Chapter 50

49 8 0
                                    

CHAPTER 50

Day 55.

Nakahiga ako ngayon. Malalim ang iniisip— pero hindi siya mawala sa isipan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

Nagdeact ako kanina ng account ko matapos ko mabasa ang bagong post ni Kian. Kasi feel ko that time need ko muna ialis Ang atensyon ko sa kanya. Need ko muna na hindi siya isipin or kausapin. In short, feel ko need ko muna ng break sa mga nangyayari but wala talaga.

Siya at siya parin ang iniisip ko.

Babalik naman ako mamaya or bukas— basta wag muna ngayon kasi hindi ko pa kaya.

Naiiyak ako na parang ewan. Napapa-isip kung baka kaya niya lang nasabi yung sinabi niya nung last Tuesday.  Yung dinelete niya. Tinanong ko kagabi kay kuya Dan kung ano ba iyong nakasaad dun.

Plus tutal kinikilig si kuya Dan that time Kaya ayun sinabi niya.

'mahal kita'

Yan daw yung nakasaad dun at muli akong napa-isip. Mahal? Mahal ba talaga? Baka kasi sinabi mo lang yan kasi nakikita mo siya sakin.

Palagi na kita ulit gini-greet Kian kahit matagal ka kung magreply sakin. Hanggang kagabi ay nagshare ka sa gc ng nararamdaman mo.

Muli kong binasa ang huli mong post.

'Ilang beses mo man ako masaktan, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Kung ayaw mo na ako sa buhay mo, pagmamasdan na lang kita sa malayo. Kung may iba ka na, di kita guguluhin. Pero sana wag mo akong pagbawalan na makita ka. Kahit yun na lang. Sabi nila, itigil ko na. Kase ang sakit sakit na. Lahat ng pangseseen mo. Hindi yun xsend. Umaasa lang ako na magchachat ka kahit konti. Di ko alam e. Di ko kayang tumigil.

Oo nasasaktan ako. Pero ikaw yung sakit na kaya kong tiisin araw-araw maramdaman ko lang na parte ka ng buhay ko. Ikaw yung pinakamasarap na sakit sa buhay ko. Ikaw yung bawat kahulugan ng mga luha ko. Ikaw pa rin ang kalahati ng puso ko. Kahit na hindi na ako ang kalahati niyang sayo.

Pinost ko, di para kaaawaan mo ako. Hindi ko kailangan ng awa mo. Nagbabakasakali lang na sa paraang ito, maparating ko ang nararamdaman ko. Kase di ko na kaya. Di ko na kayang itago ang sakit. Di ko na kayang itanggi sa puso ko na mahal kita. Mahal pa rin kita.

Hanggang sa dulo, ako ay para parin sayo. Magbago man ang takbo ng mundo
Sayo pa rin tumitibok ang aking puso.
Ikaw pa rin ang minamahal ko.

Ikaw at ako
Magkaroon man ng kayo,
Maiwan man akong durog
Di ko aalisin ang nararamdaman ko.

Patawarin mo ko kung iniistorbo kita.'

I hate what I m feeling right now. Nagkakahalo-halo ang nararamdaman ko. Hanggang sa bigla na lang ako napahikab. Maybe— maybe I really do need to rest even just a little bit.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon