Chapter 2

315 14 0
                                    


CHAPTER 2

Umiinom ako ngayon ng tyaa habang minessage ko na naman siya. Sa pangalawang send ko ng message ay sumagot na rin siya makalipas ang anim na oras.

Ako: wag ka po papagutom
Good evening po.

Kian: good evening
Haha oo
Ikaw din kumain ka na

Agad ko naman siyang nireplayan na 'tapos na ako kumain kanina pa.' na 'umiinom ako ng tyaa ngayon' dahil sa sakit ng tyan ko.

Ngunit ayan na naman. Hindi na naman siya nagreply.

*Ting*

Tumunog na naman ang phone ko dahil may bagong message.

Nathaniel: online na naman ex niya baka nag-uusap na naman sila.

Nagulat ako sa chat niya sakin. Dahil ba dun Kaya hindi na niya ako nirereplayan? Boring na ba ako kausap? Ayaw na ba niya ako kausap? Yan ang mga tanong na agad pumasok sa isipan ko.

Ang lakas ng kabog ng puso ko, tumigil din ako sa pag-inom ko ng tyaa.

Makalipas ang siyam na minuto ay muling tumunog ang phone ko.

Kian: ahh okay po
Wait Lang wed ah
Marami pa kasi akong pending na ipopost.

Sabi nya sa chat. Muli na naman nagsimula ang mga katanungan sa isipan ko. "Iniiwasan niya ba ako kasi alam niya na may gusto ako sa kanya? Pending ba talaga o ayaw mo lang sabihin na ayaw mo talaga ako kausapin? Baka boring lang talaga ako kausap kaya iniiwan ako..." Saad ko sa sarili habang nagsisimula na naman ako na umiyak.

Hihintayin na naman kita ng ilang oras para makausap kitang muli? Namiss ko na yung palagi kang nagsisend ng GIF sakin at palagi ko namang sinisave yun sa phone ko as remembrance.

Ngayon ka lang hindi nagsend ng GIF sakin. Dahil ba nandyan sya? Dahil ba umaasa ka ulit? Tapos masasaktan ka na naman. Maglalaslas ka na naman, magiging suicidal ka na naman ng dahil sa ex mo!

Tinigil ko muna ang pagguhit ko para makausap kita ng maayos ngunit wala eh... Hindi ako importante.

"Ayan ka na naman self. Wag ka sabi maging negative thinker eh." Saad ko sa sarili ko habang pinipigilan ang pag-iyak ko.

"Tangina naman self naghihintay ka na naman na parang tanga dyan sa taong hindi ka binibigyan ng oras." Sabi ko sa sarili ko ulit pero kahit sarili ko na ang nagsabi hindi ko parin magawa.

May part parin sakin na naniniwala na oo baka busy nga talaga siya. Writer siya eh. May mga ka-collab siya eh.

Ka-collab ka rin naman niya pero bakit parang ikaw lang ang may gusto? Sabi ng isang parte ko.

Para na akong baliw dahil kausap ko sarili ko.

Patuloy parin ako sa paghintay sa kanyang reply sakin. Pinipigilan ko ang pamimilipit ng aking tyan mahintay ko lang ang kanyang message.

Pero ibang message na naman ang aking natanggap.

Nathaniel: kausap ko siya ngayon, may ginagawa daw na istorya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Baka nga busy lang siya talaga kaya ganun.

Medyo kumalma na ang aking sistema dahil duon kaya pinagpatuloy ko ang pag-inom ng aking tyaa.

"Ang lamig na tuloy ng tyaa ko." Sabi ko sa sarili ko habang inuubos na ang tyaa ko.

Nang maubos ko na ang tyaa ko ay muli na naman akong naghintay sa kanya na parang tanga.

Ako: kausap mo parin ba siya?

Chinat ko si Nathaniel dahil kinakabahan na ako. Hindi nagtagal ay nagreply na siya agad.

Nathaniel: oo

Nagulat ako sa sinagot niya. Nagsimula na naman ang mga katanungan sakin. "B-baka busy lang siya talaga ganun lang." Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Pero sineen ka lang. Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko!? Nagsimula na naman ako umiyak.

Bakit ba ang iyakin mo self? Sabi ko sa sarili ko at pilit na kinakalma ang sarili.

Kahit na umiiyak na ako ay hinihintay ko parin siya. Hinihintay ko yung chat niya kahit alam ko na baka kachat niya na naman yung ex niya.

Nagsiselos ako pero wala naman akong karapatan eh kasi wala namang kami.

Napabuntong hininga na naman ako. Pilit na pinapakalma ang sarili. Kaya ayoko magkagusto sa isang lalaki eh, nakakaloka, nakakabaliw, umaasa na baka may pag-asa na maging kami kahit maliit lang ang tyansa.

Mahirap ba ako mahalin? Tanong ko sa sarili ko. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto ko ilabas ang nararamdaman ko kaso pano? Magsulat? Gumuhit? Ni wala nga akong gana sa mga ganun eh.

Kaya nakinig na lang ako ng kanta. Naka todo ang volume sakaling may notification akong matanggap.

Pinikit ko ang mga mata ko. Pinakinggan ang kanta. At pinakalma ang sarili. Pero kahit anong gawin ko hindi parin siya mabura sa isipan ko.

Kaya nag-isip ako ng pwede naming mapag-usapan. Chinat ko sya, hinihintay ko na lang ang reply niya sakin.

Isang minuto lang at tinignan niya ang my day ko at chinat na ako. Para akong tanga na nakangiti.

Excited akong makachat siya ulit kaso, hindi na naman siya nagreply. Kaya ito na naman ako hinintay na naman ang kanyang reply.

Ako lang ba yung sabik na makausap siya? Saad ko sa sarili ko at pekeng natawa.

*Ting*

Biglang may sinend si Nathaniel sakin na screenshot ng isang part ng pag-uusapan nila.
Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang isang sinabi ni Kian.

'Kahit naman magbigay ako ng attensyon, iniiwan pa din ako'

Peke na naman akong natawa. "Ako nga na hindi mo binibigyan ng gaanong atensyon hindi ka iniiwan eh. Bakit hindi mo iyon makita?" Sabi ko habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Kahit malabo na ang aking nakikita sa screen ng phone ko dahil sa pag-iyak ko ay sinubukan ko parin na magchat sa kanya para mapansin niya ako.

Kaso isang 'goodnight' lang ang sinabi niya sakin. Mas napa-iyak ako kasi ang cold niya. Ganun ba ako kaboring kausap? Saad ko sa sarili ko at iniisip na baka pagod lang siya kaya siya ganun. Na baka stress lang o kaya naman nagkaroon ng problema basta ayaw ko na paniwalain sarili ko na baka nagsawa na rin siya sakin.

Patuloy lang ako sa pag-iyak ngunit kahit ganun may parte parin sakin na umaasa. Umaasa na magiging kami kahit na wala itong kasiguraduhan.


71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon