CHAPTER 12
Super bored ako ngayon. Inaamag na naman messenger ko. Nag-iisip din ako ng pwede ipaint then naisip ko yung street namin kaso nung naggu-google earth na ako yung chat head ni Kian nagpapalit na ng pic like sabi ko 'wag ka magpalit, wag ka magpalit' paulit-ulit kong saad kaso wala na. Yung couple dp na yung nakikita ko. Huhuhu
Dalawang oras na ang nakakalipas nung huli akong magchat sakin. And bored na bored ako promise. Nakakaloka. So naisip ko na lang ulit na idrawing yung zapeto mo. Ayiiiee hahaha!
Habang nagdodrawing biglang tumunog ang phone ko. Si Nathaniel may send na namang picture. Minsan napapakamot na lang ako ng ulo dito eh. Bigla bigla na lang susulpot tapos magsisend kapag kakausapin naman seenerist. Hay nako.
Tinignan ko naman yung sinend niya sakin.
Kian: tumanggi ba ako sa grasya? Haha
Nathaniel: hahaha
Oo tumanggi ka pero hindi mo batidNapaface palm na lang ako. Nathaniel isa ka pa eh. Hayssttt
5:04 na pero hindi parin siya online. Ako naman kaka-uwi ko lang galing sa labas. Inutusan kasi ako nila mama eh.
--------
Natapos ko na rin ang drawing ko sa kanya. 5:53 na ngayon mapapit na maggabi. Hindi parin siya online. Huminga ako ng malalim. Apat na oras na siyang hindi online.
Kamusta na kaya siya? Kumain na ba siya? Kamusta na pakiramdam niya? Hayssttt...
Magugustuhan niya ba itong drawing ko sa kanya?
Napapangiti tuloy ako kapag tinitignan ko yung drawing ko para sa kanya.
Nakita ko siyang online kaya yung active status ko sa messenger ay in-on ko para ehehe makita niyang online ako.
Nagchat din ako sa kanya.
Ako: kiaaaann
Hindi pa niya siniseen, kahit yung last chat ko sa kanya kaninang ala-una hindi din niya siniseen pa.
Kaya habang hinihintay ko yung reply niya, niligpit ko na yung gamit ko na mga pang kulay.
Nang pumatak sa 6:01 ang orasan ay agad ko siyang chinat ng 'evening' kahit hindi pa niya siniseen iyong mga messages ko sa kanya.
Nag CR na rin ako pero pagbalik ko wala parin siyang chat. Napabuntong hininga na lang ako.
So as usual I waited for his reply again. Again and again.
Humiga na lang ako at nakinig ng kanta. Yung kanta na 'Imahe' by Magnus Haven.
Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo~Napakanta na rin ako.
Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan~Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa't isa~Bigla siyang nagchat.
Kian: wed
Agad naman akong nagreply sa kanya. Excited na ako na ipakita sa kanya yung bagong drawing ko ulit sa kanya.
Kian: nagseselos na si Mitsuha sa story natin
Pwede mo bang ipaliwanag sa kanya na hindi lahat yun totoo
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...