CHAPTER 164:48 pm ko nakita na online na si Kian.
Ako: kiaaaann
Kian: hi wed
Hindi naman ata halatang excited ako haha!
Sinabi niya na natulog daw siya then sinabi ko may isesend ako and TA-DA sinend ko na yung drawing. Grabeeee! Ang hyper ko!
Then nagandahan siya eneeebeee!
Kian: Ang ganda mo talaga magdrawing
Ehehehe, nagpapalip bite ako kasi pinipigilan ko yung pagngiti ko haha!
Then tinanong ko siya if may gusto ba siyang ipadrawing kaso wala daw siya maisip eh. Hayssttt
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Promise! Para kang hinahabol sa sobrang bilis ng pagtibok. Yung hindi mo na kailangang hawakan kasi ramdam na ramdam mo na yung sobrang lakas ng pagtibok nito.
Pinapakalma ko sarili ko habang hindi pa siya nagrereply sakin.
Then nagpaalam ka sakin na magsusulat ka. Sabi ko na lang sa sarili ko na mamaya ko na lang itatanong yung bagay na yun.. yung kanina if namalik mata lang ba ako or hindi.
Then nagchat siya sakin.
Kian: Medyo nadidistract kase ako sayo
Ako: good luck poo
Sorry poKian: thank you
Hahahaha no worriesWhy are you like that? Para akong maloloka, parang ano— parang mas lalo akong nagkakagusto sayo kahit bawal.
Napabuntong hininga ako. "Para akong naaantok ulit." Saad ko sa sarili ko.
"Busy pa naman siya sa pagsusulat so baka pwede pa ako umidlip kahit sandali." Sabi ko sa sarili ko habang inaayos ko yung unan ko at kinuha yung si panda kong stuff toy para yakapin iyon. Hangkyut kyut kasi ni panda tapos lambot lambot pa. Gusto ko nga sana katabi yung mga stuff toys ko eh kaso baka bumigat kaya hindi ako pinayagan nila mama.
Napahikab ako, medyo antok na ako pero inutusan ako ni papa kaya ayun nagising ang diwa ko.
So ayun inayos ko muna yung mga nilabhan ko kaninang umaga. Tapos pagkatapos nun bumalik na rin ako agad sa pwesto ko nagtali ng buhok para hindi mainit. Nakakaloka yung init kasi eh.
Then ayun higa na ako. Pinakinggan ulit yung ehem cover ni Kian. Mas gusto ko yung siya yung kumanta eh ehehe.
"Ang rupok mo talaga self." Sabi ko sa sarili ko habang napapa kagat labi dahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. Hindi rin maalis yung ngiti ko sa aking mga labi.
Then bago ko ipikit ang aking mga mata nakita kong may bago siyang my day so ako ito tinignan and waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!
Sabi ko naaa ehhhhh. Tinadtad ko ng heart reacts yung my day mo na iyon.
Ewan ko pero masarap sa feeling na minamy day mo ako este yung gawa ko pala. EheheSo ayun imbis na pahinga na ako nagising diwa ko. Napansin ko na malapit na pala mag six. Malapit na pala kita batiin ng 'good evening'. Oo tama, good evening na ayiiieee! Eh sa happy ako ngayon eh. Akala ko nga iiyak na naman ako eh, buti hindi.
Nakakamiss yung ganito. Yung nakakausap kita katulad dati.
Saktong pagpatak ng ala-sais ay sinend ko na yung 'good evening' ko sayo.Then papahinga na ako pero if magchat ulit tayo edii game na game ako dyan. Hihihi
Then after ng thirteen minutes nagring phone ko. Nagchat ka.
Kian: Maraming natuwa sa drawing mo
Awieeeeee thankiieee~
A lot of thank you but yours is my favorite ayiiiieeeeee~
Pero medyo hindi ko nagets. Hindi ko rin naman pwede sabihin sa iyo yung ehem isa kong sinabi so dito na lang.
"Nakoo self paraparaan." Sabi ko sa sarili ko. Para naman akong tangang kinikilig.
Makalipas ang pitong minuto hindi na sineen or nagchat si Kian sakin. Baka busy pa siya sa paggawa nung story niya o kaya naman pala kausap niya ang girlfriend niya.
"Hayssttt, hindi ko na talaga alam..." Napabuntong hininga ako habang nagsisimula na naman ako lamunin ng kalungkutan ko.
Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Naninikip ang dibdib ko.
"Sinasabi ko na nga ba eh hindi talaga mawawala ang kalungkutan sakin... Kahit anong pilit ko." Mahina kong saad habang sinandal ko ang ulo ko sa pader. Huminga ako ng malalim.
'hindi ako iiyak, Hindi ako iiyak.' paulit-ulit kong sabi sa sarili ko.
Magsi-seven na ng gabi. Kumakain ako ng biglang magchat si Nathaniel sakin.
Nathaniel: galit yung crush mo
Nagulat naman ako. Chinat ko si Nathaniel para tanungin kung anong nangyari pero sineen lang ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko maliban sa bigyan ko ng mga virtual hugs si Kian. I don't know if makakatulung iyon.
Hindi ako mapakali kaya chinat kita ulit.
Ako: Kian °^°
Nag-aalala ako sayo. Galit ka daw hindi ko alam kung bakit.
Hindi parin ako pinansin kaya nagchat ako ulit.
Ako: Okay ka lng po ba Po?? Galit ka daw po. Ano pong nangyari??
Kinakabahan na ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko tuloy matapos yung pagkain ko.
Hindi parin niya ako pinapansin. Kakatapos ko lang kumain. Nag-aalala ako. Natataranta pero hindi ko naman alam ang nangyayari. Chinat ko ulit si Nathaniel pero sineen lang ulit ako. Si Kian naman hindi ako siniseen.
Napabuntong hininga ako. Hayssttt...
"Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ko sa sarili ko. Okay naman kanina ha, bakit biglang nagka ganito?
Nandito lang ako, naghihintay ng kasagutan. Hayssttt habang naghihintay uminom na rin ako muna nung pinapainom sakin ni mama na gamot.
Malapit na mag alas-otso pero hindi parin nila sinasabi sakin ang mga nangyayari. Hayssttt...
"Ano ba kasing nangyayari?" Sabi ko habang nakatingin sa phone ko.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Sobra akong nag-aalala pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para na akong maloloka sa mga nangyayari.
Habang naghihintay ako sa kanila ay patuloy ko paring pinapakinggan iyong cover ni Kian ng paulit-ulit.
Wala akong ibang magawa kaya napagdesisyonan ko na lang na tumingin ng mga my day.
'Hayssttt baka kapag nakita ni Kian yung messages ko baka iseen nya lang.' Sabi ko sa sarili ko.
Napabuntong hininga ako."Hindi talaga kayo magrereply?"
Hinihikab na naman ako. Nakakaramdam na ako ng antok pero hindi nyo parin ako pinapansin.
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...