Chapitre 21

33 4 5
                                    

Chapitre 21 

Valora

Napatili ako nang bumagsak si Jon sa basang sahig. Nilapitan agad siya ni Max, hinawakan sa kuwelyo at isang malakas na suntok ang muling iginawad sa kanyang kaliwang pisngi.


Muling bumagsak si Jon sa baldosang sahig nitong palikuran. Nakita kong pinunasan niya ang dugong lumabas mula sa kanyang bibig.


Wala sa sariling bumaba ang mga mata ko sa sahig. Basag at basang cellphone ni Jon ang nasa paanan ko.


Narinig ko ang malalakas na pintig ng aking puso. Ang bawat pintig nito ay may kung anong kirot na ibinibigay sa akin.

Dahan-dahang umangat ang ulo ko kay Jon. Antimanong nagtama ang mga mata namin. 

Hindi ko alam kung totoo iyon ngunit nakita ko ang lungkot, sakit at pagsisisi sa kanyang mga mata.

He mouthed 'Sorry' bago siya muling suntukin ni Max.


"You fucking pervert!" 


Hindi ko namalayan ang pagtulo ng isang butil ng luha mula sa aking mga mata. Mabilis ko iyong pinunasan.


Hindi kami ganoon kalapit ni Jon. Yes, we are friends. Pero hindi ganoon kalalim ang pinagsamahan namin.

Pero importante pa ba 'yon?

Kailangan bang malalim ang relasyon mo sa isang tao para masaktan ka nila?

Hindi.

Lumunok ako ng mariin, pinoproseso sa aking isipan ang mga nangyayari.


How could he do this?


"T-Tama na," pigil ko kay Max nang makitang nagsisimula ng dumugo ang ilong ni Jon. Hindi siya lumalaban sa mga suntok ni Max. 


Dapat akong magalit.

Binastos niya ako. 

He videocall Rick habang nasa akin nakatutok ang camera niya sa loob ng cubicle na pinagbisihan ko.

But my heart just won't. 

It's beating, not angrily, but painfully.

At hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan!


"Max!" Biglang pumasok sina Java at Daniel. "Anong ginagawa mo!?" 

Mabilis na inawat ni Daniel si Max at inalalayan naman ni Java si Jon.


"What the hell did you do, Max!?" Pasigaw na sabi ni Java nang mapansing malala ang lagay ng mukha ni Jon.


"What the hell did I do? You're friend almost raped Ramina!" Muling sinugod ni Max ang nanghihina ng si Jon, mabilis siyang inawat ni Daniel.


Natigilan ang dalawa. 

"A-Ano?" 


"N-No!" Napatingin sila sa akin. Naramdaman ko ang biglang pagsikip ng aking dibdib.

"H-Hindi niya g-ginawa 'yon," hindi na ako makahinga ng mabuti.


"What are you talking about, Ram? I saw him, covering your mouth while pinning you on the wall!" Si Max.


"What?" Galit na nilingon ni Daniel si Jon.


"N-No! Hindi 'yun g-gano'n!" 

Nahihirapan na akong huminga at nararamdaman kong unti-unting ng naninigas ang mga kamay ko.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon