Le début

180 9 1
                                    

Le début

(Simula)

"Mommy!" Hiyaw ko habang nagsusuot ng ID. "Alis na po kami!"

"Ramina! Bilis! Malalate na tayo!" Sigaw ni Kuya Race mula sa labas.

"Nand'yan na! Wait lang!" Balik kong sigaw habang iniipit ang pink na clip sa buhok ko.

"Ahh!" Inis kong sabi nang hindi ito maayos tignan. Punyemas! Late na kami!

Nang matagumpay kong maikabit ang apat na clip, dalawa sa kanang bahagi at gano'n din sa kabila, inayos ko ang medyo nagusot kong uniporme. Nagmamadali kami ngayon dahil may pupuntahan pa yata si Kuya Race o may ihahabol sa mga requirments niya, ewan ko.

"Ramina, nagagalit na si Race sa labas. Ang tagal mo raw. Bilisan mo na r'yan." Si Kuya Jericho. Tumango ako habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Pagkalabas ko ay galit na mukha ni Kuya Race ang sumalubong sa akin. Hindi ko napigilang matawa dahil halos magdikit na ang makakapal na kilay niya sa sobrang pagkakakunot ng noo.

Galit na galit?

"Bilisan mo!" Inis niyang sigaw. Umalis na siya sa pagkakasandal sa pintuan ng sasakyan niya at pumasok na sa loob.

"Ingat kayo anak." Si Mommy na kalalabas lang ng bahay. "Ang mga bilin ko ah, bawal---"

Pinutol ko siya. "Bawal gumala pagkatapos ng school. Bawal magpagabi at magpapaalam kaagad kung mag-eextend para sa mga projects." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Kabisado ko na 'yan, Mommy," bahagya akong tumawa bago sumakay sa kotse ni Kuya. Ibinaba ko ang salamin nito para makita si Mommy.

"Bye, Mom!" Sabi ko habang nagsiseat belt. Nagpaalam na rin si Kuya Race bago niya inistart ang sasakyan at saka na kami umalis.

First day of school ngayon. I'm in my first year of college. Oo, freshmen ako. Ay mali. Freshwomen? Bwisit, may gano'n ba?

Ilang sandali ay biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon at nakitang si Candle ang tumatawag.

"Hello?!" Antimano kong nailayo ang cellphone nang matinis na boses ni Candle ang bumungad sa akin. Ang sakit sa tainga! "Nasaan ka na ba?! Kanina pa kami rito ni Daniel. Iiwan ka na namin!"

"Hoy! Hintayin niyo ko!"

"Nasa'n ka na ba kasi? Napakatagal mo!"

"Malapit na kami," sabi ko. "Hintayin niyo ko!"

"Oo na, oo na. Bilisan mo."

Nang makarating sa unibersidad, nagpaalam na agad ako kay Kuya Race at mabilis na lumabas ng sasakyan. Nakita ko agad si Candle at Daniel na nakatayo malapit sa gate.

"Bakit ba ang tagal mo? Malelate na tayo!" Bungad sa akin ni Candle.

Natawa ako sa kanya. Umagang-umaga, kunot na kunot ang noo ng babaeng ito.

Sasagot na sana ako nang mapansin ko ang isang lalaki sa 'di kalayuan.

Namilog ang mata ko nang bigla siyang humarap.

Nalusaw ang tawa sa bibig ko at napalitan iyon ng pagkatikom. Napalunok ako ng mariin, malaki ang mga mata at gulat na gulat sa natutunghayang tanawin.

Kausap niya ang mga kaibigan niya, nagtatawanan.

Nagsitindigan ang mga balahibo ko nang mapatingin siya sa gawi namin. Sa akin mismo!

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tila naging isa akong humihingang estatwa. Nagtaka ang mga kasama ko at may kung anu-anong sinasabi.

Pero lahat ng iyon ay tila hindi rumerehistro sa utak ko. At animo'y kaming dalawa lamang nang mga oras na iyon ang nasa lugar na kinalalagyan namin.

Tanging malalakas na kalabog lamang ng puso ko ang aking naririnig. Pakiramdam ko'y lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng mga pintig nito!

Ilang sandali pa ay bigla siyang ngumisi. Napalunok na naman ako ng mariin, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

"Saan ka ba nakatingin?" Si Candle at sinundan ang mga mata ko kung nasaan ito nakalagi. "Shit!" Kaagad siyang napamura at katulad ko, namilog din ang mga mata niya.

"B-Bakit nandito si MJ?!"

Nang mga sandaling iyon, iyon din ang nag-iisang katanungan sa isipan ko.

Bakit siya nandito?!

⭕ • MrAndreya • ⭕

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon