Chapter 13

59 7 0
                                    


CHAPTER 13

9:43 na ng gabi. Hindi pa ako kumakain ng kahit ano. 8:14 pm ang huling chat sakin ni Kian. Sineen niya lang ako and ngayon online siya but hindi na ako nireplayan.

Ako: galit ka parin po ba?

Hindi ako matahimik. Parang kasalanan ko kaya sila nag-away pero napaisip ako... Something is off. Parang may hindi tama eh pero hindi ko alam kung ano ba yun. I just can't put my finger on it.

Or baka I'm just actually over thinking some stuffs again.

Natawa ako. 'miss kachat pero hindi pinapansin ha...' Sabi ng sarili ko sakin.

---------

11:28 na ng gabi. Malapit na naman mag-umaga pero ako ito hinihintay reply mo sakin.

Napabuntong hininga ako. Nagugutom na ako. Buti pala pinakita ko sa kanya yung drawing kanina. Para at least may masaya akong ipinakita sa kanya. Pero parang galit siya sakin. Hayssttt...

I'm sorry. Hindi ko naman iniexpect na babasahin niya ito. Ang akala ko kasi satin satin lang pero-pero wala na eh. Nangyari na. Galit ka na sakin dahil dun.

Hayssttt...

Kian...

Napabuntong hininga ako. Need ko na bawas-bawasan ang pagiging tanga ko sa kanya. Need ko na rin na masanay na hindi sa lahat ng oras ay makaka-usap ko siya.

Unti-unti na akong napapagod. Bibilang na lang ako ng ilang buwan mawawala na rin ito. Matitignan na lang din kita katulad ng pagtingin mo sakin. Aalisin na kita sa sistema ko paunti-unti.

Ititigil ko na ang pagbati ko sayo sa umaga. Ititigil ko na yung- yung pagdodrawing ko sayo...

Yes, sinabi mo na gusto mo kapag ako yung nagdrawing. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi mo kanina.

Kian: maganda wed
Kaya gusto ko talaga mga drawing mo e

Ako: pano naman po?
I mean marami naman pong iba na mas magaling sakin

Kian: Gusto ko lang pag gawa mo

Damn! Are you sure na kaibigan lang talaga tingin mo sakin? Kasi- kasi parang iba eh. Ayaw mo na nagiging cold ako sayo it makes me wonder, what if... What if walang Wednesday Kang nakilala? What if... Hindi tayo nagkakilala? Ano kayang mangyayari?

"Alam mo ba, okay na lang sakin na minamahal kita ng patago. Pero mas masaya sana kung minahal mo rin ako... Hindi ko alam kung ano bang meron sayo at patay na patay ako.
Handa ako magpakatanga sayo. Isugal yung nararamdaman ko para sayo. Mapansin mo lang ako but hindi parin sapat yung mga efforts ko sayo.

Kapag special ka sakin at mahalaga gagawin kitang priority ko, idodrawing at dodrawingan kita palagi, kakausapin, papasayahin, ayaw na masaktan ka, at hindi ako susuko...

Kaso once na susuko at pasuko na ako expect na lahat ng yan mawawala unti-unti. Mag-iiba ang trato ko sayo. Yung parang pang kaibigan lang.

And once na kaibigan na ang turing ko sayo. If magpapadrawing ka and project yan I can help you but if magpaparequest ka then depende yan kung sinisipag ako o hindi.

"Kian... Will you wait for me again tommorow katulad kanina?" Tanong ko sa sarili ko.

Or baka galit ka na sakin. Should I distance myself from you? I'll miss you so much if that happens but kung gagawin ko iyon I need to endure once again the same pain I felt before but this time mas masakit kasi napalapit ka na sakin. Napalapit ka na sakin ng todo. Hindi mo lang kinuha ang puso ko, dinamay mo na rin pati ang isipan ko.

I tried writing para alam mo kung ano yung nasa isip ko kapag kausap kita.

I want you to feel special, na hindi mo kailangan ikumpara sarili mo sa iba, na you're perfect just the way you are by just being yourself.
You just haven't realize na may taong tanggap ka. Yes you have flaws and all but that doesn't matter. If a person loves you so damn much then she'll accept you 100%. Mamahalin ka niya ng higit pa sa inaasaan mo. Papahalagahan ka niya dahil mahalaga ka sa kanya. Kung may problema hindi kayo matutulog na hindi naaayos iyon. Kung mahal ka handa kayong ibaba ang mga pride nyo para sa isa't isa. You'll both love each other unconditionally.

If you- if you just give me a chance...
I'm willing to do whatever I can to make you happy, feel special, Worthy. But that chance will only be inside my imagination.

What if you tried to love me also? What if you also take the risk of loving me also...? Ganun mo ba ako kaayaw?

Are you really sure na kaibigan lang talaga tingin mo sakin? Or nalilito ka lang po sa nararamdaman mo. Natatakot ka bang iwan kita? Hindi naman kita iiwan promise ko diba sayo yan. Wag ka matakot please kasi ako natakot din ako but still I take the risk. Natatakot akong mawala ka, na layuan mo ako pero wala eh. Ikaw yung lumalayo sakin...

Gustong gusto kita na magstay... Gustong gusto ko na kausap ka. I write this for you to know what I feel when I'm talking to you. Yung mga thoughts ko. Yung mga bagay na hindi ko masabi sayo ng harapan. Oo may isang part na kathang isip lang. Na ginawa ko lang sa imahinasyon ko but Yung feelings ko na nakapaloob dito ay totoo!

Yung nararamdaman ko para sayo, hindi kanthang isip lang yun kasi Mahal Kita. Mahal na Mahal kita kahit nakakatangina na. Kahit nagmumukha na akong desperada. Ayoko sumuko... Ayoko na sukuan ka kasi once na sinukuan kita ay wala ng balikan yun.

Once I gave up- once na sumuko na ako sa nararamdaman ko para sayo wala nang balikan yon. Kaya sana habang Mahal pa kita mapansin mo na, sana hindi ka na maging manhid.

Ayaw kita makitang nasasaktan kaya once na sinaktan ka niyang bago mo baka masapak ko yan. Hindi ako bayolenteng tao pero kapag may nanakit ng taong importante sakin baka hindi ako makapagpigil at tawagin ang mga kaibigan ko para rumesbak dyan sa nanakit sayo.

Napabuntong hininga ako. Ano ba itong pinagsasabi ko? Kahit sabihin ko pa yan wala namang mangyayari eh kasi hindi naman ako YUNG PINILI NIYA.

Hay nako, wala na. Hindi na naman ako makakatulog nito.

Napatingin ako sa oras ng phone ko at 12:57 am na. Shocks!

Umaga na pala. Pero gising na gising parin ako. Hindi ako makatulog kasi nagbabakasakali ako na mag-oonline ka.























71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon