Chapter 60

120 10 0
                                        

CHAPTER 60

Day 71. Final day.

12:32 am na at hindi ako makatulog. Patuloy lang din yung sakit na nararamdaman ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nagbaback read.

Nakita ko yung nangyari nung June 9 ng Gabi.

Ako: Ano Naman Kasi isusulat ko dun? Yung katangahan ko sayo? Alam mo namang may gusto ako sayo nuon eh

Kian: Katangahan ba yun? Katangahan ba akong mahalin ha?

Baka? Kasi kahit anong gawin ko siya parin laman nyan. Ikaw ang palaging pinipili ko pero ako kahit kailan never mong pinili.

-----------

Kian: Bored lang? Yun ba tingin mo sa nararamdaman ko?

Oo, kasi ako lang yung nandyan eh.

Kian: Wala ka palang pinagiba. Di niyo ko sineseryoso pinapakilig niyo lang

Nagsalita.

Ganyan ka rin naman eh. Sasabihin mo wala akong pinagkaiba sa kanila— sa kanya. Tapos sasabihin mo hindi ka sineseryoso at pinapakilig ka lang?

Baka sarili mo tinutukoy mo. Kasi di mo ako sineryoso at pinakilig mo lang. Nagbalik lang siya bumigay ka na agad. Sorry lang ah. Wala na akong pake kung magalit ka Kasi ako tangina, nasasaktan na.

Parang bumalik din yung sinabi mo eh.

-----------

Ako: Edi ano na ngayon? Mali parin ba?

Kian: Pano magiging mali e sumuko ka na?

Takte lang ah. So anong gusto mong gawin ko? Magpakatanga sayo ng sobra? Ayaw mong sukuan kita? Dahil ano? Wala kang malibangan at ako Ang napagdiskitahan? Hahaha!

Pinaglalaruan mo lang ba ako? Takte, sabihin mo ng Hindi ako nagkakaganito okay?

-----------

Kian: Wala akong pake kung marupok ka. Ang akin lang nagseselos ako. Di mo ba talaga nagegets?
Wag na nga

Ako: Ilang beses mo na nga ako tinanggihan nandito parin ako eh

Eh sa ang tanga mo self eh.

Nagseselos ka? Pag-aari mo ako?

Hindi ko nagigets? Ikaw ba. Nagets mo ba yang mga salitang binitawan mo sakin?

Alam mo yung sinabi mong babatiin mo ako ng 12:51 shit lang kasi nag-expect ako nun? Pero ni isang chat mo nun about don ay wala. Naghintay ako hanggang kinagabihan hanggang sa mag log out ka.

Tiniis ko yung sakit ng ulo at lagnat ko makausap ka lang. Tiniis ko yung sakit.

Sinubukan kong mapasaya ka at makalimutan yang sakit na naramdaman mo kasi Hindi mo deserve na masaktan ng paulit-ulit.

--------

Kian: Bawal ba magselos ha?! Tss

Ako: Kasi Wala namang tayo

Simula't sapul wala namang tayo eh. Wala naman tayo parehong karapatan na magselos kasi walang tayo.
---------

Kian: Kalimutan mo na lang. Ganyan naman ginawa mo sa feelings mo sakin diba? Kinalimutan mo

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon