Chapitre 34
Notes
After that incident, hindi ko na siya kailan pa nilapitan o kinausap. Minsan ko siyang naabutan sa library na tila may inaabangan. Hindi ako tumuloy at nang kinabukasan ay ganoon pa rin at naroon siya, tumigil na ako sa pagtungo roon pagkatapos ng klase.
Ako:
Joaquin, sa court mo na ako puntahan. Nasa dulong bleachers ako, sa kanan.
Kahit pa may mga pagkakataong nakasasalubong ko siya, lagi akong umiiwas at hindi siya binabalingan. Kung kaya, lumilihis ako ng daan para lang hindi mapalapit sa kanya.
There was a time na sinubukan niyang lumapit sa akin. Kasama ko sina Candle at Daniel sa cafeteria. Bago pa ako makatayo at makaalis, nagsalita na siya.
"Please, let's talk," nakikiusap ang tinig ni Max.
Malamig ko siyang binalingan. Itinikom ko ang aking bibig at nagpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi ko na siya nilingon pa ulit kahit tinangka niya pa akong sundan.
"Huwag muna, MJ. Hayaan mo muna si Ram," narinig kong malamig na sinabi ni Candle bago na sumunod sa pag-alis ko.
"What you did is not good, pare," si Daniel. "Mas mabuti kung layuan mo muna siya."
Java: MJ can't do that
Candle: well, he did! At pwede ba java? Pakisabihan naman na wag muna siyang lumapit kay Ram!
"Huwag mo na ulit lalapitan ang lalaking iyon, Ram," umirap si Candle na nasa likod ko.
"He's an asshole," she uttered.
Ganun talaga siguro, 'no? May pagkakataon talaga na akala natin tama na ang panahon, tama na ang lugar at oras, tama na ang lahat.
Iyon pala, hindi pa o talagang... hindi mangyayari.
As I close the door of Joaquin's car, I sighed. Ngayong araw ang unang klase para sa pangalawang taon ko sa kolehiyo. I am now on my 2nd year in college.
At ngayong araw rin, sisimulan kong gumawa ng payapang school year na walang Max Jorinn Montehermoso na gugulo sa buhay ko.
⭕⭕⭕
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...