Chapitre 39
A Very Beautiful Twist
"Max Jorinn!"
It was Dad. He was shouting.
"Po?" Bumaba agad ako hagdan. Papasok na sana ako ng kwarto para magbihis kung hindi niya lang ako tinawag.
"What happened to your grade in Math?! Bakit 97 lang?!" sigaw niya habang bumababa ako at galit akong tinitignan
Again and again and again. He was never satisfied. Hindi pa ba mataas ang 97?
Ngayong araw ang kuhaan ng report card namin. I am on the top of our class. Na kina Lola si Mommy kaya si Daddy na muna ang kumuha. Ang akala ko mabuti iyon dahil minsan lang magpunta si Dad ng school. Ngunit sa sigaw niya ngayon, parang hindi.
"What's wrong with 97, Dad? Isn't that high---"
"You're highest grade is 100! How come na hindi ganoon ang Math mo?"
Dad is very, super, undeniably strict and insatiable when it comes to my academics. He always wants me on top at ayaw na ayaw niya ng grade na bababa sa 97. Well, I'm used to it. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mainis. Hindi pa ba mataas 'yun?
"And what is this?" Nilabas niya ang report card ko sa envelope at ipinakita iyon sa akin. "You have a 96?!"
That was MAPEH. Hindi kasi ako nakapagpasa ng isang painting dahil sa sobrang abala sa isang Science experiment.
Napapikit na lang ako at hindi nagsalita.
"You're grounded," Dad said with a tone of finality.
"What?!" Mabilis ako napatingin sa kanya.
Grounded for him means no cellphone, no laptop, no computers, no iPad, no everything! Kahit ang paglabas ng bahay tuwing weekends kung kailan lang ako nakakagala, bawal din!
"Dad! Ngayon lang naman ako nagkaganitong grade. And it's MAPEH! It's not a major subject!"
Ibinalik niya ang card sa envelope. "Even so. You're still grounded. Wala ka ring driver. Maglakad ka papunta ng school mo." Sabay akyat ng hagdan at iniwan ako roon.
Napaawang ang aking bibig at halos hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Dad.
He's kidding me!
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Mommy.
"Hello, ijo--"
"Mom! Ginrounded ako ni Daddy!" Sabi ko agad.
"Oh? Bakit?"
"I have a 96 on my card. But it's MAPEH! It's not a major subject!"
I heard my Mom sighed. "Oh sige sige, kakausapin ko ang Daddy mo mamaya. Papaluin natin 'yan."
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi ni Mommy.
"Yes, Mom. Spank him!"
I'm just a Grade 6 student.. Maraming nagsasabi na ang utak ko ay hindi tugma sa kung anong edad at level ko. Mula pagkabata, my Dad always train me on everything. Studies, sports, music, everything. Hindi niya naman ako pinipilit na gawin ang lahat ng gusto niya. Bukal naman sa loob ko ang mga pinapagawa ni Dad. At siyempre, ginagawa ko rin iyon dahil gusto ko silang dalawa ni Mommy na maging masaya at proud sa akin.
They are very supportive to me.
Idol ko si Dad sa lahat ng larangan. Bukod sa siya ang nagturo ng lahat ng kaya ko ngayon, siya rin ang nagturo ng mabuting asal sa akin. Silang dalawa ni Mom.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...