Chapitre 31

28 4 0
                                    

Chapitre 31

Birthday

"Goodmorning!" Bungad ni Joaquin pagkalabas ko.

"Goodmorning," I smiled.

Pinagbuksan niya agad ako ng pintuan ng sasakyan niya. Sandali akong natigilan bago napangisi.

"Day one, huh?" 

"Day one," ngiti niya at isinarado ang pinto. 

May ngiti sa kanyang labi siyang umikot at pumasok ng driver's seat.

It's day one. Unang araw ng panliligaw niya sa akin. Bago siya umalis kagabi ay sinabi niyang liligawan niya na raw ako.

Pumayag naman ako. Dahil, bakit naman hindi? Kahit kaibigan pa rin ang tingin ko sa kanya ngayon, gusto kong subukan. Hindi ko siya paaasahin. Kung wala talaga akong nararamdaman at kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kalagitnaan ng panliligaw niya sa'kin, sasabihin ko naman agad sa kanya.

Matagal na rin kaming naging malapit ni Joaquin sa isa’t isa. At ang pinakahuli kong nais mangyari ay ang saktan ang damdamin niya.

"Nagbreakfast ka na?" Tanong niya habang minamaniobra ang sasakyan.

"Oo. Ikaw?"

"Yeah... but," may kinuha siya sa likod.

Isa iyong pink na tumbler na sa tingin ko ay shake ang laman.

Binigay niya iyon sa akin. "Here."

"Shake?" Binuksan ko ang tumbler.

"Fruit shake.”

"Gawa mo?" 

"Yes," he smirked.

Napanguso ako at tinikman iyon. Tumaas ang dalawa kong kilay.

"Masarap?"

Tumango ako. "Thank you."

"You're welcome... Anong oras end ng last class mo?"

Napangisi agad ako roon.

"Twelve."

Natahimik siya at tila nadismaya. "Alas-una ang sa akin..."

A Very Beautiful TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon