ka Kian. Pano kapag dumugo ilong mo or manlabo ang paningin mo. Hayssttt
---------
Napabuntong hininga ako. 11:21 pm na. Kanina pa natulog si Kian, mga 10:25 kanina. Then kausap ko ngayon sila kuya Dan(Daniel), si ate Mia, tapos si Pula.
Si kuya Dan, napagkamalan akong lalaki tapos nagpadrawing ng Detective Conan. Si ate Mia nagpadrawing naman ng portrait. Tapos si Pula puro kalokohan na naman ang taglay.
Usap-usap lang kami then biglang nagsend si Pula ng video ng sarili niya na nagbabakla baklaan. Hahaha
"Ikaw Naman si----
Pinaggagawa ko sa buhay ko."
Sabi niya dun sa video. Then after ng ilang minuto ay nagbrown out na naman daw sa kanila kaya naman sabi niya na matutulog na daw siya.
Kaya ayun wala na naman ako kausap. Buti biglang nagchat si Kylie.
Kinausap ko si Kylie, gusto ko Rin itanong yung about sa sinabi ni Leen kanina. Yung like ang cold daw ni Clark kaya naman ako na magtatanong. Pero hindi ko babanggitin ang name niya tulad ng sabi niya.
Grabe ha, magwa-one month na pala sila, ang bilis ng panahon. Parang nuong nakaraan nagliligawan pa sila tapos ngayon— TA-DA! Mag-iisang buwan na.
Nang mapansin ko na lagpas alas dose na pala ay hindi ko muna sinunod ang sinabi ni Kylie na huwag ako ang unang magchachat.
Ako: morning po
Damn! I miss doing this routine. Kaso nag-aalinlangan pa rin ako. Alam mo yung feeling na parang may humahadlang parin sayo— parang ganun ang feeling.
Pumunta ako ulit sa playlist ko at pinatugtog yung mananatili mo na voicemail. Ang ganda talaga eh. Parang hindi ka magsasawang pakinggan iyon ng paulit-ulit. Nakakakalma din ang boses niya.
2:29 am na ngayon. Seenerist lang muna ako dun sa group chat namin na Hoshino. From time to time, tinignan ko kasi baka gising ka pa or something. Hindi makatulog ganun ganun.
Medyo nakakaramdam na nga ako ng antok eh, kaso hindi muna ako pwede matulog. May chinacharge pa kasi. I need to be awake!
Kaso hindi ko talaga mapigilan yung antok ko. Nagkakasipon na rin ako. Sumasakit ulo. Pero patuloy ko paring pinapakinggan yung mga voicemails niya, lalong lalo na yung Mananatili. Ehehe
Kaso nung mga mag-aalas tres na ng umaga ay dun ko na lang naisip na na matulog.
--------
Kanina pa ako naaalimpungatan pero gumising na ako talaga mga mag-aalas dyes na ng umaga.
Nakita kong nagchat si Kian, pero natatakot ako na tignan ang simple niyang 'good morning' sa kadahilanang baka hindi na niya ako replayan.
Napabuntong hininga ako. Chinat ako ni ate Cal.
Ate Cal: musta bunso
Ako: medyo bangag po hehe
Ate Cal: HAHAHHA uwuuu bangag kana rin bunso
Then sinabi ko sa kanya bakit hindi muna ako makababa ng double deck kasi nga baka mahulog or madulas ako ulit. Then nagreply si ate Cal.
Ate Cal: halaa
Nakuu
nakakatakot naman yun
Ako: ang ano po?
Ate Cal: yung nahulog ka
Sa maling tao
Ay pasmado HAHAHA
Natamaan ako dun ah. Actually, nagulat ako ng sinabi ni ate Cal yan. Bakit? Kasi yung pinag-uusapan namin is yung naaantok pa nga ako kaya hindi ako makakababa muna ng double deck kasi baka mahulog na naman ako.
Naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni papa para kumain. So ayun kachat ko sila habang kumakain ako.
Kausap ko rin yung ipinakilala ni Nathaniel sakin na babae kahapon. Actually, yung babae is ilang beses na daw siya iniwan kaya naman gusto ko iparamdam sa kanya na special siya, na hindi siya kaiwan-iwan. Sinabi ko naman nuon na kapag gusto nyo ng makaka-usap nandito lang ako eh.
So ayun, nagsisend kami ni Anna. Yung babaeng ipinakilala sakin ni Nathaniel. I mean, RA kasi gamit ni Anna eh tapos ako RP so ayun. Wala namang masama Kung magsendan kami ng voicemail diba?
Mas bata si Anna sakin, si Anna fifteen tapos ako naman is mag-i-eighteen years old na.
Pero kahit medyo marami akong kausap, hindi parin mawala wala si Kian sa isipan ko. Yes, sinabi ko nga nuon na susuko na ako Kasi game over na kaso mas madali sabihin iyon kaysa gawin.
Napabuntong hininga ako, mamaya ako magrereply kay Kian kapag alas dose na. Para hindi halata. I don't know, basta pinapalayo ako nila Nathaniel eh kaso matigas ulo ko at ayaw sumunod.
Umaasa parin kasi ang puso ko na baliw na baliw sayo...
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romansa"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...
![71 Days With Him [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/223037621-64-k283802.jpg)