Chapter 33

38 8 8
                                    


CHAPTER 33

Nagising ako mga 7:38 am na. Grineet ko si Kian as usual at nakita ko na active one hour ago siya kaya naman naisipan ko na matulog na lang ulit.

Sorry na antukin lang talaga ako.

Nagising ako mga bandang 10:30 am na, aksidente ko pa ngang napindot yung video call eh kaya agad Kong inoff tapos sabi ko sa group chat ay 'sorry po napindot'.

Bangag pa ako kaya ayan, hindi ko alam napipindot ko plus masakit din lalamunan ko. Baka dahil iyon kagabi.

Puro kasi voicemails eh. Napagkamalan pa ngang fourteen year old girl yung boses ko eh.

Sinabi ko naman dun sa kanya, kay Pula na minsan ko ng pinangarap na maging voice actor kaya naman medyo kaya ko na baguhin ang boses ko.

Kaya at ngayon ay masakit lalamunan ko.

Actually, gusto sana humingi ng mga voice mail mo or like palitan tayo ng voice mail kasoooo nahihiya ako. Kasi baka bawal, baka hindi pwede, kaya ayun, tumitiklop ako.

Then nagchat sakin si Kian. Mga 10:45 am.

Kian: good morning wed

Ako: kiiiiiiaaaannn

Kian: Ang hyper mo na naman

Hinintay kasi kita. Hinintay talaga kita na magreply. Kaso mahina ako pagdating sa topic kaya ayun, sineen mo lang ako.

Then nakita kong online si Nathaniel.

Ako: uyy nat-nat

*Seen*

Ako: uyy kausap mo ba si Kian? Sineen lang kasi ako eh hayssttt

*Seen*

Ako: °^°

Nathaniel: oo kausap ko sya

Buti pa si Nathaniel nakaka-usap si Kian. Napabuntong hininga ako.

Ako: pano mo ba siya nakaka-usap nang ganyan?? Paturo akoooo

Nathaniel: gusto mo malaman

Ako: opo opo

Nathaniel: maging kupal ka, maging makapal mukha mo at maging tarantado ka maging demanding ka ren sa kanya

Napaface palm na lang ako.

Ako: d ko kaya maging ganyan

Kasi feel ko wala naman akong karapatan or wala sa lugar. Napabuntong hininga ako.

Pero I mean, hayssttt ang hirap. Tumitiklop ako pagdating kay Kian.

Then may sinend sakin si Nathaniel na screenshot.

Kian: hindi kase siya magaling magopen ng topic
Ayoko din naman magfirst move
Di ko gawain yun

Napabuntong hininga ako. Pano ba mag-open ng topic? Wala akong maisip. Hayssttt

Chinat ko ulit si Nathaniel.

Ako: pano po ba mag-open ng topic sa isang tao???

Nathaniel: sandale tanungin ko yung supot

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon