CHAPTER 55
9:59 pm.
Alam mo yung masakit? Yung ikaw yung nasa tabi niya pero nasa kanya parin and atensyon niya. Yung ikaw pinapahalagahan mo siya— gusto mo iparamdam sa kanya na special sya, na importante siya in your own way but the only problem is... Hindi niya iyon nakikita. Hindi ka niya nakikita.
Yung feeling na simpleng mga bagay lang na mula sa kanya naa-appreciate mo na. Like malakas impact sayo but sa kanya? Napapahalagahan niya ba iyon?
Ang sakit. Ang sakit na. Yung gusto ko na sumuko pero may part sakin na putang ina marupok sa kanya. Na minamahal siya kahit nakakagago na.
Huminga ako ng malalim. Pinipigilan na hindi marinig ng magulang ko ang paghikbi ko.
"Hayssttt, kasalanan bang sa kanya ako nagkagusto?" Saad ko sa sarili ko.
Muli kong nakita ang nakalagay sa my day niya.
' gusto ko siya makilala. Para naman makita ko kung may panget ba sa kanya. Baka sakali na magkachance ako. Kasi naiinsecure ako. Pero oo nga pala. Gusto mo lahat sa kanya.'
Ako rin, ano bang meron sa kanya na wala sakin? Ahhhh Alam ko na. Puso mo nasa kanya. Atensyon mo nasa kanya. Kasiyahan mo nakadepende sa kanya.
Puta hahahaha! Ang sakit na pero ayaw ko parin sukuan ka.
' gusto ko bigla sapakin Yung pader. Ilabas ko lang itong galit ko tangina.'
Gusto ko iumbog ang ulo ko sa pader hanggang magdugo iyon...
' ang tanga ko pala para sapakin Yung dinging. Napakahapdi taena.'
Kahit ang sakit na nandito parin ako.
Try ko kaya mawala ng isang araw. Mamimiss mo ba ako? Mahahalata mo ba na wala ako? Mapapansin mo kayang nawala ako. Ano nga ba ako sayo?
What if hindi na kita ginulo? What if---?
Huminga ako ng malalim. Hinayaan ang mga luha ko na kusang bumagsak sa aking magkabilang pisngi.
" I'm okay. Okay lang ako promise hahaha, ako pa ba?" Saad ko sa sarili ko. Kinukumbinsi na ayos lang ako para maitago ang sakit na nararamdaman.
Natatawa tuloy ako. Ayaw ko sabihin kay Leen na nasasaktan ako. Ayaw ko sabihin sa kanya. Ang alam niya ay katulad nga ng sabi ni Kian ay nagmomoving on na ito. Hindi ko sinabi sa kanya na nasasaktan ako. Ayaw ko muna.
Hayssttt...
Nahalata mo ba na kanina pa ako hindi online? Ramdam mo ba na nasasaktan ako? Syempre hindi, magaling ako sa pagtago ng feelings eh. Sinosolo ko lang yung sakit.
Galing diba, sa sobrang galing ko magtago walang nakakapansin na umiiyak na ako. Na nasasaktan na ako. Na napapagod na ako. Ang lakas ko magbigay ng advice sa iba pero pagdating sakin hindi ko magawa.
Please, iparamdam nyo naman sakin na may tao dyan na takot na masaktan ako. Na takot na mawala ako. Na takot na kalimutan ko siya.
Kaya ko pa yung sakit. Hanggang August pa ito or sa September hahaha, after wala na talaga kung irireject niya ako. Ako naman ang magmomove on.
Kaya heart wag ka marupok. Need mo pa magpakatatag. "Hayssttt, why can't it be, why can't it be the two of us? Why can we... Be lovers... Only friends." Pasabay ko sa kanta na pinapakinggan ko.
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...
![71 Days With Him [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/223037621-64-k283802.jpg)