Chapter 7

112 9 0
                                        


CHAPTER 7

Masaya ako habang kinakausap siya sa chat. Nawala din sa isipan ko yung mga negative thoughts ko kanina.

Kian: tulog ka na Wednesday umaga na

Awiieee haha shet kinikilig ako! First time lang kami nakapag-usap ng mahaba.

Napatingin ako sa oras at nagulat ako kasi mag-aalas tres na pala. Nakalimutan ko rin inumin yung parang gamot na pinapainom sakin nila mama.

Ako: Ginoooongggg kiaaaannn good morning po palaaaa

Nagiging hyper ako. Sa kanya ko lang talaga naipapakita yung pagiging sobra kong hyper. Nawala na rin yung bigat kanina na pakiramdam.

Kian: good morning din wed haha

Ako: tulog ka na rin po ha
Good morning
Good night
Sleep well nighty night sweet dreams

Tapos nagsend ako ng mga cute stickers sa kanya. Sana magtagal yung ganito...

Sana...

Inoff ko na ang phone ko. Para makatulog na din ako kasi tatanggaliin na naman ako ng gising nito. Hay nakooooo ka self may balak ka patayin sarili mo?

Pwede...

Kinabukasan, nagising ako ng mga alas nuwebe na ng umaga.
Kahit antok na antok pa ako ay kinuha ko ang phone ko at inon. Inopen ko ang messenger ko at agad kang chinat ng good morning. Nag-earphones din ako at tinaasan ko yung volume sa notification para sakaling magchat ka ay maririnig ko agad.

Pinikit ko ulit ang aking mga mata habang hinihintay ang reply mo. Nang narinig kong may bago akong notif ay dali dali ko iyong tinignan.

Agad na nawala ang pagka-antok ko ng malaman ko na ikaw pala ang nagchat.

Kian: good morning wed
Kamusta tulog mo

Ako: ayos naman po

Syempre maayos kasi kasama kita dun sa panaginip ko ayiiiee!
Para akong tangang kinikilig sa mga pinagsasabi ko.

Nagdadalaga na ako! Haha char!

Ako: kanina ka pa po ba gising?

Kian: oo eh

Ako: ganun po ba
Btw kumain ka na po ba?
Bawal ka po magpagutom kasi baka mapano kaaa

Hindi naman ata halata na hyper at excited akong kausapin siya noh? Haha emeeegeeeeeeddd! Naloloka ako na kinikilig na ewan. Haha!

Simple lang naman iyong sinabi niya pero ang lakas ng impact sakin.

Kian: opo kakain na po

Kian sana totoo na lang ito. Parang ayoko na matapos ito.

Then negative thoughts once again invade my system. 'Napipilitan siya dahil sa ginawa mo!'

'Napakasama mo!'

'Bakit hindi mo siya hayaang sumaya!'

'Makasarili kang babae!'

Kaba at takot ang muli kong naramdaman sa mga oras na iyon. Kinokonsensya ako sa mga nasabi ko kagabi. Napaka desperada ko...

Peke akong natawa. Baka nga hindi ako mabait tulad ng akala nila....

Hindi ko napansin na may mga bago na pala siyang chat sakin.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon