Chapitre 16
Rain
Tulala akong nakikinig sa EsP teacher namin. Katulad ng unang subject kanina, tila nasa ibang planeta ang utak ko. Wala akong maintindihan sa sinasabi ng guro namin sa harap.
Dumako ang tingin ko sa katabi kong bintana. Napapikit ako nang may umangging tubig sa mukha ko. Tumayo agad ako at isinarado ang jalousie na bintana na iyon. Pagkaupo ay doon na natuon ang mga mata ko.
Mula sa aking kinauupuan, natatanaw ko ang langit na natatakpan ng madidilim na ulap. Tila galit na galit ang mga iyon na animo'y kaaway ang lupa dahil sa dami ng ibininabagsak nitong tubig ulan, sunod-sunod at walang patid.
Malakas ang mga iyon na bumabagsak sa bubong ng classroom namin na siyang kumakalaban sa mahinhin na boses ni Ma'am Cabarena.
Maganda naman ang topic na dinidiscuss niya ngayon pero kanina pa lumilipad ang utak ko.
Inakala naming wala ng pasok kaming mga panghapon dahil sobrang lakas ng ulan kaninang umaga. Kaso humina iyon ng mga bandang alas-nuebe kaya tuloy ang klase. Sa ngayon, medyo malakas pa rin ang ulan pero pabugso-bugso na lamang.
Sinabayan pa ng malakas na hangin na siyang dahilan kung bakit halos lahat kaming magkakaklase ay may jacket na suot.
Kadarating lang daw ng bagyo kaninang madaling araw ayon sa balitang napanood ko kaninang umaga sa TV. Medyo malapit sa central Luzon kung saan nagland ang bagyo kaya ramdam iyon dito sa lugar namin. Signal number 1 pa lang kaya siguro hindi pa nagsususpinde. Kapag Signal number 2 raw kasi, automatically, suspendido na ang klase.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang humangin ng malakas.
Dahil nasa second floor ang classroom namin, ramdam na ramdam ko ang lakas ng hangin. Sobrang lamig no'n na halos manginig ako.
Niyakap ko ang aking sarili.
Buti na lang at medyo makapal ang sinuot kong jacket. Kulay brown iyon at tatlong malalaking butones ang nagsasara sa gitna.
"Ang tagal namang magsuspend," si Daniel sa likod namin. Isang grey sweatshirt ang suot niya at bored na nakasandal sa kanyang inuupuang armchair pagkatapos ay yuyuko pagkatapos ay muling sasandal pagkatapos ay yuyuko ulit. Kanina pa siya hindi mapakali at uwing-uwi na.
"Edi umuwi ka na," komento ng katabi ni Daniel. "magcut ka ng class, gano'n." Pandedemonyo ng nakangising si Java sa kanya na isang navy blue na cardigan ang suot. Hindi niya iyon binutones kaya nakikita ang puti niyang polo na may logo sa bulsa at ID sa kanyang leeg.
"Sige, basta sasama ka," hamon ni Daniel na ngayo'y nakayuko na.
"Ma'am, may nagbabalak po rito na magcut ng cla---"
"Baliw!" Agap ni Java.
"Candle!" Mabilis na umangat ang ulo ni Daniel.
Sabay nilang pinutol ang pagsusumbong ni Candle. Tinawanan lang silang dalawa ng gaga at muling humilig sa balikat ng katabing si Jana sa harap namin.
"Ano na kayang signal natin ngayon?" Tanong ng katabi ni Elle na nasa tabi ng katabi kong si Gera. "Sana signal number 6 na!" Hoping ang boses na sabi ni Janus.
"Gago!" Natatawa nilang komento sa sinabi ni Janus na tumawa lang sa reaksyon nila sa sinabi niya.
"Nagugutom na ko, hindi pa ba recess?" Tanong ni Elle pagkatapos ay palihim na binuksan ang cellphone niya sa bag para tignan ang oras. Napabuntung hininga siya bago muling ibinalik ang cellphone sa loob ng bag niya at zinipper iyon. "Isang oras pa," nanghihina niyang sabi. "May pagkain ba kayo diyan?"
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...