CHAPTER 25
Patulog na ako kaso biglang tumunog phone ko. May sinend sakin si Nathaniel na voice mail.
Nang marinig ko yung sinasabi dun nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Ha? Hakdog ka."
Yan ang sabi dun sa voice mail. Pero hindi yung sinabi ang nagpagulat sakin. Alam na alam ko yung boses na iyon. Hindi iyon kay Nathaniel kundi walang iba kundi kay Kian.
Yung antok ko kanina nawala ng parang bula! Then nung nag twelve na chinat ko agad siya ng 'afternoon' then sineen na niya ako FINALLY!
Then sabi Niya patulog na daw siya. Don't worry yung antok ko nawala na po. Huhuhu
Nagising sistema ko dahil sa vm na yun. Kaloka!
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba ang rupok ko sa kanya? Tanong ko sa sarili ko.
At hindi na niya ako nireplayan ulit. Masakit but paunti-unti ay nasasanay na ako. Nasasanay na ako paunti-unti na ganyan ang pakikipag-usap niya sakin.
Pero aaminin ko masakit. Masakit kasi sa pakiramdam. Kasi alam ko na hindi naman talaga siya ganyan sakin eh. I don't know, baka oo— baka hindi. Nalilito na ako!
Natulog na ata siya. Iniiwasan mo ba ako Kian?
Dahil wala naman akong magawa. Kakatapos ko lang din kumain ng cake, chocolate cake to be exact di ko nga lang alam kung anong klaseng cake ito basta yun.
Chinat ko si Leen sa RA niya. Nagpaalam ako na i-open ko yung RP account niya, pinayagan naman niya ako.
Nung binuksan ko ang account niya una kong napansin na may conversation pala sila ni Kian. Tinanong ko if pwede ko bang basahin iyong convo nila. Pinayagan naman ako ni Leen.
Kahapon pa pala itong conversation na ito. Out of curiosity ay nag back read ako hanggang sa mapunta ako sa simulang convo nila.
Leen: Tatanong ko lang kung ano talaga nararamdaman mo kay Wed?...I'm not pressuring you i just want to know
Sumagot naman si Kian. Yung isang salitang napakasakit sa damdamin ko.
Kian: She is my friend
Ket po?
Muling nagtanong si Leen sa kanya. At sumagot naman si Kian.
Kian: mahal ko si har pero may jowa ako. Kaibigan ko siya kaya ayoko siyang mawala
Ano ibig mong sabihin na paano magmahal?
Nahihirapan ako huminga habang paulit-ulit kong binabasa ang sagot ni Kian kay Leen. Nanlalamig ang dalawa kong kamay. Parang nahihirapan akong i-absorb ang mga nababasa ko at simula pa lang ito! Wala pa ako sa kalagitnaan.
Magpapaalam na sana si Leen kay Kian pero nagtanong si Kian sa kanya.
Kaya naman nagchat si Leen sa kanya. At tinanong ulit si Kian.
Kian: Totoo naman yan
Pero di ko sinabi kay wed
ayoko na umasa siya
Damn! Ang hirap i-process ng mga nababasa ko sa utak ko ngayon. Para akong mababaliw kakaisip.
"Yun ba yung sinasabi ni Kian nuon?" Saad ko sa sarili ko at inalala ang mga sinabi niya nuon sakin.
' Kian: haha di ako ganun
Wag ka nga magpacute napapangiti ako dito haha'
'Kian: alagaan mo sarili mo wed
gusto pa kita makasama'
'Kian: wag ka magsorry
Nagaalala lang ako sayo
Kase naman ang slow mo
Dami ko na nga binigay na hint di mo pa din gets tss'
'Kian: hindi ka ganito lang
*Kian remove a message*
Stop being so sad'
'Kian: Kanina ko pa kase hinihintay reply mo
Namiss lang kita bigla kausap'
Nagsimula na akong umiyak.
