I dedicate this chapter for my gorgeous and my supporter friend, Abigail Joy Calison. Super salamat sa suporta! 💛💛💛
Chapitre 6
Suddenly
Huminga ako ng malalim. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at iniabot iyon sa kanang paa. Ang sakit na ng bewang ko pero hindi ako tumigil. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at mabilis na tumakbo papunta sa susunod na formation.
"Very good Ram!" Ani Ma'am Julien. That made me smile. Mas ginanahan tuloy ako dahil sa puring natanggap.
Last practice na namin ngayong araw. Bukas, elimination na ng Grade level namin. At kung palarin kaming makapasok sa top 3, diretso kami ng finals na magaganap na rin this week. Kalaban namin doon ang top 3 na mga nanalo rin ng bawat Grade level, from Grade 7 to Grade 12.
"Go Ate Ram!" May mga nagchicheer sa akin na mga Grade 7. Hindi sila pamilyar pero nginitian ko na lang.
Naramdaman kong unti-unting dumadami ang mga nanonood sa amin. Dahil huling practice na namin ito ngayon, sa covered court kami nagpapractice buong araw. Yes, hindi kami nagklase ngayong araw para lang sa practice.
Funny it is pero gano'n talaga. Competitive kasi sila pagdating pala rito.
As we did our final pose, kasabay no'n ang palakpakan ng mga tao. May kasama pa iyong sigawan na ang laman ay mga papuri. Nginitian namin ang mga taong iyon at pumunta na sa bleachers kung saan nakalagak ang mga bag namin.
Hindi lang kami ang narito ngayon. May iba ring estudyante ang nag-eensayo kaya salit-salitan kami sa paggamit ng court.
Pinagwater break muna kami Ma'am Julien at babalikan niya raw muna saglit ang klase niya. Kanya-kanya kami ng kuha ng sari-sariling tumbler para uminom.
"Si Moby boy!" Ani Java. Napatingin agad ako pero wala naman akong nakita.
Maya-maya ay narinig ko ang tawanan nila. "Ayieeee, inaabangan..."
Sinamaan ko sila ng tingin at inirapan. Kinuha ko ang face towel ko sa bag at nagpunas ng pawis. Habang nagpupunas ay narinig ko ulit na nagsalita si Java.
"Si Moby boy!" Aniya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. "Huy Ram, nandiyan nga si Max!" Kinalabit niya na ako.
"Tigilan mo nga ko!" Inirapan ko siya at iritadong iniwas ang balikat.
"Hi." Nanigas ako sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng mababang boses. Napatingin agad ako at halos lumuwa ang mata ko sa gulat.
"Hello, Moby bo---este Max! Hello!" Ani Daniel na halos madulas sa nickname na ibinigay nila sa kanya.
Binati rin siya ng iba pa na may bahid ng pang-aasar. Ngumiti lang si Max at tinanguan sila.
Inayos ko muna ang sarili ko at naglakad na papalapit sa kanya. Nakangiti niyang inabot sa akin ang paper bag na hawak. "Galing ako ng classroom niyo. Sinabi sa'kin ni Candle na nandito raw kayo." Aniya.
Hindi ako nagsalita at marahan lang na tumango. Nakita ko ang paglibot ng tingin niya sa mukha at leeg ko. Sigurado akong napansin niya ang pawis doon! Naiwan ko sa kinauupuan ko kanina ang bimpo ko kaya hindi ako makapagpunas.
Nagulat ako nang bigla niyang kuhanin ang paper bag na ibinigay niya. May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong kulay navyblue iyon na panyo. Inilagay niya iyon sa loob ng paper bag at muling inabot sa akin.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...