[June 13, 2020]
To the real Ramina, this story is for you! Advance Happy Birthday! Love you!😘🎂❤
Chapitre 1
Not Excited
"Kay daling lumipas ng panahon
Lahat tayo'y handa ng magtapos
Ang bawat aral na ipinunla
Ay yamang di mapaparam..."
Sa saliw ng awiting Awit ng Pagtatapos, nakisabay ako sa pagkanta. Hindi man ganoon kaganda ang boses ko, hindi ko na inintindi iyon.
"Paalam na sa'yo aming paaralan
Paalam na guro't kamag-aral
Paalam na sa'yo,
Paalam na sa'yo
Sinta naming paaralan..."
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. Pumikit ako habang dinadama ang awitin. Ang awiting aming huling aawitin, bago kami lumisan sa paaralang ito.
"Again, congratulations graduates! Magandang gabi!" Masayang deklara ng emcee.
Lahat kaming magkakaklase ay nasigawan sa saya. Sumigaw din ako ng sumigaw at tumawa pagkatapos. Nagtawanan kaming lahat at ilang sandali, ang bawat isa'y unti-unti ng nag-iyakan.
"Mamimiss ko kayong lahat!" Umiiyak na sabi ni Java.
"Same! Sana sa grade 7, tayo-tayo pa rin ang magkakaklase!" Si Jessica na umiiyak din. Nagtawanan kaming lahat ng bigla siyang tumawa na parang baliw.
"Ahhhh!!! Ayoko pang umalis sa school na 'to! Mamimiss ko kayo!" Hiyaw ni Daniel. Nagsitanguan kaming lahat at nag-iyakan.
"Ramina! Picture kayo ni Theo!" Narinig kong biglang hiyaw ng isa sa mga classmates ko. Pagkatapos no'n ay sabay-sabay na nag- 'ayieeeeee' ang mga kaklase ko. Nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan.
"Yieeeee! Picture raw kayo Ram! Bilis!" Asar sa akin ni Candle ng nakangisi. Napatingin ako sa kanya. Nadatnan kong nakangisi rin sa akin si Jana at nang-aasar ang dalawang mata.
Ngumiti na lang ako at wala ng nagawa dahil pursigido talaga silang lahat sa aming dalawa. Lumapit na sa akin si Theo na kinakamot pa ang batok, mukhang nahihiya. Nginitian ko siya at gano'n din siya sa akin.
Theo is my crush. Simula pa no'ng grade 4 kami, siya na talaga ang crush ko. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero ang cute niya kasi! Maputi siya, singkit at malakas ang dating. Matalino rin siya at mabait.
Hindi ko nga alam kung paano nalaman ng mga classmates ko. Nagulat na lang ako isang araw, inaasar na nila kami.
Matagal ko ng crush si Theo. Pero kahit gano'n, hindi ako komportable kapag talaga ganito. Ayoko ng inaasar sa harap ng maraming tao! Baka kasi mamaya isipin nila, ang bata-bata ko pa, ang landi ko na. Iyon pa naman ang kahinaan ko, ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin.
"Yieeeeeee!" Hiyawan nilang lahat habang pinipicturan kami. Sobrang hindi ako komportable kaya tingin ko, mukha akong natatae sa pictures!
"Congrats, Ram." Aniya pagkatapos kaming picturan.
"T-Thank you." Tugon ko at awkward na ngumiti. "Congrats din!"
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...