Chapitre 22

25 4 0
                                    

Chapitre 22

 

Two Timer

"Happy birthday Ram!" bati nina Gera, Janus at Candle. Kararating lang ng tatlo at may kanya-kanya silang nakasukbit na backpack sa likod.

"Thank you," ngumiti ko at nakipagyakapan sa kanila.

"Dale?” boses iyon ni Kuya Jericho. “Dale right?" lumabas siya sa loob ng bahay na nakataas ang isang kilay sa tinatawag.

"Yes, sir!" Aktibong tugon ni Dale. Tumayo agad siya sa kinauupuan at hinarap si Kuya.

"Java," lumingon si Kuya sa loob ng bahay.

Mabilis na nagpakita ang lalaki. "Bakit Kuya?" Tanong ni Java, aktibo rin katulad ni Dale.

"Samahan mo siya sa tubigan," bumaling siya kay Dale, "kayong dalawa ang kumuha ng mga gallon. Bilis," utos ni Kuya sa maawtoridad na tono.

Mabilis na tumalima ang dalawa at sabay na bumaba ng terrace at tumungo sa tubigan.

"That's 6 gallons!" Habol ni Kuya Jericho.

"Opo!" Sabay na tugon ng dalawa.

Today is June 15, Saturday. Dalawang araw makalipas ng kaarawan ko. May pasok no'ng 13 kaya ngayong araw pa lang namin isasagawa ang selebrasyon. Patungo kami ngayon sa isang private resort.

"Happy birthday!!!" Maingay na bati ng mga bagong dating kong mga kaklase.

This birthday swimming was supposedly for Valora, only. Pero naisip kong isama na rin ang ilang mga malalapit na kaibigan na mga kaklase.  Dahil... bakit hindi?

Isa-isa kong niyakap sina Russel, Gail at Julianne. Kompleto na kami. Nandito na ang Valora at ang tatlo na lang na kararating ang hinihintay namin na dumating sa mga inimbitahan kong kaklase.

Max's friends are already here also. Maliban sa kanya. Hindi siya makakasama dahil may family gathering daw sila sa Lola niya sa Mother side. Bahagya akong nadismaya roon. Pero sa huli, hinayaan ko na lang dahil nandoon naman ang iba at wala naman akong magagawa.

"Let's go!!!" Sigawan nila nang magsimula nang umandar ang inarkila naming jeep patungo ng El Marfin Private Resort and Pavilion.

⭕⭕⭕

Nahirapan akong magpaalam kina Kuya Race lalo na kay Kuya Jericho sa mga lalaking gusto kong isama. But then, dahil magaling akong magpaawa sa kanila at kaarawan ko naman, napilit ko rin silang dalawa.

Ngunit ngayon, mukhang ito ang plano nila kaya nila ako pinayagan na isama ang mga kaibigan kong lalaki.

Ang gawing kargador ang mga ito.

"Stop it, Ram! Hayaan mo sila!" Sita sa akin ni Kuya Jericho nang subukan kong tulungan si Adam sa pagbubuhat ng malaking kaldero.

"I'm fine, Ram. I can do this," ani Adam at saka muling iyong binuhat.

"1 2 3!" bilang ni Russel at sabay nilang binuhat ni Dale ang malaking asul na cooler papasok ng gate.

"Java, tulong dito!" Narinig kong sigaw ni Joaquin sa labas. 

Lahat kaming babae ay nasa loob na. Samantalang lahat ng mga lalaki ay inutusan ni Kuya na ilabas ang lahat ng pagkain at gamit sa sinakyan naming jeep papasok dito.

"Ito na, sandali!" Tugon ni Java bago ibinaba sa harap namin ang dalang galon ng tubig.

"Hindi 'yan diyan, Java." Puna ni Kuya Jericho. "Doon," itinuro niya ang maliit na hall na may mga bakal na rehas.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon