Chapitre 36

28 3 0
                                    

Chapitre 36

Again

"Sa counter na tayo magkita, okay?" Ani Mommy.

Tumango ako. "Sige po."

Tumango rin siya at umalis na. Bumaba ang tingin ko sa mga nakasulat sa listahan na binigay ni Mommy.

I sighed.

Sinimulan kong itulak ang pushcart. Nandito kami ngayon sa Puregold Plaza Cecilia ni Mommy. Ilang araw na lang bago ang pasko. Maraming tao ngayon dahil katulad namin, namimili rin para sa nalalapit na okasyon.

Kasama sana namin si Kuya Jericho, kaso may pasok siya. Si Kuya Race naman, siya ang naroon sa tubigan para pansamantalang mamahala. As usual, nasa resto si Daddy at kami lang ni Mommy ang namimili. Isasama sana namin si Ninang kaso walang mag-aalaga sa anak nila ni Manong Bert.

Yes, may anak na sila.

Hindi ko alam kung kailan ang kasal pero ang balita ko, next year ang plano nilang dalawa. 

At isa pa, bagong panganak lang din si Ninang kaya hindi siya masyadong pinapagalaw at pinapaalis na bahay ni Manong Bert. Malapit lang sa amin ang bahay nila.

Kumuha ako ng tatlong malalaking Eden. Inilagay ko iyon sa pushcart at muling sinulyapan ang hawak na papel.

"Mayonnaise..." Basa ko at humanap niyon. Nang makakita, kumuha ako ng dalawang mid-size na jar ng Lady's Choice.

Hinawakan ko ang handle ng pushcart at lumakad na ulit. Sunod ko namang hahanapin ay mga condiments. Marami ako nakasalubong na mga taong may tulak-tulak na mas malaking cart kaysa sa akin at punong-puno ang laman. Iniiwas ko ang sariling pushcart upang hindi mabangga.

Nang makarating sa Condiments section, hinanap ko na agad ang mga nakasulat sa listahan.

Kumuha ako ng toyo at suka. Kumuha rin ako ng paminta - durog at buo. Ilang seasoning at patis na rin. Medyo natatawa ako sa aking pinagkukuha dahil ito dapat 'yung mga rekado na mayroon na dapat sa bahay. Naisip ko na ubos na siguro kaya nilista ni Mommy. Napailing ako at nagpatuloy sa pagbasa at pagkuha.

"Ketchup," iginala ko ang mata. Nakita ko sa baba ang mga ketchup. Yumuko agad ako at kumuha ng dalawa. 

Mabilis akong napalingon nang makarinig ng maiingay na pagbagsak. Namilog ang mga mata ko sa gulat. Doon sa kaninang pinagkuhanan ko ng toyo at suka, kasalukuyang bumabagsak ang mga bote roon dahil sa pagkasira ng pinagpapatungan ng mga nito. At ang mas malala, may tao sa mismong tapat ng mga iyon! Bumabagsak sa kanya ang lahat ng nahuhulog!

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon