Chapter 47

31 8 0
                                    


CHAPTER 47

11:08 pm na at para akong baliw kasi iiyak ako tapos biglang tatawa tapos iiyak na naman.

Alam mo yung gustong gusto mo ng mawala dahil sa sakit na nararamdaman mo. Yung tangina mapapasabi ka na lang— ang sarap mawala. Yung pagod ka ng umiyak. Pagod ka ng masaktan ng paulit-ulit sa iisang tao.

Tulog na sila mama kaya malaya akong nakaka-iyak. Pinunasan ko ang aking mga luha. Yung feeling na gusto mo ng makaka-usap sa mga oras na ito. Yung oras na hinihiling mo na sana nandyan sya ngayon. Kausap ka. Pinapakinggan ka. Kinocomfort ka. Yung kusa kang yayakapin kahit ngayong beses lang— pero wala eh.

Dahil sa kaka-iyak ko ngayong gabi ako na naman itong tanga na hindi makahinga ng maayos.

Muli akong nagback read sa convo namin ni Kian.

Kian: Bawi ako mamaya paggising ko?

Sabi niya kahit alam kong makakalimutan niya rin yan. Ilang beses na ako na umasa sa salitang yan. Babawi? Ang dali lang sabihin noh? Pero hirap kayong panindigan. Ilan na ba nagsabi sakin na babawi sila pero ano? Nasan na kayo?

6:00 pm at nagchat ako kaagad sa kanya ng good evening. Nakareply naman siya mga 9:12 na ng Gabi.

Kian: Slr. Wed kakagising ko lang

Ako: oki lang po

Kian: hmm

Ako: Kamustaaaa po tulog mo po????

Kian: kumain ka na ba?

Nag-isip muna ako kung sasabihin ko ba Ang totoo.

Ako: ahhh opo opo

Kahit hindi naman talaga. Wala talaga akong ganang kumain. Isang beses na lang sa isang araw kung kumain ako. May mga pagkain nga ako kaso nawawalan na ako ng gana.

Patuloy lang ako na binabasa yung chat niya kanina.

Ako: ikaw po?

Kian: Ok naman. Ikaw ba? Ano ginawa mo nung wala ako?
Kakagising ko lang kaya di pa

Then sinabi ko sa kanya na may ka-collab ako.
Then sinabi niya mention ko daw siya so ayun. Tapos tinanong ko rin kung anong gawa niya nagreply naman siya

Kian: Kumakain lang sugarhoneybunch

Ako: Awiiiieeee pakabusog ka aaahh para maging strong kaaa
Weyt ano po pala itatawag ko sayo?

Kian: Uhm... Tamahome?
Hahahahaha

Ako: Kinikilig ako Ng parang ewan
Di ko Alam sasabihin ko

Kaya sinasabi ko na lang ito. Then naging multo usapan namin.

Kian: wed
Naniniwala ka sa ghost?
Hahahahaha

Sa ghinost ng jowa lang alam ko, char.

Ako: depends po
Parang nasa gitna lng po ako
Bakit po?

Kian: Do you believe na kaya sila di mawala kase may di pa sila natapos na mission?

Then nagtuloy tuloy lang yung usap-usap namin about dun sa multo.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon