Chapter 17

59 8 0
                                    


CHAPTER 17

9:39 pm na nakapagreply si Kian sakin ng 'good evening'. Nagtanong din siya sakin.

Kian: Nirereto ka daw sa iba?

Ako: yes pero tumanggi po ako

Syempre malakas ka sakin eh. Di na ako maghahanap ng iba. Ikaw lang sapat na ayiiieee! Kiligin ka sana hahaha.

Tinanong ko rin siya nung nangyari kanina.

Ako: Nagalit ka daw Po kanina?

Kian: oo
Wala yun wag mo na intindihin yun
Masstress ka lang

Then after nyang tanong na yan. Tinanong ko rin siya nung kanina na bumabagabag sakin. Yung kung namamalik mata ba ako.

Sumagot naman siya.

Kian: meron ba?
Siguro
Oo
O baka wala rin

Sumagot naman ako ng 'psssshhh' sa kanya tapos tinawanan lang ako. Ni aaway mo awthoo insert cute emoji.

You denied it four times that means that you're hiding something.

"Hmmmmmm..."

Then sumagot siya.

Kian: hahaha
Wag mo na muna ioverthink

Sinabi ko naman na 'nakakaloka kasi ehh'

Then nagreply siya.

Kian: Uy hahahahha
Relax wed

Nakakaloka kasi ehh, mas lalong lumalalim pagmamahal ko sayo ehhh.

Kaso hindi na ulit siya nagreply. Napabuntong hininga ako.

Sineen niya lang yung last chat ko sa kanya. And halos isang oras ko na naman pala siya hinihintay. Hayssttt...

Halatang malungkot siya kaya naman. Yung mga kakilala kong mga kaibigan tinatanong ko sila kung paano magcomfort ng lalaki. Para at least matulungan ko si Kian. I wanna help him.

Gusto ko matulungan si Kian. Ayaw ko na ganyan siya, na sad siya. Gusto ko masaya siya.

Chinat ko ulit siya. Tinanong ko if okay lang siya. Sineen niya lang kasi yung mga chats ko sa kanya eh.

Then 11:31 pm sineen na naman niya yung mga messages ko kaya chinat ko ulit siya. Tinanong ko if sad ba siya.

------

12:51 am na. Hindi parin ako naaantok. Then kausap ko ngayon yung bago kong kuya sa rp. Mahilig nga lang siya sa mga caps lock kasi kapag kinakausap niya ako palaging naka caps lock mga words niya. Nagkakilala kami kasi nagparequest siyang magpadrawing. Drawing ko daw crush niya na babae kaya naging kuya ko rin siya kasi same kami na may crush sa isang tao pero hindi namin alam Kung Mahal din ba kami nito.

Sinubukan ko rin na magtanong sa kanya kung ano bang pwede kong gawin para kay Kian. Tapos sabi niya bakit daw hindi ko subukan na sendan daw si Kian ng mga memes.

I mean, yes, marami akong mga memes sa phone but hindi ako sure kung okay lang Kay Kian yun. Baka kasi hindi siya ganun kahilig sa memes.

Napabuntong hininga ako. Sana maging okay na si Kian. Ayaw ko na ganun siya.

Napabuntong hininga ako.

Nakatulog ako before mag-two. Nagising ako mga ala sais na ng umaga. Then siya agad ang una kong kachat kaya naman ang naaantok kong diwa ay nagising.

Then may sinend siyang link sakin. Twitter account niya.

"Tagal ko ng hindi nabubuksan ang Twitter account ko ah." Sabi ko sa sarili ko habang nirerecover ko yung account ko sa Twitter.

Pumunta ako ng RA ko para dun magback read and hindi naman ako nabigo. Nakita ko yung screenshot ko nung account ko two years ago pa at nakita ko rin yung mga dati kong nilaro na mga games.

Nakakamiss!

Tinignan ko ang account ni Kian and nakasaad duon na 'active thirty six minutes ago'. Kumakain na ba siya?

Naalala ko tuloy yung sinabi niya.

