CHAPTER 53
Day 59. Thursday
Nagising na ako mga 6:30 na ng umaga. Nagchat ako ng good morning kay Kian katulad ng routine ko nuon. Magsusuot ako ng earphones then hindi ko isasilent ang phone ko para marinig ang mga notification.
Bumalik ulit ako sa tulog ko hanggang sa biglang tumunog ang phone ko.8:14 am nang magchat si Kian sakin.
Kian: Good morning wed
Ako: Kamusta ka
Kian: ok lang
Ikaw baAko: ok lang din
Kumain ka ba?Kian: di e
Ikaw ba?Ako: Maya pa d ako pede kumain ng ganito kaaga sumasakit Ang tyan ko buong araw
Wala ka bang gana??Kian: Medyo
Ako: Gusto mo ng makaka-usap?
Hindi na siya nag-abala na iseen. Nakapagreply na lang siya mga 8:41 am na.
Kian: wala kong gana
SorryAko: okay lng
Wag ka n magsorry
HmmThen hindi niya ako ulit pinansin.
Baka busy.
Then nagchat ako mga 9:38 pero walang reply.
Nagchat ako ulit mga 9:50 pero wala parin. 9:54 am ng makita ko na may my day siya. Kaya naman agad ko iyong tinignan. Nakita ko na op niya yung my day niya.'hindi na ako makakangiti katulad nang dati'
'face reveal bago umalis'
Nagchat ako, nagreact ako kaso biglang nawala yung mga my day. Nagtaka naman ako. Nang buksan ko yung real account ko na naka friend sa kanya nagulat naman ako at nandun parin yung my day.
Napa-isip ako. Naka hide ba sakin? Bakit?
Patuloy parin ako sa pagchat sa kanya pero wala parin. Hindi parin ako pinansin kaya naman ay nang pumatak ang 11:11 ng umaga ay agad akong nagchat sa kanya.
Ako: 11:11 po kiann
Never pa ako bumati sa isang tao ng ganito. Never din ako nakaranas na batiin ng ganito sa pm.
Kian: Thanks wed
Ako: Always Welcome
Btw pano Yung sa riddles? D pede n patagalin Yun Kasi mahirap kapag last minuteHindi na naman ako pinansin. Nakapagreply na lang after twenty-two minutes.
Kian: Gagawa tayo ng game
May mga riddlesAko: Okioki tapos?
Ilang riddles?
Gagawa tayo mismo or magsesearch Lang?Kian: Tayo bahala
Pwede gawa pwede searchAko: Okioki
Mga ilan Ang Plano natinKian: 10 riddles
Ako: Okioki
Search n lng ako
CharNawala ulit siya. Hindi na naman nagreply hanggang sa magtanghali na.
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...