Chapitre 26
Majic Dryer
"Kailan pa, Max?"
Hindi ko napigilang magtanong pagkatapos ng mahabang katahimikan naming dalawa.
Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Kumuha siya ng malapit na armchair at hinila iyon sa harap ko.
"Anong kailan?" Tanong niya nang makaupo sa kinuhang armchair.
Nang mapansin niyang may kaunting pagitan sa aming dalawa ay inusod niya pa ang upuan hanggang sa magdikit na ang aming mga tuhod.
Napasinghap ako sa ginawa ni Max. Masyado na naman siyang malapit!
"N-No'ng nalaman mong may g-gusto ka sa’kin..." Halos pabulong kong sinabi.
"Hmm..." Napahawak siya sa kanyang baba na animo'y nag-iisip.
"Grade 7? No'ng nagkabanggaan tayo."
Nagulat ako roon. Grade 7?
"H-Huh?"
Inisip ko iyon ng mabuti. Tinignan ko siya at sinuri ang kanyang mukha, sinusubukan kong alalahanin kung nakita ko na ba siya noon. Ilang sandali pa ay unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Napahawak ako sa aking bibig nang maalala ko na si Max.
Punyemas. Siya nga 'yung nakabanggaan ko! 'Yung nahulog ako sa lupa!
"Oh..." umawang ang aking bibig at hindi ako makapagsalita. Napaiwas ako ng tingin.
Naalala kong inakala ko pa nga na repeater siya dahil sa sobrang niyang tangkad. Kung hindi pa iyon sinabi ni Max ngayon, hindi ko na iyon maaalala. Nag-init ang pisngi ko dahil sa mali kong akusasyon kay Max. Sobrang layo niya sa pagiging repeater.
"Yes..." Kinuha niya ang dalawa kong kamay at marahan na naman iyong hinaplos.
May kakaibang kuryente na dumaloy sa kalamnan ko na halos ikanginig ng aking panga.
"The moment you fall, I fall too," Sinabi niya iyon habang masuyong pinipisil ang aking mga daliri bago nag-angat sa akin ng tingin.
Napatitig ako sa mapungay niyang mga mata. Ilang minuto rin siguro kami na nasa ganoong lagay nang may bigla akong maalala.
"Ginawa mo rin 'to kay May?"
Sinabi niyang ginamit niya si May para malaman ang gusto ng isang babae. Kaya naisip kong siguro ay nagawa na niya ito kay May!
"Ofcourse not," mabilisan niyang tugon. "Ikaw pa lang ang babaeng hinarana ko, Ram---" bigla siyang natawa, "I mean pinagpractice-an," Tinignan niya ako sa aking mga mata. "...and ofcourse, ang tanging haharanahin ko pagdating ng araw." he now smiled.
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang mga banat niya. Kanina pa!
"M-Matagal kayo ni M-May?" Hindi ko mapigilan ang aking bibig sa pagtatanong. Nacucurios kasi ako.
"No."
Kumunot ang noo ko sa sagot ni Max.
June, noong birthday ko, sa akin sinabi ni Keith na may girlfriend siya. Kaya ang sabihin niyang 'No' sa tanong ko ay isang kasinungalingan! November na ngayon. Ibig sabihin ay limang buwan na sila o mas mahaba pa roon noong October!
"Sinungaling," bulong ko saka binawi ang kamay sa kanya.
Natigilan si Max ng ilang segundo bago natawa at muling kinuha ang mga kamay ko. Nagpumiglas ako pero hinigpitan niya ang pagkakahawak doon.
"Okay, okay," he chuckled. "Noong bakasyon."
Hah!
Muli kong sinubukang bawiin ang kamay ko pero hindi ako nagtatagumpay.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...