Kian: sabay tayo kain?
Sabihan mo lang ako pagkakain ka na para sasabay ako

Accccckk! Pusoooooooo kooooooooooo! Kinikilig ako sa mga simple niyang salita hahaha!

Kaso ending nakatulog ako. Kaya sinabi ko na lang huwag siya papagutom, na kumain na siya.
Kaya ayun, siya ata kumakain na ako naman natutulog nakikinig nung cover nya na naman. Nung mag aalas dose na chinat ko ulit siya as usual.

Ako: Afternoon Po. Wag ka Po papagutom, ingat ka Po dyan

After ng twenty eight minutes nagreply ka.

Kian: good afternoon
Ok po
Ikaw din wag ka pagutom

Then nung nagchat ako kung kamusta na siya sinagot niya ay 'sakto lang' at hindi na muli nagchat.

Tatlong oras na ang nakakalipas- mag-aapat na oras na nga eh. Nakakaramdam na din ako ulit ng pagod.

Hinihikab na ako na naman. Basta naaantok. Buti kumain ako kanina. Pero nagulat ako kanina ang aga ko nagising ahhh kaso nakatulog din. Napakamot na lang ako ng ulo.

Ligo na rin pala ako para presko sa pakiramdam. Matapos ko maligo at naghugas ng pinggan kinuha ko phone ko at nagchat ka.

Kian: bakit?

Hmm, epekto ba yan nung sinabi niya sakin na may bipolar disorder siya. Like mood swings parang ganun. Kasi parang ganun yung feeling eh or yung vibes na ibinibigay niya.

So ayun, I did offer him na if gusto niya ng kausap, virtual hugs or makikinig sa kanya nandyan lang ako. Or maybe busy siya sa girlfriend niya na kanina ko pa nakikita na papalit palit ng bio.

Plus hindi ko na need ng translator para malaman ang nakasulat dun dahil bata pa lang ako and kabisado ko na yang 'Wo Ai Ni' na yan ng dahil sa fushigi yuugi.

Plus buti may naaalala pa akong mga katakana so yep. Nababasa ko siya. Hahaha

Hmmmm, maybe nilalayo niya ulit sarili niya sakin? I don't know kasi hindi naman ako siya.

So habang pinapatuyo ko yung buhok ko nanood muna ako sa YouTube ng bagong vids nila 'Bijuu Mike' and 'Kubz scouts' if kilala nyo sila.

Napili kong panoorin yung free random horror games ni Kubz Scouts. Syempre miss ko na ulit tumili na parang timang. So ayun, nanood ako. But I still miss him. I miss Kian. Napa pout tuloy ako.

Nagfocus na lang ako sa pinapanood ko habang hinihintay ko ang reply niya.

Habang pinapanood ko yung unang nilaro niya na horror game muntik na ako mapatili buti hindi natuloy. Kaya ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nang matapos yung unang vid clinick ko yung next na video niya. Horror games din siya.

Napansin ko na 6:39 pm na pala kaya chinat kita ng 'evening' at nagpatuloy sa panonood.

I tried watching yaoi again kasooo di ko kinaya, hahaha. Hindi na ako sanay na nanonood nun kaya balik tayo sa fushigi yuugi. Episode 3 the stars of suzaku! Yan lang talaga yung anime na never akong tatamarin panoorin. May mga scenes na ini-skip ko but hmmm hindi naman lahat ng part ini-skip ko.

Habang nanonood ako, muli kang pumasok sa isipan ko.

"Kian... Kian sana maging okay ka na. Hindi ako sanay na ganyan ka kasi eh. Hayssttt..." Sabi ko habang nakatitig sa chat ko sa kanya na hindi pa niya siniseen.

"Itutuloy ko pa ba ang laban?" Tanong ko sa sarili ko. But no. NO! Hindi ako titigil! Sabi ko sa sarili ko at nagfocus sa pinapanood kong anime.

"I miss you kian." Sabi ko sa sarili ko kasi miss na miss na kita talaga. Super, duper, rupeerr!

'sana miss mo rin ako... Sana.'

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon