Chapitre 20
Palikuran
"Sinong mga kasama mo?" Tanong ni Kuya Jericho nang magpaalam ako tungkol sa biglaang plano namin, sakay kami ng motor niya pauwi ng bahay.
Hinawakan ko ng maigi ang buhok ko dahil sa marahas na hanging tumatama sa amin, medyo mabilis ang patakbo ni Kuya.
"Sila lang din, Kuya. 'Yung mga kaibigan ko lang," tugon ko, medyo malakas dahil sa ingay ng makina ng motor.
Wala kami masyadong nakakasalubong na ibang mga sasakyan dahil sa liblib itong daan patungo ng bahay.
Natahimik si Kuya. Sigurado akong pinag-iisipan na niya ang paalam ko. Medyo kinakabahan ako dahil baka hindi siya pumayag!
Naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang balikat at muli nitong pagbalik sa dati, hudyat ng kanyang malalim na pagbuntong hininga. "Alright." Napangiti agad ako. "Hanggang anong oras?"
"Maybe 7 or 8?"
"6."
Kumunot ang noo ko roon. Napatingin ako sa suot kong relo at nakitang quarter to 3 na. Ibig sabihin, may tatlong oras na lang ako para roon!
"8 na lang Kuya---"
"6."
Napasimangot ako roon. "Sige na, Kuya! Please? Minsan lang naman..."
Hindi siya nagsalita. Naramdaman ko na naman ang pagbuntung hininga niya saka sinabing, "Fine. 7:30. 'Wag mo ng kontrahin o hindi kita papayagan." Supladong niyang wika.
Napangiti agad ako roon. Atleast, 7:30! Ayos na 'yun!
Naramdaman ko ang pagkagulat sa kanya nang bigla ko siyang yakapin. "Thank you, Kuya!" Hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang saya na nararamdaman.
"Tsss. Nagiging sweet ka lang sa akin kapag nagpapaalam ka." Suplado na naman niyang sinabi.
Nagulat ako roon pero tumawa na lang sa huli at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya.
Pagkarating namin ng bahay ay bumaba na agad ako at hinanap si Mommy. Napangiti ako ng pumayag siya kaagad nang magpaalam ako. Sinabi pa niya na siya na raw ang bahala kay Daddy kaya mas lalong lumapad ang aking ngiti.
Bakit parang ang swerte ko today?
Hindi na ako nakapagpaalam kay Kuya Race dahil wala pa siya sa bahay. Siguro ay may sarili rin silang gala kasama ang mga kaibigan niya kaya hindi pa umuuwi.
"Ako ng magsasabi kay Race," ani Kuya habang may pinagpipindot sa hawak na cellphone. Tumango ako ng nakangiti at nagpasalamat.
Hinagilap ko na agad ang mga kakailanganin ko para mamaya pagpasok ng kwarto. Nilagay ko rin ang instax na regalo sa akin ni Mommy noong nakaraan, advance gift niya raw sa akin sa Christmas, sa pink backpack na dadalhin ko.
Habang inilalagay ang mga damit na nakuha sa closet ko, nahagip ng aking mga mata ang regalo ni Max na nasa gilid lang ng kama. Sa pagmamadali ay mukhang doon ko na lamang iyon nailagay.
Tinapos ko muna ang pag-aayos ng gamit bago iyon dinampot. Naupo ako sa kama at maingat iyong binuksan.
Unti-unting nanlaki ang mata ko nang mabuksan ko ang box. Pink na mukhang mamahaling relo ang bumungad sa akin. May diamonds pa iyon sa paligid ng bilog na salamin ng wrist watch at mukhang legit ang mga iyon kung titignan ng malapitan!
Namamangha ko iyong kinuha. Pinagmasdan ko ang kagandahan nito. Manghang-mangha ako habang tinitignan ang relo nang may biglang pumasok sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...