Ganun ba ako kamanhid? O sadyang dine-deny ko lang sa sarili ko ang mga sinabi niya...?
Para akong masisiraan. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang daming scenario ang nai-imagine ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya mo ba ako iniiwasan? Dahil ba dun? Kian naman!
Kahit umiiyak na ako ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng convo nila.
Leen: Hindi naman alam ni Wed, nagtatanong lang ako ngayon para alam ko kasi ayoko din na masaktan siya
Kian: Ayoko din na masaktan siya
Kaya nga pinifilter ko mga sasabihin ko sa kanya. Ayoko na masaktan yung kaibigan ko
Taena! Ano ba talaga?! Kaibigan? Mahal?! Ano bang klaseng pagmamahal yan? Ang hirap manghula... Ang hirap mangapa ng mga sagot sa katanungan ko.
Kaya ba nagbago ang pakikitungo mo sakin? Kaya ba nagiging cold ka sakin? Kaya ba— kaya ba nagbago ka...?
Mangiyak ngiyak kong tanong sa sarili ko nagbabakasakali na sasagutin mo iyon pero hindi eh. Naduduwag ako. Naduduwag ako na sabihin at itanong sa iyo iyan dahil baka mas lalo kang lumayo sakin. Ayaw ko na lumayo ka sakin please...
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko.
Kian: Mahal ko gf ko. Yung kay wed mahal ko siya bilang kapatid at sobrang close na kaibigan.
Sapul sakin yang sinabi mo Kian. Tangina! Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Medyo nahihirapan na rin ako makahinga pero kahit ganun ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Kian: Let just say na meron siya ng mga bagay na kahit sino maiinlove
Kaso meron na akong jowa
Hindi ko pwede na iwan yun
Kaya yung nararamdaman ko kay wed, kung ano man yun, dapat hanggang kaibigan na Lang
Leen: Hmmm i understand
Kian: Maintindihan niyo sana
Ayoko masaktan si wed di ko intensyon na paasahin siya
At umabot na ako sa last part ng chat nila. Pilit kong pinapatahan ang sarili ko. Nalilito na ako!
Ano ba yung tinutukoy nila na meron sakin na kahit sino ay magkakagusto? Ganun din ang sinabi ni Kylie sakin pero hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin nung sinabi nila.
Hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin ni Kian.
Tangina! Nabobobo na ako!
Pinapatahan ko ang sarili ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko yung sinabi ni Kian.
'Kaya yung nararamdaman ko kay wed, kung ano man yun, dapat hanggang kaibigan na lang'
Damn! Paulit-ulit na pumasok sa isipan ko ang mga katagang binitawan niya. Parang sasabog ang isip ko sa kakaisip sa mga nabasa ko.
"K-kaya ba... Kaya ba nagbago ka...?" Mahinang saad ko sa sarili ko. Kaya ba may parang boundary akong nararamdaman sa pagitan namin? K-kaya ba... Kaya ba madalang na lang kita maka-usap?
Kaya ba iniiwasan mo ako... Ganyan ba yun? Kaya ba cold ka na sakin, na ipinaparamdam mo na kahit wala ako wala ka ng pake sakin...? Kaya ba parang pinaparamdam mo sakin na baliwala lang ako kung magchat man ako o hindi sayo...? Kaya ba parang pinaparamdam mo sa akin na ginamit mo lang ako? Kaya ba pinaparamdam mo sakin na napakawalang kwenta kong kausap? Na palagi mo lang iseseen... Yung hindi mo na rereplayan kasi what's the used.
Ganun ba yun... G-ganun ba yun Kian? Kaya mo ba ako sinasaktan ng ganito?
Kaya mo ba... nevermind. Hindi ko na alam ang gagawin ko... Kung aasa pa ba ako? Ipaglalaban ang nararamdaman kong ito?
"A-ano na bang dapat kong gawin...? Hindi ko na alam..."
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Roman d'amour"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...
![71 Days With Him [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/223037621-64-k283802.jpg)