Chapter 26

47 8 0
                                    


CHAPTER 26

Huminga ako ng malalim habang sinasagutan ko yung tanong dun sa interview. Naisipan ko na sumali na lang din ng Hoshino tutal wala naman akong magawa. Hayssttt

Para at least may libangan ako kahit papaano imbes na palagi kong hinihintay ang mga replies mo sakin. At least- may pagkakalibangan ako.

Nung inadd na ako ni Aki sa gc ni hindi naman ako pinansin ni Kian. It's like I'm invisible sa kanya. Ni hindi niya ako matawag na Wednesday o wed dun.

Ang sakit sa pakiramdam. He didn't even bother to actually talk to me or even start a conversation with him.

Maybe... Maybe iniiwasan na niya ako. Napabuntong hininga ako... Maybe nga...

Maybe... He don't actually want me anymore. "Kian... Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa phone ko na para bang masasagot nito ang katanungan ko, na para bang maririnig mo yung tanong ko pero hindi eh.

Sineen mo lang ang mga pm ko sayo. Ni hindi ka nag-abalang replayan ako. Ni hindi ka na nag-abala na kausapin talaga ako.

Isa na lang ang pag-asa ko. Ang batiin ka ng 'evening' at sa pagkakataong iyon.

Pumatak ang ala sais. Dali dali Kong chinat si Kian pero just like kanina hindi na naman niya ako pinansin.

Pero sa gc napapansin ko na nagchachat siya dun. Pero ako hindi man lang niya mareplayan.

Nang magreply ka at nagchat ng 'good evening' sakin halos tumalbog ang puso ko dahil duon.

Ako: okay ka lng po ba po?

Kian: Ok lang naman wed
Wag ka mag-alala
Ikaw ba?

Damn! Namiss ko yung pagtawag mo sakin nyan. Parang hindi kumpleto ang araw ko na hindi mo ako tinatawag na wed o Wednesday.

Ako: galit ka po ba sakin?

Makalipas ang ilang minuto na paghihintay ay nagreply ka na.

Kian: Hindi naman

Ako: sorry po
Kasi feel ko galit ka sakin po eh

Kian: ha? Saan?
Di ako galit sayo

Ako: Idk i just feel po na parang galit ka sakin
Kaya nag sorry ako

Kian: Hindi nga

Ako: Iniwasan mo po ba ako?

Kian: Hindi rin

Sinabi ko rin sa kanya na nabasa ko yung pinag-usapan nila Leen kahapon pero sinagot nya lang ay 'anong tungkol dun?'

Nagulat ako sa sinagot niya. Ang sakit ng pakiramdam ng dibdib ko. Ang cold niya magreply sakin.

Nagsimula akong umiyak na naman.

Nagchat na lang ako sa kanya ng...

Ako: Wala lang nabasa ko lng po
Nevermind n nga lang po
Kalimutan Mo n lang po
Sorry sa istorbo
Evening po

Dali dali kong chat sa kanya, nagreply naman si Kian makalipas ang ilang minuto.

Kian: ha?

Ako: wala Po

Kian: ahh ok

Damn! Kian? Kian sure ka bang hindi ka galit sakin o kaya naman ay lumalayo ka sakin...? Kasi yun ang nafifeel ko na ipinapakita mo sakin...

Hindi ako sanay na ganyan ka sakin Kian. Sabihin mo if may nagawa ba akong mali hihingi agad ako ng sorry basta maging okay ka na. Ganyan ba talaga kapag wala ng pake sa isang tao?

"Sorry ganito lang ako..." Mahinang saad ko sa sarili ko habang nagsimula na naman ako na umiyak.

Huminga ako ng malalim. Natatakot ako na ichat si Kian dahil baka mas lalo siyang magalit, mairita o worse ay manlamig sakin ng tuluyan.

Namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung dating Kian na nakaka-usap, nakakakulitan ko.

Miss na kita kung alam mo lang pero-

Seven na ng gabi at medyo nakakaramdam na ako ng pagod at antok.

Literal na nakakaramdam na ako ng pagod at antok.

Shit! Ayaw ko pa matulog pero yung mga mata ko bumabagsak na.

Pinilit ko na gisingin ang sarili ko. Nooo! Need ko magising hindi pa ako pwede matulog!

Naghanap ako at nagtanong tanong kung sinong gusto magpadrawing sakin para lang magising ako. Hindi pa kasi ako pwede matulog. Nooo! Not yet! Kahit nananakit na still I'm not. Bukas na lang ako babawi ng tulog.

Nagising na lang ako dahil sa biglang pagbuhos ng ulan.

-------

Sinubukan ko magdrawing ng kahit ano. Gusto kita ichat kaso natatakot ako.

Gusto ko humingi ng sorry sayo kaso naduduwag ako. Natatakot ano na ichat ka. Huminga ako ng malalim.

Sinubukan ko na lakasan ang loob ko na ichat ka at humingi ng sorry sayo kasi... Kasi yun Yung feel ko na dapat kong gawin. Bahala na kung iseen mo ako o hindi basta nakapag sorry ako sayo.

Hindi ko kasi kaya na may taong galit sakin. Ang bigat sa pakiramdam kaya naman gagawin ko ito.

*Ting*

Bigalang nagchat sakin si Nathaniel.

Nathaniel: wala sa mood crush mo

Kaya naman dahil dun nilakasan ko ang loob ko.

Feel ko tuloy dahilan ko kaya nawala siya sa mood. 'Hayssttt ang tanga mo kasi self eh, hindi ka nag-iisip.' Sisi ko sa sarili ko.

Isang oras na na hindi online si Kian. Lahat ng pwede ko siyang ichat o mamessage ay ginamit ko. Sa Wattpad, sa Facebook, at sa Twitter niya pero ni isa dun ay wala akong natanggap na reply.

Napabuntong hininga ako.

Kian, please sana okay ka lang. Nag-aalala ako. Parang kasalanan ko kasi kung bakit ka nawala sa mood. Kung hindi ko na lang sana sinabi yun baka... Baka kausap pa kita ngayon pero hindi eh...!

Ang laki ko kasing tanga! Ang laki ko kasing bobo! Kaya ako iniiwan eh. Kaya ako boring kausap eh.

"Kian..." Tawag ko sa pangalan niya habang nakatingin sa mga drawings ko para sa kanya.

Kailan kaya babalik yung dati? Yung tumatawa ka sa chat natin... Yung wala tayong pinoproblema. Yung parang hayahay lang tayo.

Habang hinihintay ang reply mo sakin ay nag-usap muna kami ni Estoire. Sya rin yung umampon sakin dun sa writing hood ng Hoshino. Sya yung mama ko dun. Awiiieeeeeeeeee!

Usap-usap lang kami hanggang sa matutulog na si mama. Nagbabye kami sa isa't isa at naiwan na naman ako na mag-isa. Hinihintay ka as usual.

"I'm sorry talaga Kian." Patuloy ko paring sinisisi ang sarili ko kaya ka nawala sa mood. Nag-aalala tuloy ako ngayon sayo.

Hindi ko alam ang gagawin ko maliban sa hintayin ka...






















71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon