Chapitre 14
How to know if you like someone?
"Did you just kiss her?" Nakakuyom ang kamao ni Kuya nang itanong niya iyon. Ramdam ko ang galit sa boses niya.
"Hindi!" Tanggi ko agad. "Hindi niya ako hinalikan, K-Kuya," Nataranta ako. Inawat ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kanang braso.
Tumuon sa akin ang kanyang mga mata. "Stop fooling me, Ramina. Nakita ng dalawa kong mata kung gaano kayo kalapit kanina!" Naitikom ko ang aking bibig sa bagsik ng boses niya. Muli niyang tinignan si Max na kalmado pa rin ang hitsura hanggang ngayon.
"Ikaw ang naghatid sa kanya no'ng isang gabi, tama?" Tanong ni Kuya, dahan-dahan ito ngayon ngunit sobrang lutong na tila bumibigkas siya ng sunod-sunod na mura.
"Opo," tugon ni Max at bumaling sa akin. Doon ko napansin na kaunti lang pala ang agwat ni Kuya sa kanya, mas matangkad ng kaunti si Kuya Jericho kay Max.
"Are you courting my sister?" Walang pasubalit na tanong ni Kuya na ikinalingon ko agad sa kanya.
Ligaw na naman?! 'Diba sinagot ko na siya tungkol diyan?!
Sabay-sabay naming nilingon ang kung sinong biglang tumikhim. Nagulat ako nang makitang nakalapit na pala sa amin ang librarian nang hindi namin namamalayan. Nakataas ang isang kilay nito at matalas ang tingin sa aming tatlo.
Hindi ko na hinintay ang bulyaw sa amin ng librarian at mabilis ko ng niligpit ang mga gamit na nasa lamesa. Natataranta pa ako dahil sobra akong kinakabahan sa maaaring gawin ni Kuya. Tinulungan ako ni Max sa ginagawa. Inabot niya sa akin ang notebook ko nang pigilan siya ni Kuya.
"Stop helping her, kaya niya 'yan." Supladong pigil ni Kuya.
Walang nagawa si Max kundi tumigil sa pagtulong sa akin. Narinig ko ang kalmado niyang buntung hininga at niligpit na lang ang sariling gamit.
"Sorry, Ma'am." Yumuko ako sa librarian na nasa harap pa rin namin. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil nauna ng maglakad si Kuya papunta sa desk kung nasaan ang logbook.
Habang nagsusulat ay bigla siyang nagsalita. "So matagal niyo ng ginagawa 'to, huh?" Sarkastikong aniya habang nasa logbook ang mga mata at inililipat-lipat ang pages nito. Siguro'y nakita niya ang pangalan naming dalawa ni Max na laging magkasunod bawat araw at parehas pa ng time in.
"One month? Really?" Aniya at tinaasan ako ng kilay. Napayuko ako at sumunod na sa pagsusulat.
Hindi bumagal ang pintig ng aking puso hanggang makalabas na kami ng library. Bumaba kami ng building na iyon at tumigil lamang nang makarating malapit sa plant box sa harap lamang ng gusali na aming pinanggalingan.
Hawak ako sa pulsuhan ni Kuya nang harapin niya si Max na nakasunod sa amin. Hindi nagbago ang dilim ng mukha niya habang nakatingin kay Max.
Napatili ako nang bigla akong bitawan ni Kuya at lumipad ang kanyang kamao sa kaliwang pisngi ni Max. "That's for taking advantage of my sisiter." Galit na sabi ni Kuya. Bahagyang napaatras si Max sa kinatatayuan niya at napabaling sa gilid.
"Max!" Lalapitan ko na sana siya nang pigilan ako ni Kuya. Nagpumiglas ako sa kanya pero hindi niya ako pinakawalan. Sinamaan ko siya ng tingin bago bumaling kay Max.
Hawak na niya ngayon ang kanyang panga. Dahan-dahang umangat ang kanyang mukha at antimanong nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makitang may kaunting dugo ang gilid ng kanyang kaliwang labi.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...