Chapitre 9

62 6 1
                                    

Chapitre 9

Plaza Cecilia

Dahil friday ngayon, siyempre, saturday na bukas. Napangiti ako bigla. Pagkatapos ng mahabang panahon, magi-sleep over ulit kami sa bahay. Excited na talaga ko!



Kay Ninang ko unang sinabi ang mangyayari bukas pagkatapos na pagkatapos akong payagan ni Mommy. Katulad ko ay naexcite rin siya dahil matagal na raw nang huli niyang makita ang mga 'yon.



"Talaga?! Sige, sige. Ipagluluto ko kayo!" Excited na aniya.



Noon kasi, tuwing nagi-sleep over sila sa bahay, si Ninang lagi ang nagluluto ng pagkain namin. Siya rin lagi ang tumutulong sa pagliligpit ng mga kalat.



Hindi namin siya katulong. Pinsan siya ni Daddy at nakatira siya sa compound namin. Ninang ang tawag ko sa kanya dahil Ninang ko talaga siya. Simula noong bata ako, mas bata sa ngayon, iyon na ang nakasanayan naming itawag na magkakapatid sa kanya.



"Kasama si Candle?" Napalingon ako sa tanong bigla ni Kuya Race. Nasa likod ko na siya, mukhang narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Ninang.



Umirap ako. "Malamang."



Antimanong kumunot ang kanyang noo. "Anong malamang?"



"Siyempre, kasama!" Tugon ko.



Sumilay ang malapad na ngiti sa kanyang labi. Inirapan ko na lang siya ulit.



Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Hindi ako nagpanic dahil 4pm pa naman ang dating nila.



Pagdating nila mamaya ay pupunta kami sa Puregold sa Divine para maggrocery ng mga kakainin namin mamaya at kinabukasan. Sinabi ko nga na 'wag na dahil may stock naman kami sa bahay. Hindi sila pumayag dahil nakakahiya naman na raw kung makikitulog na nga sila, makikikain pa.




Daniel: guys, otw na me

Candle: oa mo naman @Daniel Panaligan alas dos pa lang

Daniel: practice lang bakit ba



Natawa ako sa nabasa.



Janus: dito na ko kila gera. San na kayo?

Hannah: seryoso?!

Janus: oo

Janus: *insert photo*


Napaawang ang labi ko nang makita ang picture. Naroon na nga si Janus. Picture ni Gera na nagtitinda ang sinend niya. Palibhasa, malapit lang ang bahay niya sa kanila.



Janus: guys!!!!! may isesend ako!!! Sure akong magugulat kayo dito



Antimano ang pagkunot ng noo ko sa nabasa. Hinintay ko ang sumunod na mensahe ni Janus.



Janus: *insert photo*



Mas lalong kumunot ang noo ko at nagtaka na rin nang makita ang sinend niya.



Java: anong ginagawa ng gagong yan kila gera?!

Daniel: wtf?! Bat nandyan yang nicholai na yan?!




Picture iyon ni Nicholai na nakaharap kay Gera at nakalahad ang kamay na may hawak na isang daan. Napapagitnaan sila ng mga maninipis na bakal na nagsisilbing haligi ng tindahan.



A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon