Chapitre 4
Not Important
Mabilis ngunit masaya ang isang linggong dumaan. Sa loob ng isang linggong iyon ay parati kong suot ang malapad na ngiti sa pagpasok. Dahil alam kong pagpasok ko ng school ay makakasama ko na naman ulit ang mga kaibigan ko. Natatapos ang araw ko ng masaya at sobrang positive.
I wish na sana, ganito na lang palagi.
"Nasaan na si Daniel?" Tanong ni Java galing ng canteen. Maaga kaming pumasok ngayon dahil ngayong araw ang unang practice namin para sa Zumba Dance Competition na mangyayari next month.
"Wala pa." Tugon ko. "Nagchat na siya sa akin kanina, malapit na raw siya."
Nagpasya kami na mauna na sa room ni Ma'am Julien. Fourteen na kami at si Daniel na lang ang kulang.
Fifteen ang maximum na members para lumaban. Ako, si Janus, Hannah, Java, Gera, Daniel at siyam pa na iba pa naming kaklase ang mga kasali. Hindi sumali ang tatlo; sina Candle, Jana at Elle. Hindi kasi sila mahilig sumayaw.
Sexy dance lang daw ang kaya nila, sabi ni Elle. Natawa kami roon.
"Goodmorning, Ma'am!" Sabay-sabay nilang bati kay Ma'am Julien nang makapasok na kami sa room niya. Ngumiti lang ako at pinagmasdan silang masayang nag-uusap.
Ang alam ko, sila ang nagchampion last year. History pa nga raw iyon dahil sila ang kauna-unahang first year na nanalo sa contest. Natalo nila ang ibang grade level na mas matataas sa kanila.
"Oh, Ramina! Kasali ka pala?" Ani Ma'am nang mapansin niya ako sa gilid. Kilala ko na si Ma'am, elementary pa lang ako. Kaibigan kasi siya ni Mommy.
Ngumiti ako. "Ah, opo Ma'am." Tugon ko. Kinausap niya ako saglit bago siya muling bumaling sa mga kasama ko.
Nasabi sa akin Java na kung hindi raw kay Ma'am Julien, hindi naman talaga raw sila mananalo last year. Siya raw kasi ang tumulong at nagturo sa kanila. May anak siya na kaklase namin kaya siguro last year ay tinulungan sila nito at ngayon, gano'n ulit.
Dumating na rin si Daniel. Una'y kinausap muna kami ni Ma'am Julien at nagplano sa mga gagawin. Nagset kami ng ilang kanta na siyang ireremix para maging tugtog namin. Si Java na ang nagpresintang mag-remix dahil marunong naman daw siya.
Naubos ang tatlong oras namin sa pag-iisip at pagpaplano. Nang oras na para pumasok, sabay-sabay na kaming bumalik. Hindi namin dala ang mga bag namin dahil iniwan namin iyon kanina sa tapat ng room.
"Sa'n kayo galing?" Tanong ni Candle nang makarating na kami. Si Gera ang sumagot sa kanya.
"Practice? Eh bakit hindi kayo pawis?" Tanong niya ulit.
"Fresh kasi kami lagi, hindi pinapawisan." Biro ni Java. Natawa kami sa kanya.
Napangiwi si Candle. "Oo. Tapos ikaw, pabulok na."
Napanganga kami sa banat ni Candle. Ilang sandali ay sabay-sabay kaming tumawa. Hilig niya talagang mambara, lalo na kay Java.
Hindi sumagot si Java at sinamaan lang ng tingin si Candle. Mabuti at hindi pikunin itong si Java. Nakangiti lang palagi at tatawa-tawa lang. Hanggang sama lang siya ng tingin at hindi gumaganti.
Siguro dahil babae si Candle? Hindi ko alam.
"Hi Ram!" Biglang sumulpot sa harap ko si Rick. Nakasukbit sa kanyang kanang balikat ang pula niyang bagpack at malapad ang ngiti sa akin.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...