Chapitre 19
Swimming
Highschool ang pinakamasaya sa lahat.
Ang katagang iyon ang parati kong naririnig sa mga mas nakatatanda sa akin; kina Mommy, Daddy, Kuya Jericho at Kuya Race, mga Tito at Tita ko at maging kay Lolo at Lola.
"Highschool life, ba't ang highschool life ay walang kasing saya?"
Isa sa mga liriko ng kantang Highschool life na inawit ni Sharon Cuneta.
Iyon din talaga ang tanong ko. Bakit walang kasing saya ang highschool? Pinipilit kong sagutin ang sarili pero kahit anong piga ko, wala akong makuhang kasagutan.
Dahil sa mga kaibigan ko? Dahil ba sa Cadella? Dahil ba sa kanila kaya ganito kasaya maging highschool student?
O... dahil sa kanya?
I really don't know. Pero isa lang ang masasabi ko. When he came, naging makulay ang lahat. Naging mas makulay ang lahat.
Sobrang cringey, I know. But that's what I observed and feel. Iyon ang napansin at naramdaman ko nang dumating siya.
Max remained as my happy crush. Wala akong ginagawang kahit anong move upang malaman niya ang pagkakagusto ko towards him.
I am happy, because he is my crush. I am happy because he's the one that I like.
That remained, alright. Masaya na ako roon.
Araw-araw, walang mintis siyang nagpupunta ng classroom para mag-abot ng pagkain. Hindi nawawala roon ang legendary Moby chocolate drink (ang bansag ng Cadella) sa paper bag na ibinibigay niya sa akin.
"Hindi na anak. Last month pa dahil pinapabaunan na kita, 'diba? Bakit?" Tugon ni Mommy nang minsang tanungin ko siya kung pinapahatid niya pa rin ba ng pagkain si Max sa akin sa room.
Noong una, nagulat ako roon. But then, isang ngiti ang sumilay sa aking labi.
Pero sa kabila niyon ay isang kaisipan ang lumukob sa akin.
Ginagawa niya lang iyon dahil magkaibigan kami.
Ngumiti na lang ako. Gaya ng lagi kong ginagawa, hindi ako umaasa na parehas kami ng nararamdaman. Ayokong umasa. Ayokong mag-assume. Ayos na sa akin kung ganoon nga ang rason niya kung bakit niya pa rin ginagawa iyon.
Atleast, 'diba? Close kami ng crush ko!
"I'm sad," ani Max pagkaabot niya ng paper bag. Malungkot ang mukha niya at nakababa ang balikat.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit?"
"Hug me, please?" Halos pautos iyon.
Nagulat ako ng ilang sandali pero natatawa rin siyang niyakap sa huli. Hindi naman 'yung talagang yakap na dikit na dikit. Marahan ko lang hinaplos ng dalawang beses ang likod niya pagkatapos ay bumitaw na rin agad. "Bakit malungkot ka?" Ulit na tanong ko.
"Lagi ng umaalis 'pag weekends si Manong Bert, wala na akong kasama gumala!" tugon niya sa parang bata na nagsusumbong na boses.
Natawa ako. Nalaman ko kay Ninang na nililigawan na siya ni Manong Bert kinabukasan agad noong nagkakilala sila sa mall.
BINABASA MO ANG
A Very Beautiful Twist
Teen FictionRamina, a beautiful but a not so smart student, thought that her high school life was just going to be simple. She will go to school, study and enjoy every single moment of it with her friends. But when Max, the 'Mr. Perfect' guy, started to get clo...