CHAPTER 3Kinabukasan, mga alas nuwebe na ako nagising. Medyo antok pa ako pero kahit ganun ay kinuha ko ang phone ko at binuksan.
Nang mag-on na siya ay tinaasan ko ang volume para tumunog just in case na may notification akong makuha.
Nakita ko na may bago siyang my day kaya tinignan ko. Nag message naman ako sa my day niya na agad naman niyang sinagot. Natuwa ako kasi siya yung unang kausap ko sa umaga, sa tuwing gigising ako. Pero hindi nagtagal ay matagal na naman siyang nagreply kaya naman sinubukan kong bumalik sa pagkakatulog ko. Naaantok pa kasi ako pero- pero hindi ako makatulog kasi ang bigat ng dibdib ko. Nasasaktan ako pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na busy lang siya ganun.
Ako na naman itong tanga na hinihintay na naman ang reply niya. Peke akong natawa.
Nakita ko ulit na may bago siyang my day. Natulala ako. "May magseselos?" Tanong ko sa sarili habang binabasa muli ang my day niya.
"M-may magseselos?" Hindi ko alam pero nasasaktan ako. May part din sakin na nag-aassume na baka- baka ako yun kahit malabo mangyari.
"Hahaha..." Pilit kong tawa habang nagsisimula na naman akong umiyak. 'Tangna naman, umagang umaga self umiiyak ka na naman.' Sabi ko sa sarili ko habang pinipigilan ko na umiyak ng patago mula sa mga magulang ko.
Chinat ko si Nathaniel para itanong kung Sino ba iyong magseselos na iyon sa my day niya Kian. Nagsend naman ng screenshot ito sakin ng conversation nilang dalawa.
Nathaniel: Sino naman yang magseselos na yan
Kian: Basta
Nathaniel: may bago ka o ex mo
Kian: secret na muna
Di pa siya handa na ipaalam namin eh.Mas lalo akong napa-iyak sa nabasa ko. Ang sakit sa dibdib. Parang ang hirap makahinga. Parang nadudurog na naman ang puso ko. Ang sakit sakit pero tangna umaasa parin ako. Umaasa na baka may pag-asa parin ako kahit mukha na akong tanga na naghahabol, na nagpupumilit na pansinin niya.
'Is this a sign for me na mag give up na?'
'Rejected na ba ako?'
Mga katanungang muling pumasok sa isipan ko at bigla kong naalala yung panahong nagtapat ako sa kanya.
Kian: ang haba nung sinabi mo dun sa message ah
-------
Kian: let's enjoy our friendship first alam mo naman dahilan diba
Ako: dahil po ba sa break up po?
Kian: oo
Ako: okay lang po, Hindi naman po ako nagmamadali eh
Kian: sigurado ka dyan?
Maghihintay pa ba ako? Akala ko may pag-asa na ako eh kaso tangna parang wala pala. Kahit hindi mo ako pinapansin pilit kitang chinachat. Umaakto parin akong cheerful kahit tangna umiiyak na ako habang kausap ka. Syempre hindi mo yun alam kasi hindi ko naman pinapaalam sayo eh.
Para akong nawalan ng buhay, parang ayoko na kumain nawalan na ako ng gana. Parang mas gusto ko na lang matulog pero mas gusto parin kitang kausap. Kahit may iba nang nagpapasaya sayo.
"Ang sakit. Ang sakit sakit naman kasi ako itong tanga tanga na umasa sa kanya." Sabi ko sa sarili ko at pilit na kinakalma ang sarili pero hindi eh. Hindi ko magawa.
Palagi na lang ako Yung sumusugal sa pesteng pag-ibig na yan pero sakin wala ni isang may gusto. Peke akong natawa.
"Hindi naman daw kasi ako kawalan. Kaiwan-iwan ako. Boring kausap. Hahaha." Nagsisimula na naman akong maging negative thinker pero anong magagawa ko. Negative thoughts are consuming me.
"Ganun mo ba ako ka-ayaw?" Tanong ko sa phone ko habang tinitignan ko ang chat namin na hindi naman niya pinapansin na naman. "Isa ka rin ba sa mga napipilitan na kausapin ako?" Peke na naman akong natawa. Kala mo naman yang sinasabi mo ay maririnig niya haha.
Patuloy lang ako sa pag-iyak dito sa saking higaan. Pinipilit na umiyak na walang tunog na ginagawa. Hindi maririnig ang paghikbi ko. Walang makakaalam na nadudurog na pala ang puso ko ng palihim.
Gusto ko na hindi siya pansinin pero- pero hindi ko kaya. Gusto ko syang kausap. Kahit ako lang yung tangang sabik na sabik sa mga reply niya. Kahit maiksi yon tangna ang saya ko na nun. Humaba lang ang usapan namin.
Muli ko na namang tinignan ang chat namin, nagbabakasakali na sineen na niya pero nakita ko na isang oras na naman akong naghihintay sa kanya.
Nasasaktan ako pero ayoko ipahalata sayo, ayoko na malaman mong nasasaktan ako. Ayokong malaman mo na ang inaakala mong masayahin, at mabait na tao ay nadudurog na ng dahil sayo.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko sa walang tigil kong pag-iyak.
Ewan ko na, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan na ako tangna pero- pero bakit ayaw ko parin sumuko?! Nakakainis! Naiinis na ako sa sarili ko!
Lalayo ba ako ulit kagaya nuon? Kaso mahirap na sakin kasi na-attached na ako eh. Kahit sandali lang kami nakakapag-usap, naging close napalapit na ako sa kanya. Naging parte na siya ng buhay ko kahit hindi niya iyon alam.
"Hayssttt...kapag afternoon na ichachat ko sya..." Sabi ko sa sarili ko at napatingin sa orasan.
11:16 am na malapit na rin pala mag afternoon.
May dalawa ulit siyang my day. Nagmessage ako dun sa isa pero as usual, hindi na naman nagreply. I'm acting cheerful sa chat ngayon kahit tangna nadudurog puso ko.
"Ganun ba ako kawalang kwenta kausap? Haha" mahinang saad ko sa sarili ko.
Kailan mo ba ako mapapansin? Kailan mo ba makikita ang mga effort ko sayo. Pero wala eh in the end of the day ako lang itong nag-aantay na naman sa taong walang pake sakin.
"Miss ko na yung pagsisend mo sakin ng mga GIF. Haha" Sabi ko habang inaalala yung araw na palagi mo akong sinisendan niyan kaso ngayon wala na eh.
Mas okay na rin siguro na buohin mo muna sarili mo. Tutulungan kita kahit ayaw mo na at kapag dumating yung araw na buo ka nang muli. Sarili ko naman ang bubuohin ko.
Bubuohin ko iyong puso kong nagpapakatanga sayo. Umaasa sayo. Minamahal ka ngunit nasaktan at nadurog lang.
Kahit ang sakit sakit sa damdamin lalaban parin ako kasi tangna hindi ako agad susuko.
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...