Chapitre 17
Box Set
"Hatid na kita pabalik." Pinindot niya ang button ng automatic na payong na hawak.
"Sorry!" agap niya agad nang tumalsik sa mukha ko ang kaunting tubig ulan mula sa payong nang sumarado iyon.
Pupunasan niya na sana ang mukha ko pero inunahan ko na siya.
Antimanong kumunot ang noo ko. "Hinatid nga kita rito, tapos ihahatid mo ako pabalik?" Natatawa kong sabi.
Tumila na ang ulan nang makarating kami sa building nila. Madilim pa rin ang kalangitan. Basang-basa ang paligid at may mga ilan ng guro at estudyanteng lumalabas.
Kanina ay wala akong nakikitang ni isang guro o estudyanteng nagtangkang lumabas sa mga lungga nila at matapang na sumulong sa malakas na ulan. Tanging kaming dalawa lang ni Max ang nakagawa no'n.
Nakatayo na kaming dalawa ngayon sa walang taong classroom bago ang kanila. Parehas ng basa ang manggas ng mga suot naming jacket dahil sa tulo mula sa dulo ng mga payong namin. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil mukhang ayos na si Max dahil ngumingiti na siya at hindi katulad kanina na animo'y handang makipagbasag-ulo sa kung sino.
Inayos ko ang nanlalagkit ko ng buhok. Maging ang katawan ko sa ilalim ng uniform at makapal na jacket na suot ko ay nanlalagkit na rin dahil sa malakas na ulan kanina. Basang-basa na rin ang medyas ko sa loob ng suot kong black shoes. Mukhang uuwi akong may nangangamoy na paa. Huhubarin ko na lang siguro agad 'to pagbalik ko ng room.
Tinawanan niya lang ako. "Let's go, hangga't hindi pa ulit umuulan," tumingin siya sa langit at tinantya kung uulan na ba o hindi.
Umiling ako. "Hindi na, ako na lang ang babalik." Sinilip ko ang loob ng room nila. Medyo maingay ang mga kaklase niya dahil walang gurong nagbabantay.
"Let's go," binalewala niya ang sinabi ko.
Ilang sandali lang ay nadatnan ko na lang kaming dalawa na naglalakad pabalik ng room.
Hindi ko tuloy mapigilan matawa sa ginagawa namin. Para kaming tanga. Ang lakas ko pang mag-effort na ihatid siya, sumulong sa malakas na ulan, pagkatapos sa huli, ihahatid din pala niya ako pabalik. Galing.
"Salamat sa paghatid," aniya ng nakangisi pagkarating namin ng room.
Sobrang ingay na ng mga kaklase ko dahil mukhang nagsuspinde na ng klase.
Natawa ako. "Salamat sa paghatid," paggaya ko sa sinabi niya na mas lalo niyang ikinangisi.
Papasok na sana ako ng pintuan nang muli siyang magsalita.
"Please, Ram," napalingon agad ako sa kanya. Napatitig ako sa mga mata niyang mapungay na nakatingin sa akin.
Ilang sandali rin kaming nagkatitigan hannggang sa ngumiti siya. "Nevermind," umiiling siyang napayuko bago muling tumingin sa akin. "Pasok ka na," aniya.
Nagtataka man ay tumango na lang ako at ngumiti. Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagtalikod niya paalis. Nahuli ko pa siyang napahawak sa noo habang tila wala sa sariling naglalakad.
Sinalubong ako ng maraming tanong ng mga kaibigan ko. Walang katapusang kantiyaw at asar ang inabot ko nang ipaliwanag ko sa kanila kung bakit ako natagalan sa labas. Pangiti-ngiti na lang ako ng sarkastiko sa mga pinagsasasabi nila.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...