CHAPTER 5Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko ng narinig kong bumaba yung chat head niya sa chat namin at nagreply siya.
Kian:hmm?
6:20 na siya ng gabi nakapagreply. Agad naman akong nagreply sa kanya ng 'evening po' kahit deep inside kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko. Nanlalamig ako. Ang lamig ng dalawang kamay ko ibig sabihin kinakabahan ako. Saan naman? Tanong ko sa sarili ko.
At katulad nung mga nakaraang araw, hinintay ko na naman ang kanyang reply sa akin. Huminga ako ng malalim. Muli kong pinapakalma ang sistema ko. Nakinig na rin ako bg music habang hinihintay ang chat niya sakin.
Patuloy lang ako sa pagkalma ng sarili ko dahil pakiramdam ko kahit anong oras ay mapapaiyak na naman ako dito.
Iniiwasan mo ba ako talaga ginoo? Tanong ko sa sarili ko habang patuloy ako sa paghintay ng kanyang reply.
'Baka ano busy lang siya, syempre writer siya.' Sabi ko sa sarili ko.
'O baka naman kausap niya yung bago niya.' Sabi ng isipan ko sakin. Natatakot ako na baka nga nilalayuan niya ako kasi may iba na siya... Diba sabi niya sayo kanina na FRIENDS lang kayo.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, naloloka na ako kakaisip. Natatakot ako na baka nga— baka nga wala na akong pag-asa sa kanya. Na hanggang dito na lang. Tangna naman kasi eh bakit kasi ang tanga tanga mo self!
Tinignan ko ang account niya dahil baka may bagong post at...
'Hep, akin Yan. Di ka ba tinuruan na wag kumuha ng di sayo? Off limits.'
Yan ang nakasaad sa bago niyang post. At nagseselos ako. Napapa-iyak na naman ako tangina!
Suko na ba ako? Sabi ko sa sarili ko habang nilakasan ko ang loob ko na magchat sa kanya. I need confirmation...
Ako: ginoong Kian may tanong po ako ulit if oki lng po
Sabi ko sa chat. Kinakabahan ako. Natatakot ako na sumuko. Natatakot ako na maramdaman yung kabang naramdaman ko sa panaginip ko. Yung takot. Kasi... Kasi hindi ko matanggap.
Hanggang ngayon hindi parin niya siniseen ang mga messages ko sa kanya.
Tangina naman please bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka! Na iparamdam ko sayo Yung nararamdaman ko sayo... Kaso wala eh.
Miss na kita alam mo ba yun. Syempre hindi mo alam kasi hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon na mapansin mo, na pansinin ako.
"Umaga umiiyak ako hanggang gabi ba naman?" Saad ko sa sarili ko at pilit na natawa ka mga katangahan ko. Kasi kahit parang may parte sakin na sumusuko parin may parte rin ako na ayaw parin bumitaw. Na nagbabakasakali na tangina may pag-asa pa ako dyan sayo.
Muli kong tinignan ang post mo na iyon at... Sinabi mo na hindi na nga para sa ex mo iyan kundi sa iba. Ibang dilag na. "Tangina naiiyak ako yawa haha." Parang nababaliw na ako dito haha. Tumatawa kahit tangina ang sakit sakit na. Nadudurog na naman ang puso ko na muli kong binuo.
Makalipas ang halos kalahating oras ay nagreply ka.
Kian: ano?
Ang cold mo na sakin kaya naglakas ako ng loob na tanungin ang katulad ng itinanong ko sa panaginip ko kanina.
Ako: iniiwasan mo po ba ako?
Curious lang po
Plus parang feel ko poNatatakot na ako sa mga susunod na mangyayari. Natatakot na ako na baka— baka totoo yung nasa panaginip ko.
Nagdadasal ako na sana iba ang iyong isagot. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ang lakas din ng pag-agos ng mga luha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon kaso wala na kailangan ko panindigan ito.
Naghintay na naman ako, ilang minuto na naman ang lilipas...
Ako patuloy lang sa paghihintay sayo. Ang sarap siguro na maramdaman ang pagmamahal ng isang mo.Kung mawala ako...? Mamimiss mo ba ako? Tanong ko sa sarili ko.
"Alam mo ba sobrang tuwa ko nung time na nagpadrawing ka. Alam mo ba sobra kong saya nung ginawa mong cover photo yung drawing ko sayo. Alam mo ba.... Na sobra akong nasasaktan ngayon. Kasi— kasi akala ko eh, nag-assume ako mag-isa." Mahina kong Sabi sa sarili ko habang tinitignan ko ang message natin.
Peke akong natawa ng makita ko na eight minutes ago kang online. Ni hindi mo nga sineen ang message ko.
"Hayssttt...." Pinunasan ko ang luha ko at nagbabakasakali na mag-oonline ka ulit. Tama, mag-oonline ka ulit tapos mag-uusap ulit tayo, magsesend ka ulit ng nga GIF sakin haha tapos matatawa ka kasi ang hyper ko na naman...
Nasasaktan na ako... Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo na naman ako...
Muli ulit akong nabuhayan ng loob kasi nakita kitang online ulit. Kaso yung saya ay napalitan ng lungkot dahil muli na naman akong naghihintay sayo.
Patago na lang akong umiiyak dito sa higaan ko.
Minsan na akong naniwala na napakasarap umibig, na magkakaroon ka ng happy ending tulad ng sa mga napapanood at nababasa ko ngunit hindi pala ganun...
Pero kahit na ganun, naniniwala parin ako na— na may taong makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Na ipaparamdam sakin na mahalaga ako, na tatanggapin kung sino ako. Na mamahalin pa ako higit sa inaasahan ko. Na seseryosohin ako. Ngunit wala eh, laging ako yung iniiwan. Laging ako yung sinasaktan, laging... Laging nag-iisa.
"Okay lang ba sayo Kian na... Na walang Wednesday sa buhay mo, na walang Wednesday na magchachat sayo palagi...?" Tanong ko habang nakatingin sa mga messages ko sayo na hindi mo parin siniseen.
Ito ay isang dalangin
Huwag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap
Na pangarap~Napatulala ako ng marinig ang kantang pinapakinggan ko ngayon.
Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
Tuwing gabi
Tuwing gabi~Nagsimulala na naman na pumatak ang mga luha ko.
Bakit parang sa'kin lamang may galit
madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?~Patuloy ko lang pinapakinggan ang bawat linya ng kanta. Bakit nga ba ganito sakin ang tadhana?
Palagi na lang akong pinaglalaruan... Ang sakit sakit na.
Itutuloy ko pa ba ang nararamdaman ko para kay Kian? O susuko na lang ako?
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...