La Fin
(Wakas)"Here's your change, Ma'am," malapad ang ngiti niyang iniabot ang sukli sa babaeng estudyante.
"Salamat po," the student smiled back at her.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang estudyante hanggang sa makalabas ito. Inayos niya ang kuwelyo ng suot niyang kulay lila na polo at umayos ng tayo nang may panibagong customer na pumasok.
Hindi naman talaga siya ang nakatalaga sa cashier. Ngunit dahil hindi makakarating ang kaibigan niya, siya na muna ang pumalit rito.
It's fine for her. Wala naman siyang pasok ngayon at dahil waitress ang tungkuling niya rito, wala naman iyon sa kanya kung gawin niya rin ang cashier.
"Wow, ang daming tao ngayon, ah?" anang lalaking pumasok.
She laughed. "Oo, pagod na si Candle," aniya at nginuso ang kaibigang hindi magkandaugaga sa paghahatid ng mga order sa mga customer na naghihintay.
"Anong sa'yo?" muli siyang bumaling sa lalaki.
Ngumuso ang kaharap niya at nilibot ang tingin sa taas.
"'Yung usual ba?" she asked.
"Ayaw na ni Airah sa chocolate," anang lalaki. "Nakakasawa na raw."
Parehas silang natawa.
Sa huli, isang blueberry cheesecake ang binili ng lalaki. Hindi na ito nagtagal dahil sa susunduin pa raw niya ang anak.
"Mygosh!" antimano agad siyang napabaling sa kaibigan. "Pagod na ako!" inunat nito ang mga braso saka ibinaba ang tatlong tray sa harap niya.
"Nasaan na raw ba si Daniel? Palitan kayo 'diba?"
Candle sighed. "Ewan ko ba! Tinext na niya ako kanina na padating na raw. Eh five minutes na lang tapos na ako. Ah, ayokong magover time!"
Sabay silang napabaling sa pinto nang may biglang pumasok.
"What are you doing here?" tanong agad ni Candle.
Natawa ang lalaki. "Café ko rin 'to."
"Alam ko, my question is what are you doing here?"
Tumawa lang ulit ang lalaki. "Wala akong pasok ngayon, boring sa bahay kaya tambay na lang ako rito."
"Kapal talaga ng mukha mo, pampasikip ka lang dito!"
Like the usual, nagsagutan na naman ang dalawa at sa huli, ang lalaki ang tumatahimik. Natawa na lang siya sa dalawang kaibigan at napailing.
Antimano siyang napatingin sa cellphone nang tumunog iyon. Nang buksan, napangiti agad siya.
'Hey babe, nasa kotse na ako. Katatapos lang ng meeting. Kumain ka na?'
Nagtipa agad siya ng reply.
'Hindi pa. Uwi ka na? Ingat!'
Mabilis siyang nakatanggap ng sagot.
'I miss you...'
Napakagat siya sa pang-ibabang labi dahil doon. Magtitipa na sana siya ng muling irereply nang tawagan na siya nito.
"Hello?"
"Can I go there? Let's have lunch."
"Ha? Eh shift ko pa, mamaya pang alas-tres ang tapos ko."
Narinig niya ang malalim nitong buntung hininga.
"Fine, pero pupunta pa rin ako. I'll wait."
Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Sigurado ka? Wala ka pang tulog simula kagabi."
"Tss. Hindi rin naman ako makakatulog kung hindi kita katabi."
Napakagat siya sa kanyang labi dahil doon. Nang natapos na ang tawag ay napayuko na siya, nag-iinit na ang magkabilang pisngi.
"Ayos ka lang, Ram?" Java asked her.
Napaangat agad ang ulo niya. "H-Ha? Ah, oo." nag-iwas agad siya ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng kung anong mga papel sa harap niya.
Halos dalawampung minuto ang lumipas ay dumating na rin ang lalaki. Naghintay nga ito sa kanya at sinubukan pang tumulong sa pagseserve ng mga order. Napailing na lang si Ram dahil hindi ito nagpapigil. Alam niya kasing pagod ito galing ng trabaho. Madaling araw ito umalis kagabi patungo ng Manila at bumalik din para naman sa isang meeting.
"Sa condo na tayo maglunch," ani Ram nang makasakay na ng kotse.
"You'll cook for me?" humilig ang lalaki sa kianuupuan nito at tumingin sa kanya.
She smirked. Tumango siya rito na labis na ikinangiti ng lalaki. Masigla itong nagsimula sa pagmamaneho hanggang sa makarating na sila ng condo.
Matapos makapagluto ay sabay silang dalawa na naupo sa hapag. Hindi naman talaga siya ang ganap na nagluto, tinulungan siya ng lalaki.
Sa tatlumpung minuto nilang pagkain, napuno iyon ng kanilang pag-uusap. The two talk about each other's day. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ng lalaki na manood ng pelikula sa sala. Ayaw pumayag ni Ram dahil kahit hindi sabihin ng lalaki, dama niya ang pagod sa mata, mukha at kilos nito.
"Please..." the man pleaded. "I want to cuddle while watching. Mas makakatulog ako kapag gano'n," anang lalaki habang yakap siya.
She sighed. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag dito.
They watch a movie. Wala pang tatlumpung minuto ang pelikulang pinanonood nila, narinig na ni Ram ang mahinang paghilik ng lalaki. Natawa siya. Ang lakas nitong mag-aya, hindi naman pala kayang tapusin.
Maingat siyang tumayo at pumunta ng kwarto. Kumuha siya ng maayos na unan at kumot. Pagbalik ay nakahiga na ang lalaki sa sofa. Napailing siya rito.
Lumapit si Ram sa lalaki. Inayos niya ang pagkakahiga nito, nilagyan ng unan at kinumutan hanggang sa bewang. Pagkatapos niyon ay napatingin siya sa mukha ng lalaki.
A smile slowly etched on Ram's lips while staring at the most beautiful man she could ever saw. Tinagilid niya ang ulo at mas lalo itong pinagmasdan. Mas lalo siyang napangiti dahil ang himbing ng tulog nito.
"I love you, Ram..." narinig niyang mahinang sambit ng lalaki.
Napakagat siya sa kanyang labi. Kumalabog ang kanyang puso at muli na namang napangiti.
"I love you too, Max," bulong niya bago ito hinalikan sa noo.
⭕ • MrAndreya • ⭕
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...