This 5 chapters is for my friend, RBDR. Advance Happy Birthday ulit! Haha. Ito na lang muna gift ko sa'yo. Lovlots❤
Chapitre 5
Moby Boy
"Bastos kang gago ka, ah? Inaano ka ba ni Gera, ha?!" Galit na sigaw ni Java kay Nicholai. Sinabihan na naman kasi ng lalaki si Gera ng kung anu-anong masasakit na salita. Nagalit si Java at Daniel.
"Shut up you faggot." Tugon ni Nicholai. "Ikaw ba ang sinasabihan ko? Hindi! So you better shut the f*ck up---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sinuntok na siya sa pisngi ni Daniel. "Wala kang modong hayop ka!" Sigaw ni Daniel.
Bahagyang napaatras si Nicholai sa kinatatayuan. Napahawak siya sa kanang pisngi. Dahil maputi siya, kitang kita ang agarang pamumula no'n.
Wala ang mga kaibigan niya ngayon. Ako, si Gera na umiiyak at yakap ni Candle at Janus ang narito. Nasa tapat kami ng CR ngayon.
Ilang sandali ay napatili kami nang sugurin ni Nicholai si Daniel at Java. Sinipa niya sa tiyan si Java at sinikmuraan naman si Daniel. Tila sanay sa pakikipagsuntukan si Nicholai dahil sa lakas at gilas nitong umatake. Ang atake niya ay ang siyang nagpatumba sa dalawa naming kaibigan ng gano'n kabilis.
"Tama na!" Sigaw ni Gera. "Tumigil ka na, pwede?!" Dagdag niya pa sa galit na tinig.
Nakita ko ang pagkatigil ni Nicholai at pagbaling niya kay Gera. May kung anong emosyon ang dumaan sa mata nito pero nawala rin iyon agad. Sinamaan niya ng tingin sina Java at Daniel na parehas na hawak ang tiyan bago tumalikod at lumakad paalis.
"Napakasama talaga ng ugali niyang Nicholai na 'yan!" Iritadong ani Janus.
"Okay ka lang, Gera?" Tanong ni Candle.
Pinunasan ni Gera ang basa niyang pinsgi at saka marahang tumango. "Ayos na a-ako." Aniya at saka lumunok ng mariin. "B-Balik na tayo ng room."
Kanina pa natapos ang recess. Walang masyadong dumadaang tao sa lugar na iyon nang mangyari ang nangyari kani-kanina lang. Pinakalma muna namin si Gera bago kami pumanhik pabalik na ng room.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Hannah. "Kanina pa tapos ang recess ah." Aniya. Katulad ni Hannah, gano'n din ang tanong nina Elle at Jana.
"Sa canteen. Sinabihan na naman ng kung anu-ano ni Nicholai si Gera." Ako ang tumugon sa kanila. Mabuti at wala pa ang guro namin sa subject na iyon, hindi kami napagalitan kahit late na kaming pumasok.
"Eh anong nangyari sa dalawa?" Kunot-noong tanong ni Elle, nakaharap kina Java at Daniel. "Natatae ba kayo?"
Hindi sumagot ang dalawa. Hanggang ngayon, iniinda pa rin nila ang sakit ng kanilang sikmura.
"Sinikmuraan sila ni Nicholai." Si Candle ang sumagot.
"Oh?!" Gulat nilang nasabi.
"Eh nasaan si Nicholai?" Tanong ni Hannah. Dumako ang tingin ko sa upuan niya. Wala siya roon.
"Baka nasa impyerno na." Sagot ni Java, nakahawak pa rin sa tiyan. Mahina siyang hinampas ni Candle sa braso at sinamaan ng tingin.
"Ram! Tawag ka ng boyfriend mo!" Biglang sabi ng isa kong kaklase. Kaagad na kumunot ang noo ko at bumaling sa kanya.
"Ano?" Medyo inis kong tugon. Napatingin na rin ang mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...