Chapitre 8

70 7 4
                                    

Chapitre 8

Excited

"Grade 8 let's go! Grade 8 let's go! Win this fight! Go go go!"

Dumadagundong sa buong covered court ang sama-sama naming pagsigaw ng sobrang lakas. Sanib pwersa ang sigaw at tili ng top 3 sa Grade level namin. Katulad noong elims ay kaharap namin ang dalawa pang section ng Grade 8 at nagtutulungan kami sa pagchicheer.


Halo-halo na ang sigawan sa court. Kanya-kanya ang cheer ng bawat Grade level. Halos mapuno na ang buong covered court sa dami ng tao. Talaga sigurong ito ang isa sa mga pinakainaabangang event sa school. Hindi kasi ako nakapanood last year dahil hindi naman ako interesado noon.


"Talunin niyo ang panget! Talunin niyo ang mga panget!" Iba ang cheer nila Candle at Elle. Ang sakit na ng tiyan ko dahil kanina pa kami tawanan ng tawanan.

Actually wala pa ang mga contestants. Sinimulan kasi ng isang section ng Grade 10 ang pagchicheer kaya siyempre, hindi magpapatalo ang iba kaya nagpatuloy na ang sigawan.

Maya-maya ay wala ako sa sariling napabaling sa banda nila. Hinanap ko siya roon pero hindi ko siya nakita. Siguro nandoon pa rin sila at nag-uusap. Sabi ng kung ano sa isip ko.


May girlfriend pala siya? Ngayon ko lang nalaman. Hindi kasi siya nagpopost tungkol sa kanila. Hindi ko rin siya inistalk kasi... bakit ko naman gagawin 'yon?

Napaisip tuloy ako. Matagal na kaya sila? Ang ganda no'ng babae. Ngayon ko lang siya nakita. Ano kayang section niya? Baka naman kaklase lang niya?

Wait! Bakit ko ba iniisip ang relasyon nilang dalawa?!

Ipinilig ko ang aking ulo at bumuga ng marahas na hangin. Inalis ko sila sa isipan ko dahil ayokong may iniisip na iba maliban sa magandang moment na tulad nito.

"Ayos ka lang, Ram?" Napalingon ako sa tanong bigla ni Jana.

Tumango ako at nagpakita ng assuring na ngiti. Hindi siya nagsalita at nanatili ang tingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at nagpatuloy na ulit sa pagchicheer. Baka mahot seat niya ako ng wala sa oras.

"Go bitches! Talunin niyo ang mga panget!" Sigaw naming tatlo nila Candle at Elle at sabay-sabay na tumawa.

Paglipas lang ng ilang minuto ay isa-isa ng nagsidatingan ang bawat grupo each Grade levels. Hinanap ko sila at nang makita, naghiyawan na naman ulit kami. Nagulat pa ako dahil may kumikinang na silang turban na suot na wala naman kanina. Napagtanto ko na iyon siguro ang highlight ng costume nila.

Naiinggit tuloy ako ng kaunti. Kung hindi sana ako inatake, kasama sana ako sa kanila.

Sa huli, winaksi ko ang kaisipang iyon at nagfocus na lang sa pagchicheer.

"Go Grade 8! Sige pa, sige pa! Go Grade 8! Sige pa, sige pa!" Halos mapaos na ang bawat isa sa amin sa kasisigaw at katitili ng malakas. Wala na ring marinig ang tainga ko kundi walang humpay na sigawan na bumabalot sa buong covered court.

Hanggang sa bigla kong matanaw ang dalawa kong Kuya. Nalaglag ang panga ko sa mga hitsura nila.

Agaw pansin ang all boys na grupo nila Kuya Jericho. Wala sa kanilang babae kaya malakas ang loob nilang magmuscle shirt na mahaba ang slit sa magkabilang tagiliran at blue shorts na pambaba. Kita ang mga katawan nila sa loob ng damit na siyang pinagpipiyestahan ng mga kababaihan.

"Sarap ni Kuya Jericho!" Biglang tili ni Elle. Napatingin kaming lahat sa kanya at malakas na nagtawanan. Ang babaeng ito talaga.

90's ang theme ng costume nila Kuya Race. Ang cute niya sa suot niyang jumper na hanggang tuhod na polca dots na polo-shirt ang panloob. White socks at white shoes ang suot nilang lahat, sa pinakacostume lang sila magkakaiba.

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon