Chapitre 24
Cupcakes
"Ano, Julianne? Tinuro ko na’yon, ‘diba?" Bahagyang tumaas ang boses ni Max.
Kakatapos lang ng dalawang magkasunod naming pag-eensayo after naming magpahinga pagkatapos maglunch.
Nasa kani-kanilang instrumento ang tatlo naming musikero, kinakausap sila ni Max na ngayo'y nakakibit ang balikat. Kunot ang noo at madilim ang mga mata.
Nakita kong napangiwi si Julianne ng palihim at hindi nagsalita. Nawala kanina sa tono ang paggigitara niya.
"Kuya Anton, anong nangyari?" Baling ni Max sa nasa kaliwa ni Julianne.
"Nalito ako," tugon ni Kuya Anton.
Umawang bibig ni Max at natawa. "Really?" Tunog sarkastiko iyon.
"Kuya Rence?" Baling niya sa pangatlo. "Ang sabi ko tatlong palo lang sa huling chorus!"
"Sorry, nahihirapan pa akong mag-agjust. Iba kasi ang turo ni Sir Aljur," sagot ni Kuya Rence na nakaupo sa beatbox.
Umawang na naman ang bibig ni Max roon. Tila hindi siya makapaniwala sa narinig. Nakita ko ang paninigs ng kanyang panga.
"Bakit parang kanina pa mainit ulo ni MJ?" Bulong ni Ate Atria na katabi ko sa bleachers.
"Baka LQ sila ng girlfriend niya," biro ni Ate Mitch.
Lahat sila, maging ako, ay ramdam na hindi maganda ang gising ni Max ngayong araw. Kanina pa siya mukhang badtrip. O hindi mukhang, badtrip talaga siya. Napakasuplado niya ngayon at walang kahit sinong makakausap sa kanya.
Hindi siya ngumingiti at laging tikom ang kanyang bibig. Magsasalita lang kung may maling nakikita o naririnig sa tatlo.
Madilim ang mga mata niya at diretsong-diretso ang pagkakatayo. At kung titignan mo ang kanyang mukha, gugustuhin mo na lamang na tumahimik.
Katulad ni Ate Mitch, ganoon din ang naiisip kong dahilan. Nag-away siguro sila ni May kaya siya badtrip ngayon. Wala rin kasi si May kaya nahinuha ko na iyon talaga siguro ang dahilan kung bakit ang init ng ulo ni Max. Napangiwi ako roon.
Mabuti na ring wala ang babaeng iyon, napag-isip-isip ko.
Masama ang ugali niya.
Plastic.
Maganda siya, matalino at mukhang mabait. Pero hindi pala. May itinatago siyang kasamaan ng ugali. Wala akong pinagsabihan sa nangyari. Hindi na rin naman 'yon importante dahil wala namang maganda sa ginawa at sinabi niya sa'kin kahapon.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...