Chapitre 23

35 4 4
                                    

Chapitre 23

Tissue

"Hi, I'm Max Jorinn," sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "but you can call me MJ," tumingin siya sa akin. 

"May isang tao na kasi na gustong-gusto kong tumatawag sa'kin ng Max." He smirked.

Kinunotan ko siya ng noo. 

"I'm looking forward for our practice," muli siyang tumingin sa akin. "Mukhang mag-eenjoy ako," ngisi na naman niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at kumapit na lang sa braso ng katabi kong si Ate Atria. Sinimulan siyang kausapin ni Ma'am Buendia sa kung anu-anong bagay na bilin ni Sir Aljur.

"I think our new coach likes you already," natatawang bulong ni Ate Atria.

Umiling agad ako. "Hindi, may girlfriend na 'yan."

Natigilan siya sa sinabi ko. "Oh... okay..." Napatangu-tango siya.

"But, uh, Ma'am? Pwede ko po ba munang mapanood ang full performance?" Request ni Max. Lihim ako napairap doon. 

"Ofcourse," ngiti ni Ma'am Buendia. Pinapwesto niya na agad kami sa taas ng stage. 

Nanatili silang dalawa sa baba. Nang tignan ko siya ay nahuli ko ang mata niya sa akin. Inirapan ko agad siya at umayos ng tayo.

"Ako'y isang batang nangangarap,

May talentong sa paghubog magiging ganap

Nakaukit na sa puso't isipan,

Balang araw, ako'y kikinang..."

Si Java ang bida namin. Solo niya ang unang verse. Hanggang sa matapos kami sa pagsayaw habang umaawit ay patango-tango lamang si Max. May ilan siyang sinasabi kay Ma'am Buendia na ikinatatango naman ng huli.

Madalas na magtama ang mga mata namin. Kapag nangyayari iyon ay mabilis akong nag-iiwas ng tingin.

"Hmm... maganda," komento ni Max at tumingin kay Ma'am Buendia. 

"Kailangan na lang siguro Ma'am na bilisan ng kaunti, para mas masiglang pakinggan," aniya.

"Yeah," Julianne agreed. "'Yan din talaga ang problema namin, we're having a hard time speeding up the music. Nahihirapan kaming tantiyahin."

Napanguso si Max. "Hmm, kaya nating gawan ng paraan 'yan." Inilibot niya ang tingin sa amin. "Who's playing the piano?"

"Me," si Kuya Anton.

Max nodded. Tinawag niya rin ang dalawa pa, si Julianne at Kuya Rence. May mga tinanong siya sa mga ito. Pagkatapos ay ilang sandali lamang ay umakyat silang apat sa stage. Pinapwesto ni Max ang mga ito sa mga intrumentong tinutugtog.

Nakamasid lang kaming mga natira sa baba sa kanya. May kung anong sinabi si Max sa kanila bago siya nagsimula.

"Okay," itinaas niya ang kaliwang kamay, animo'y kukumpas. 

Bigla siyang lumingon sa amin. "Sing the chorus part," aniya.

Tumango silang lahat.

"1, 2... 1, 2, 3 and..." Kasabay ng pagkumpas ng kanyang kamay ay ang pagsisimulang pagtugtog ng tatlo at pagkanta namin.

"Sama-sama tayo sa paghubog ng bawat isang pangarap,

Talento ay ating ipamalas, ipagmalaki sa lahat..."

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon