CHAPTER 42Day 32.
1:58 pm na ngayon. Kumakain ako then ayun nakikigulo ako ulit sa group chat ng Hoshino. Motmot din kasi ngayon kaya mga naka pang beach na suot yung mga dp namin.
Nagchat yung kapartner ko sa falling game. Andami daw kasing nag comment sa status namin hahahaha!
Then nakita ko rin na nagchat si Kian sakin. Mga nine pa ata itong chat tapos nakapag reply ako mga ten na.
Kian: Stay strong haha
May 1pa pala kayo? Ahhahaha di mo man lang sinabi sakinAlam mo yung parang may pagka sarcastic yung sinabi ni Kian. Mapapa-over think ka eh kaso mas pinili ko na lang na hindi intindihin iyon.
Ako: siraaa
D kami may 1 , kahapon lang
Plus need yon sa falling game
Kaloka kayoMatagal tagal pa bago siya ulit nakapagreply.
Kian: Ayyy naol may falling game
Ako: 1 week lng Naman po yun
Baka kung ako yung dati, baka nag assume pa ako pero ngayon nagpapasalamat na lang ako kasi nagchachat kami ulit but as a friend. Iseen man niya ako hindi ko na siya hihintaying magchat. Nasanay na akong siniseen niya lang ako.
Then nagsimula na yung motmot ng Hoshino. Tapos ang kukulit nila, then yung sa grand entrance natatawa ako sa mga sinasabi nila dun. Minsan di ako makasabay kasi naglalag ako kaloka!
Then sumali ako dun sa tanung tanungan, basta yun kaso naglalag ako super then sumali si Nathaniel dun. Magtulungan daw kami kaya ayun, mukhang hindi naman kami nanalo pero at least masaya. Masaya sa feeling. Bago lang din kasi sakin itong mga pakiramdam na ito.
Then may debate na nangyari, masaya makinood then hindi muna ako makapag chat or makahabol dun kasi naglalag ako talaga.
Plus if bubuksan ko yung group chat namin mas lalong hindi ko maintindihan kasi lagging. Napabuntong hininga ako.
Hayssttt, nakakaloka.
Kinagabihan.
Then kachat ko rin yung partner ko sa falling game. Tingin kasi namin hindi na tuloy yung falling game na nasalihan namin kaya ayun. Nagdedesisyon na lang kami na tapusin na lang tutal load lang naman habol namin kaya well para saan pa kung itutuloy namin.
---------
Then nakigulo ako ulit ako sa group chat ng Hoshino. Nagchachat lang sila dun.
Kian: May load ba na prize? Hahahaha
Tito Lumin: Si aki yung magbibigay ng prizes... Ewan HAHAHAHA
Mama Est: Oo
Kian: taena
Lalabanan ko antok ko sa gamot basta may prize hahahahaMama Est: Antok mo sa gamot?
Napa-isip tuloy ako. Naalala ko yung isa sa mga videos na napanood ko sa YouTube nuong time na nagpatulong si Nathaniel na maghanap nung sakit na nararamdaman daw ng 'isa niyang 'kaibigan'.
Plus nung sinabi ni Kian nuon na anemic sya plus may bipolar disorder ay nagtry ako na alamin yung mga sakit na yan.
Like yung gamot minsan na iniinom daw nila is may side effects. Kaya ayun. Yun ang naisip ko then nagreply naman si Kian.
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...