Chapitre 33

32 3 0
                                    

Chapitre 33

Kiss

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik ng condo ni Candle. Basta ang alam ko, para akong lumulutang habang sabay kaming naglalakad pabalik.

Wala pa si Candle. Nakasandal ako ngayon sa pintuang kasasarado ko lang. Kahit hindi ko nakikita, alam kong nasa labas pa siya. 

Pinakiramdaman ko ang pintig ng aking puso. Mula sa condo ni Max hanggang nandito na ako, hindi nagbago ang bilis niyon.

Napahawak ako sa aking labi. Kahit ilang minuto na ang lumipas nang dumampi ang sa kanya sa akin, pakiramdam ko nandito pa rin ang kakaibigang pakiramdam niyon.

Marunong siyang humalik. Iyon ang una kong napansin habang gumagalaw siya kanina.

Napapikit ako ng mariin dahil sa iniisip. Nag-init na naman ang aking pisngi. Hindi ko na nakayanan ang nararamdaman at patakbo na akong tumungo sa sala. 

Punyemas!!!

⭕⭕⭕

Ilang beses na akong paling-linga. Nang walang makita, pinagpatuloy ko ang pagsagot. Mabilis ang pag-angat ng aking ulo nang may maramdamang paparating. Ibang tao pala. Napabuntung hininga na lang ako dahil mukhang wala naman siya rito.

Kakatapos lang ng huli kong klase. Nasa library ako ngayon, nagsasagot ng assignment. Hinihintay ko na lang si Joaquin and like the usual, didiretso kami ng Mall.

Tinukod ko ang aking siko sa lamesa at itinutok ang mata sa papel. Inayos ko ang suot kong salamin habang nagbabasa ng maigi. Pagkatapos kong sagutan ang huling tanong, huminga ako ng malalim at wala sa sariling nag-angat ng tingin.

Max, wearing the jacket I gave him, is now standing in front of me. Hindi ko naitago ang gulat sa aking mukha.

"Hey," he fixed his eyeglasses sabay suklay rin sa kanyang buhok paitaas gamit ang mga daliri.

"M-Max," Napaayos ako ng upo. 

Ngumisi siya bago sinilip ang papel na sinusulatan ko kanina. Muli niya akong tinignan.

"Homework?" He asked.

Tumango ako. "O-Oo."

"Bakit dito mo ginagawa?" Hinugot niya ang upuan sa harap ko at naupo roon. "To save time?"

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon